Kabanata Una: Isang umaga

136 2 0
                                    

Kabanata I: Isang Umaga

Nagising si Robert ng umagang iyon dahil sa isang masamang panaginip na ilang araw na niyang napapaniginapan. Nagtataka man ito ay hindi na niya lang pinagtuunan ng pansin at agad ng bumangon sa kinahihigaan para pumunta ng banyo at naligo.

Pagkatapos niyang magbihis ay dumiretso siya sa kanilang kusina upang magtimpla ng kape at nabungaran niya ang kanyang kinakasamang si Lea na naghahanda ng agahan.

"Mabuti naman at nagising ka na." Bati nito sa kanya.

"Napasarap eh." Nakangising sagot niya.

"Bantayan mo muna nga ang anak mo at may nakalimutan akong bilhin sa labas." Utos nito sa kanya at agad itong bumaba ng matapos sa ginagawa.

Pumunta siya sa kinahihigan ng kanyang anak habang dala ang kapeng iniinom para makita kung ano ang pinagkakaabalahan nito. Nakita niya itong nakahiga sa papag habang dumedede sa hawak nitong bote.

"Musta na ang pogi kong baby?" kausap niya rito.

Napangiti ito ng makita siya at agad nitong binitawan ang boteng hawak-hawak upang magpakarga.

"Asus." Kuha niya dito at pumwesto sila sa bintana ng kanilang bahay upang ito ay maarawan.

Nakita nila ang mga taong abalang-abala sa kanilang mga gawain habang naglalaro naman ang mga bata sa kalye na tila walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid.

Biglang naglikot ang kanyang anak ng makita nito sa himpapawid ang isang eroplano. Halatang tuwang-tuwa ito sa nakikita dahil kumakaway pa ito.

"Wow! Eroplano." Kunwa'y namamangha niyang sabi.

Nasisiyahan siya habang tinitigan ang kanyang anak at bigla ay naalala niya ang kanyang kabataan dahil gaya nito ay nagagalak din siya sa tuwing nakakakita ng eroplano sa kalangitan.

(Flashback)

Hinahabol ko noon ang isang eroplanong kasalukuyan lumilipad. Kahit hingal na hingal ako ay hindi ako tumitigil dahil ibang saya ang nararamdaman ko sa tuwing nakakakita ako nito. Habang nakatingala ay hindi ko napansin ang isang batang lalake na nakaharang sa aking dadaanan kaya nagkaumpugan kami at sabay na natumba sa lupa.

"Aray!" Inda ko habang sapo ang aking noo.

Narinig ko itong pumalahaw ng iyak kaya agad ko itong nilapitan upang alamin ang kalagayan.

"Naku! Sorry hindi ko sinasadya." Hinging paumanhin ko rito ng makita ang bukol sa banda noo nito.

Hindi ko malaman ang gagawin dahil hindi ko ito mapatahan. Ng makapa ko sa aking bulsa ang lollipop na binili ko ay agad ko itong kinuha upang ibigay.

"Bata, ito o lollipop sayo na lang." alok ko sa kanya.

Tiningnan niya ako at maya-maya ay kinuha niya rin ito habang sinisinok-sinok pa.

"Sorry ulit. Bati na tayo ha?" nakangiti kong sabi sa kanya.

Pinunasan nito ang kanyang ilong dahil sipon at tumango ito sa akin sabay ngiti.

Nawala si Robert sa kanyang pagmumuni ng biglang umiyak ang kanyang anak kaya agad niyang kinuha ang dede nito upang painumin ng gatas at ilang sandali pa ay muli itong nakatulog kaya inihiga niya ito sa duyan at agad pumunta sa kusina upag mag-agahan.

Habang kumakain ay nakita niya ang kanyang kapatid na si Kristal na nagahahanda upang pumasok sa paaralan. Lumapit ito sa kanya para manghingi ng baon.

Dumukot siya sa kanyang bulsa ng singkwenta pesos at iniabot niya dito.

"Kuya pwede po bang dagdagan mo ng trenta?" hiling nito.

"Bakit?" tanong niya.

"May project kasi kami sa English." Sagot nito.

"Totoo ba yan?" Paninigurado niya.

"Opo kuya." Kumbinsi nito sa kanya.

Dumukot siya uli sa kanyang bulsa upang bigyan ito ng dagdag na pera.

"Thanks kuya." Pasasalamat nito sa kanya sabay yakap.

"Sige na pumasok ka na may payakap-yakap pang nalalaman eh." Taboy niya dito.

"Sus, naglalambing lang eh." Nakanguso nitong sagot sa kanya at sinabayan na nito ng alis.

Pagkatapos niyang kumain ay agad niyang hinugasan ang plato at nag-ayos na ng sarili.

Dumating si Lea na wala sa timpla dala-dala ang mga pinamili nito sa palengke.

"Anong nangyari sayo at tila lalabas na ang ugat mo sa inis?" Kunot-noong tanong niya dito.

"Paano ba naman itong si Ella, hindi mapakausapan na sa susunod na linggo pa tayo makakabayad ng upa." Inis na kwento nito sa kanya.

"Ano ba ang sinabi?" Usisa niya.

"Kailangan daw makapagbayad na tayo bukas kasi kailangan niya na daw ng pera." Sagot nito habang umiinom ng tubig.

"Tsk.. hayaan mo ako na ang kakausap." Sabi niya dito.

Maya-maya ay kinuha niya ang maliit na bag na nakasabit sa ding-ding na pingalalagyan niya ng pera at sinukbit niya ito sa kanyang baywang.

"Mamasada na ako. Mag-ingat kayo dito ha." Bilin niya dito saka lumabas ng bahay.

Kinagabihan pauwi na siya sa kanilang tahanan ng may makasabay siyang isang babaeng naglalakad na nakabukas ang bag. Nakita niya na nagkalat ang pera nito at mga alahas sa loob nito.

Bigla siyang napakapa sa kanyang baywang dahil nakasukbit dito ang balisong at maya-maya ay nilabas niya iyon at agad na nilibot ang tingin sa paligid. Madilim sa bahaging iyon ng nilalakaran nila at walang masyadong tao.

Gagawin na sana niya ang kanyang binabalak ngunit biglang pumasok sa kanyang utak ang pangakong binitawan niya sa anak ng isilang ito.

Napabuntong hininga na lang siya at ibinalik ang balisong sa kinalalagyan nito.

Kinalabit niya ang babae upang pagsabihan na isara ang bag at baka siya'y madukutan.

DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon