Tumatakbo ako sa isang madilim na iskinita noong gabing iyon habang walang tigil na lumilingon sa aking likuran dahil kailangan kong maligaw ang mga humahabol sa akin sapagkat katapusan ko na pag ako'y nahuli.
Nang maramdaman kong wala ng humahabol ay huminto ako sa ilalim ng tulay upang ako ay magpahinga.
Pagkaupo ay agad kong inilabas sa bulsa ng aking jacket ang isang makapal na pitaka na sa tantya ko ay may laman na hindi bababa sa sampung libong piso. Napangiti ako ng tama ang aking hinala at agad ko ng isinilid ang pera sa bulsa ng aking pantalon at agarang itinapon ang pitaka sa katabing ilog.
Ng manumbalik ang aking lakas ay agad na akong tumayo upang lisanin ang lugar ngunit limang hakbang pa lang ang aking nalalakad ng may biglang sumita sa akin.
"Itaas mo ang iyong kamay at huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo!" Sigaw nito.
Huminto ako sa aking kinatatayuan at maya-maya ay pumaling ako paharap dito ng nakataas ang kamay.
Nagulat ito ng makita ang aking pagmumukha habang nakatutok sa akin ang baril nito samantalang hindi ko siya maaninag dahil hindi siya nasisinagan ng liwanag na nagmumula sa isang poste ng ilaw.
"Ikaw?" Hindi nitong makapaniwalang tanong.
Labis akong nagtataka sa ikinikilos nito sapagkat parang matagal niya na akong kilala.
Sinamantala ko ang pagkakataon ng makita kong nawala ito sa konsentrasyon. Agad ko itong sinipa sa tiyan na ikinabagsak nito at agaran kinuha ang tumilapon niyang baril.
"Pasensyahan na lang tayo" mayabang kong turan habang nakatutok ang baril dito.
Ngunit bago ko pa maiputok ito sa kanya ay may narinig akong ilang putok ng baril sa aking likuran na siyang dahilan ng aking pagbagsak.
Bago ako malagutan ng hininga ay tiningnan ko ang lalaki na umiiyak habang yakap-yakap ako.
"Paalam, mahal ko"

BINABASA MO ANG
Desire
Short Storypaano mo matatakasan ang iyong nakaraan kung ang mismong tadhana na ang nagdidikta nito sayo.