"Kuya magkano hanggang bungad?" Tanong ng isang babae kay Robert.
Tiningnan niya ito na halos hindi magkandauga-ugaga sa dami ng pinamili nito sa divisoria ng hapong iyon.
"Trenta ate." Sagot niya habang humihithit ng sigarilyo.
"Sige patulong naman sa pinamili ko kuya" pakisuyo nito.
Hinithit niya muna ang sigarilyo sabay tapon upang tulungan itong magpasok ng mga pinamili nito sa pedicab.
Halos hindi siya makadaan ng maayos sa kalsada dahil sa dami ng tao. Palibhasa tatlong araw na lang bago ang pasko kaya hindi na naman mahulugan ng karayon ang divisoria sa dami ng mamimili.
Ng mahatid ito ay itinabi niya ang kanyang pedicab sa gilid ng kalsada upang magmeryenda sa isang karenderyang nakita niya.
Habang kumakain ay hindi niya napansin na nabangga na pala ng isang kotse ang kanyang pedicab. Kung hindi pa siya sinabihan ng isang ale ay hindi niya pa malalaman ito.
Halos mandilim ang kanyang paningin sa saralin dahil nakita niyang parang nilukot na papel ang pedicab. Inaway niya ito ng inaway hanggang sa makarating sila sa police station upang ireklamo ito pero bandang huli ay nakipag-areglo siya dito ng bayaran nito ang pinsalang ginawa nito.
Dahil sa nangyari ay wala siya sa timpla ng umuwi. Nagtaka pa si Lea ng mabungaran siya nito sa tapat ng bahay na umiinom sapagkat maaga siyang umuwi.
Agad niyang ikinwento ang nangyari kaya pati ito ay nangoblema kung saan kukunin ang gastusin sa araw-araw.
"Paano ngayon yan?" Problemadong tanong nito sa kanya.
"Hindi ko pa alam pero huwag kang mag-alala gagawa ako ng paraan." Paninigurado niya dito.
Kinagabihan nasa kasarapan na siya ng tulog ng gisingin siya ni Lea sa kadahilanang inaapoy ng lagnat ang kanilang anak.
Agad nila itong itinakbo sa ospital upang matingnan at nagulat silang dalawa na may komplikasyon ang bata sa baga kaya agad itong ikinonfine.
Habang kausap ng doktor si Lea ay tumungo siya sa kapilya ng pagamutan upang magdasal.
"Panginoon, alam ko pong hindi ako naging mabuting tao sa inyong paningin ngunit nagsusumamo ako sa inyo. Kaawan niyo ang aking anak. Siya na lang po ang dahilan kung bakit patuloy akong nabubuhay." Dasal niya.
Pagkabalik niya ay siyang alis ng doktor pero ng makita niya ito na parang pasan ang daigdig ay agad niya itong nilapitan upang tanungin.
"Bakit? Ano ang sinabi ng doktor?"
"Hindi ko malaman kung saan tayo kukuha ng panggastos dahil sinabihan ako ng doktor na malaki ang kakailanganin nating pera upang magamot si Claude." Naiiyak nitong saad.
Agad niyang nilabas ang pitaka upang kunin ang perang binayad ng taong nakadisgrasya sa kanyang pedicab at ibinigay dito.
"Ibayad mo na agad ito" utos niya.
"Pero-"
"Pakiusapan mo muna sila habang gumagawa ako ng paraan upang madagdagan iyan." Putol niya sa sasabihin nito.
Umalis siya agad upang puntahan ang kumpare niya na ang negosyo ay ang magpautang.
"Oh Robert ano ang sadya mo at napunta ka ng ganitong oras?" Nagtatakang tanong nito ng pagbuksan siya ng pinto.
"Ahh... Pare pasensya na kung naistorbo ko kayo pero naparito ako kasi nagbabakasakali akong makahiram ng pera." Nahihiya niyang sagot dito.
"O bakit? Saan mo gagamitin ang pera?" Nagtataka nitong tanong dahil ngayon lang siya lumapit dito upang manghiram.
"Nagkasakit kasi si Claude eh kailangan ko pa ng karagdagang pera para magamot siya." Kwento niya.
"Ano?! Sandali lang pare." Gulat na reaksyon nito sa kanyang sinabi at daliang bumalik sa kwarto nito upang kumuha ng pera.
Pagkabalik nito ay iniabot sa kanya ang limang libong piso para ipahiram.
"Pare, pasensya na kung ito lang ang mapapautang ko sayo alam mo naman." Wika nito.
"Maraming salamat Eric, malaking bagay na ito. Pangako babayaran kita agad pag nakaluwag ako." Pasasalamat niya dito at agad na siyang nagpaalam upang puntahan ang iba pa niyang pwedeng mautangan.
Umaga na ng makabalik siya sa ospital upang tingnan ang kalagayan ng kanyang anak.
"Kamusta na si Claude?" Tanong niya kay Lea ng makapasok siya sa kwarto.
"Bumubuti naman ang kalagayan niya." Mahinang sagot nito na mababakas ang puyat.
Tumabi siya sa kanyang anak na kasalukuyang tulog. Hinawakan niya ang kamay nito sabay halik sa pisngi.
"Sinabihan ko na si Kristal na pumunta dito kapag pauwi na siya upang may katulong kang magbantay habang gumagawa ako ng paraan upang magkapera." Sabi niya habang hawak ang kamay ng bata.
Tumango ito at maya-maya ay nagtanong.
"Kamusta? Nakahiram ka ba ng pera?"
Inabot niya dito ang perang nahiram niya sa kanyang mga kaibigan.
"Pagkasyahin mo muna ito." Wika niya dito.
Pinatulog niya muna ito habang siya ang magbabantay.
Kinahapunan ng dumating ang kanyang kapatid ay nagpalit sila ng pagbabantay upang makaidlip ng konti habang namimili si lea ng kanilang makakain.
Ngunit bago mag-alas diyes ng gabi ay muling tumaas ang lagnat ng bata at tumitirik na ang mga mata nito kaya agad itong ipinasok sa emergency room para maagapan.
"Diyos ko! Iligtas mo ang aming anak!" Humahagulgol na panalangin ni Lea habang yakap niya ito.
Ng lumabas ang doktor upang sabihan kami na nasa kritikal na itong kondisyon ay pinakausapan niya itong gawin ang lahat ng makakaya upang masalba ang buhay ng kanyang anak.

BINABASA MO ANG
Desire
Short Storypaano mo matatakasan ang iyong nakaraan kung ang mismong tadhana na ang nagdidikta nito sayo.