Xearis' POV.
"Sige, dalhin niyo na siya dito. Wag niyong sasaktan." Sabi niya sa kabilang linya. At sabay pindot na sa end button.
Wala akong maramdaman na kahit anong guilt sa ginawang pagkidnap kay Alfred. Yes, I'm desperate enough. Kasalukuyan akong nasa rest house sa pampangga. Dito ko itatago si Alfred. Pakiramdam ko wala na ko sa katinuan dahil sa ginagawa ko. Tutal sira naman na buhay ko, sisirain ko na lang din yung kay Alfred. This is all his fault! Ganto ba talaga ang masaktan? You will do unbelievable things just to feel okay? Kase kung ganto, ayoko na masaktan.
..
I dont know if tama ba tong ginagawa, cause all I know is that I need to take revenge. Kailangan ko gumanti sa pananakit na ginawa niya sakin. Kailangan ko iparealize sakanya na I dont deserve any of this. He cant just be happy, while here I am suffering from all the pain he gave.Narinig ko na ang pag stop ng engine ng kotse sa garahe. Nandito na sila. I wonder if ano itsura ni Alfred ngayon. Wearing his tuxedo, tapos naka tali. *evil grin*
*knock knock*
"Ma'am andito na po yung pinapadukot niyo. Iaakyat po ba namin?" Tanong ni Carlo, isa sa mga kidnappers.
"Oo sige, paki tali na lang siya diyan." Sabay turo ko sa king size bed sa akin harapan. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyare.
Narinig ko ang kalabog at mabibigat na yabag ng mga kidnappers. Pagpasok nila sa pinto tinignan ko agad si Alfred. Naka duck tape ang mga paa at kamay neto. Nagpupumiglas pa rin siya at nagpupumilit magsalita kahit hindi maintindihan. Nakatakip ng sako ang kanyang mga mukha na ikinainit ng ulo ko. Pano kung di siya nakahinga? Tinignan ko si Alfred habang tinatali siya sa kama. Sa nag daan na taon parang ang daming nag baga rito. Una, lumaki ang katawan neto. Mukhang nagpakasasa sa gym. Habang ako? Halos hindi nagkakakain.
"Sige na bumaba na kayo. Ako na bahala dito. Mamaya na tayo mag usap." Sabe ko sa mga kidnappers.
"Sige po mam." Lumabas na sila ng kwarto.
Muli kong tinignan ang nagpupumiglas na Alfred. Ano kaya magiging reaction niya pag nakita niya ko.
Lumapit ako sa kanya. At unti unting tinatanggal ko ang sako sa mukha niya.
Kinakabahan ako...
"IKAAAAAAAAAAAAW!" Sigaw niya. Di ko inaasahan ang makikita ko.
"Hah! Bakit andito ka? Ano ginagawa mo dito? Asan si.." Napatigil ako sa sasabihin ko ng iinterrupt niya ko
"Bakit mo ko pinakidnap ha. Hindi mo ba alam kasal ng pinakamamahal kong pinsan. You ruined it!!" Galit na sigaw neto sakin.
"Ah.. eh. Hindi naman ikaw dapat yon eh! Bakit ikaw!" Sigaw ko din sakanya.
"Sabe ko na nga ba crush mo ko. Miss please, I dont tolerate obsessed woman." Inis na sabe niya.
"Hey, mister. For your information hindi ikaw ang dapat nakatali diyan ngayon. Si Alfred. Ang ex fiance ko. I dont know why the fuck you are there. And bakit ikaw ang nakuha. Ughhh!! Ang tatanga naman." Inis na sabe ko sabay hawak sa buhok ko. Grabe. Fail ng plano. Sa dami ng pwedeng taong makuha bakit ito pa. Itong weirdo na lalaki nato. Jusko naman.

BINABASA MO ANG
I kidnapped my groom.
RomanceGumuho ang mundo ni Xearis ng iwanan siya sa altar ng lalaking dapat papakasalan niya three years ago. Kaya ng malaman niya na magpapakasal ito sa isang sikat na modelo plinanong niyang sirain ang kasal neto. Kikidnapin niya dapat ito, ngunit tila m...