"Ma'am, andito na po kami. Nasisipat na namin yung pinapakidnap niyo. Nasa loob pa po ng sasakyan."
Sabi ng lalaki habang may kausap sa cellphone. Kasalukuyan nasa tapat sila ng isang lumang simbahan, na mayroong magarbong mga dekorsyon. Magagandang bulaklak na nag cocompliment ang kulay sa isa't isa. Sa harapan ng pintuan ng simbahan ay nakapark ang isang puting sasakyan kung saan andun ang lalaki na kanilang kikidnapin dahil napagutusan sila. Napagalaman nila na yung lalaki ay ex nung amo nila. Medyo matagal sila nag hintay bago tuluyang bumaba ang isang matipunong lalaki na nakasuot na puti na tuxedo. Ito na nga ang hinihintay nila. Suot ang itim na maskara, lumabas na ang limang mga lalaki sa van at pumunta sa direksyon ng lalaking naka tuxedo na kasalukuyan inaayos ang kanyang sarili at maglalakad na patungo sa loob ng simbahan. Ngunit nagulat ito ng biglang may dalawang lalaking humawak sakanya mula sa likod. Triny netong pumalag, ngunit huli na. Nagkagulo na ang mga tao, lumabas ang isa pang lalaki mula sa sasakyan na puti naka tuxedo din ito. Pipigilan niya ang mga maskaradong lalaki, triny pa netong suntukin ang isa pang naka maskara ngunit naunahan siya neto sa pag sapak. Malakas ang pagkakasapak kaya napahiga ang lalaki. Samantalang ang lalaki na kikidnapin nila ay tuluyan na nilang na dala sa van. Nagpupumiglas pa rin ito at mag sisigaw sigaw.
"Bullshit! Pakawalan niyo ko. Sino kayo?" Halata sa mukha ang galit ng lalaking ito, ang mga ugat sa leeg ay nag lalabasan.
"Manahimik ka." Sigaw ng isa sa mga kidnappers na may hawak na duck tape. Nilagyan siya neto sa kamay at paa ganun din sa bibig. Ngunit masyadong makulit ang lalaki at nag pupumiglas pa din, he keeps on cussing.
"Pabshzjskajalalwalan nauaoyiyo kao." Nagsasalita siya ngunit di maintindihan ito.
Nagtawanan ang mga kidnappers at pinaandar na ang kotse. Hinugot naman ng isa ang cellphone at may tinawagan.
"Ma'am nakuha na namin."

BINABASA MO ANG
I kidnapped my groom.
RomanceGumuho ang mundo ni Xearis ng iwanan siya sa altar ng lalaking dapat papakasalan niya three years ago. Kaya ng malaman niya na magpapakasal ito sa isang sikat na modelo plinanong niyang sirain ang kasal neto. Kikidnapin niya dapat ito, ngunit tila m...