Pagod na dumating si Robert ng gabing iyon sa kanilang bahay dahil sa maghapon niyang byahe. Pagkabukas ng pinto nabungaran niya ang kaniyang asawa na kasalukuyang pinapatulog ang kanyang anak habang nagbabasa naman ang kanyang kapatid.
"Musta ang byahe?" Tanong sa kanya ni Lea.
"Okay lang medyo malakas." Aniya.
"Buti naman paubos na kasi ang gatas ng anak mo." Humihikab nitong sabi.
tumungo siya sa kusina upang uminom ng tubig pagkabalik ay hinugot niya sa kanyang bulsa ang perang kinita niya sa maghapong pamamasada.
"Sinabihan ko na si Ella na kalahati muna ng upa ang babayaran natin at ang natitira naman ay sa susunod na linggo na lang." Kwento niya.
"Pumayag naman ba?" Tanong nito.
"Wala naman siyang magagawa kung hindi pumayag." Nakangisi niyang sagot.
"Buti naman." Wika nito na naghanda na para sa pagtulog.
"Saan ka pupunta?" Tanong nito ng maulinigan siyang lalabas ng bahay.
"Magpapahangin lang." Sabay baba sa kanilang bahay.
Tumungo siya sa katabing tindahan upang bumili ng isang boteng beer at kalahating kahang sigarilyo at umupo sa may tapat ng tindahan.
Napansin niya ang buwan sa kalangitan na nagliliwanag ng gabing iyon kasama ang mga bituin ngunit parang nakikita niya ang kalungkutan nito na hindi mapunan ng mga kasama bituin.
Napabuntong-hininga na lang siya ng sumagi sa kanyang utak ang nakaraan niya.
"Miss wag kang sisigaw kung ayaw mong masaktan." Bulong ko sa isang babae na kasalukuyang nagtetext sa tapat ng kalsada habang nag-aantay ng masasakyan.
Agad ko itong inakbayan upang walang makahalata na may masama akong binabalak.
Nanigas ito sa kinatatayuan ng itutok ko sa tagiliran nito ang balisong.
"K-kuya wa-wag niyo po ako sasaktan." Naiiyak nitong pakiusap.
"Akin na ang cellphone mo at wallet ng hindi ka masaktan." Pananakot ko pa.
Nanginginig nitong inabot sa akin ang hinihingi ko at ng makuha ko ito ay binantaan ko siya na wag sisigaw dahil malilintikan ito.
Unti-unti akong lumayo dito habang nakatitig ako sa kanya at ng sampung hakbang na ang layo ko ay tumakbo ako pero biglang may napadaan na mobile ng pulis kaya humingi ito ng tulong habang tinuturo ako.
"Lintik na mukhang mabubulilyaso pa ako." Aniya sa sarili.
Binilisan ko ang takbo dahil ng lumingon ako ay hinahabol na nila ako kaya pumasok ako sa iskinita upang mailigaw sila. Ng nakalabas ako ay inakala kong wala na sila ngunit nagulat ako ng makakasalubong ko sila.
Agad nila akong pinaputukan ng matanaw nila ako kaya bago pa ako tamaan ay lumiko ako sa tulay pero nasa kalagitnaan na ako ng tulay ng makita ko sa kabilang ibayo na may mga rumorondang tanod.
Nilingon ko ang mga humahabol sa akin at nag-isip ako ng gagawin.
"Bahala na." Bulong ko sabay talon sa ilog.
Narinig ko pa ang mga putok ng baril bago ako bumagsak sa tubig.
Halos ubusin ko ang hangin ng umahon ako sa tubig at napahiga na lang ako sa lupa dahil sa labis na kapaguran.
Natanaw ko ang kalangitan na namumutiktik sa bituin habang nagtatago sa ulap ang buwan maya-maya ay kinuha ko sa bulsa ang wallet at cellphone upang tingnan. Napangisi ako ng makita kong makapal ang perang nakatago doon pero ng busisiin ko ang cellphone ay nasira ito dahil napasukan ito ng tubig.

BINABASA MO ANG
Desire
Short Storypaano mo matatakasan ang iyong nakaraan kung ang mismong tadhana na ang nagdidikta nito sayo.