"Itaas mo ang iyong kamay." Utos nito sa kanya.
Napahinto siya sa kanyang kinatatayuan dahil pamilyar ang boses na iyon. Maya-maya ay pumaling siya paharap dito ng nakataas ang kamay.
Ng Makita nila ang isa't-isa ay parehas silang nagulat at hindi agad nakapagsalita.
Ng makabawi siya sa pagka-gulat ay nginitian niya ito ng mapakla at tinitigan niya ito ng matagal bago magsalita.
"Kamusta?" Bati niya dito.
"R-robert paanong.." Hindi makapaniwalang tanong nito habang nakatutok ang baril nito sa kanya.
"Bakit? Hindi ka ba makapaniwala sa iyong nakikita?" Natatawa niyang sagot dito.
"Pero bakit?!" Nanginginig na sigaw nito.
"Gusto mo bang malaman ha? Matteo?!!" Mapang-uyam niyang sigaw dito.
Gusto niyang matawa sa kinasadlakan niyang sitwasyon hindi niya malubos maisip na sa ganito pa silang senaryo muling magkikita na taong tangi niya lang minahal.
"Oo! Gusto kong malaman Robert!! Gusto kong malaman kung bakit mo to nagawa!" Naluluha nitong tanong sa kanya.
"Simple lang, nasa ospital ngayon ang aking anak dahil sa sakit nito sa baga at kailangan kong gumawa ng paraan upang gumaling siya." Malungkot niyang kwento dito.
Halos hindi ito makapagsalita sa nalaman. Tiningnan siya nito na tila gusto siyang akapin ngunit parang may pumipigil dito gawin ang bagay na iyon.
"Pero may iba pang paraan.." Saad nito.
"Matteo, ginawa ko na ang lahat pero wala na talaga." Naiiyak niyang sagot dito.
Unti-unti siyang lumapit dito para ibaba an gang nakatutok nitong baril sa kanya at upang maki-usap.
"Kaya please.. Matteo nakikiusap ako. Hayaan mo ako alang-alang sa anak ko." Naluluha niyang hiling dito.
Matagal bago ito nakasagot sa kanya. Tila pinagiisipan ng mabuti ang sasabihin nito.
"Pero kailangan mong pagbayaran ito." Mariin nitong sagot.
"Sige pagbabayaran ko ang lahat ng kasalanang nagawa ko pero hayaan mo muna akong makabalik sa ospital para sa aking anak." Luhod niyang pakiusap dito.
"Pero.." naguguluhan nitong sagot.
Dahil sa inis ay hindi niya na nakontrol ang sarili at bigla niya itong sinuntok sa mukha na dahilan upang bumagsak sa lupa.
"Tang-ina!! Ano pa ba ang gusto mo?!! Katawan ko ba ha? Ha?!! Sige pagbibigyan kita." Sigaw niya dito sabay hubad ng kanyang damit at agad niya itong pinatungan upang halikan.
Nakipagbunuan ito sa kanya ngunit hindi ito makapalag dahil sa higpit niyang umakap. Halos hindi na ito makahinga sa ginagawa niyang paghalik dito ngunit kalaunan ay tila nag-iba ang ihip ng hangin dahil biglang naging malumanay ang paghalik niya dito.
Ipinaramdam niya dito kung gaano siya nangulila sa pagkawala niya. Hindi na ito pumapalag sa kanyang ginagawa na tila nahulog ito sa kanyang patibong sapagkat tinugon nito ang kanyang halik na dahilan upang magsiklab ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.
Pagkatanggal ng butones ay agad niyang pinugpog ng halik ang katawan nito na dahilan upang mapaliyad ito at habang bumababa ang kanyang labi sa katawan nito ay lalong humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang ulo na tila sinasabunutan na siya.
"Ahh.." Ungol nito.
Ibinalik niya ang kanyang labi sa labi nito ay tila naging mapangahas na ito sapagkat hinaplos na nito ang kanyang katawan.
Ng magkasalubong ang kanilang mga mata ay tila sinasabi nito sa kanya na kung gaano nito kinasabikan ang ginagawa nila.
"Mahal pa rin kita Matteo." Bulong niya dito sa tenga.
Tila nagising ito sa panaginip dahil ubod lakas siya nitong tinulak at sinuntok sa mukha.
"Hindi! Hindi ito maari." Sigaw nito sa kanya.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig na may kasamang yelo sa narinig at tiningnan niya ito ng masama.
"Hindi ito pwede Robert! Hindi na natin pwedeng ibalik ang dati!" Wika nito sa kanya.
Tumayo siya at pinagpag ang pantalon sabay kuha ng kanyang damit at matalim niyang tiningnan ito.
"Kung ayaw mong gawin bahala ka!!" Galit niyang saad dito sabay tadyak sa sikmura nito na ikinapilipit nito dahil sa sakit.
Agad na siyang tumakbo upang makatakas pero bago pa siya makalayo ay narinig niya ang ilang putok ng baril na umalingawngaw sa paligid na dahilan upang ikabagsak niya. Hindi niya napansin na dumating na pala ang mga kasama nito at pinaputukan siya.
"ROBERT!!!" Sigaw ni matteo at agad siyang lumapit dito.
Niyakap siya ng mahigpit nito habang humahagulgol ng iyak.
Hinawakan niya ang mukha nito habang nag-aagaw buhay siya.
"Mat,.. i-kaw na a-ang ba-ha-la sa a-aking anak." Habilin niya dito na kinakapos na ng hininga.
"R-Robert.." umiiyak nitong sagot sa kanya.
"M-masa-ya ako d-dahil sa huling pag-ka-kataon a-ay ik-kaw ang a-aking ka-kasama." Nakangiti niyang saad.
Tiningnan niya ang kanyang relos at napangiti ng malaman ang oras.
"Ma-mali-gayang p-pasko sayo." Bati niya dito.
"Pa-paa-lam ma-hal ko." Huli niyang nasabi bago siya panawan ng buhay.
"ROBERT!!!" Sigaw ni Matteo sa kawalan.
WAKAS

BINABASA MO ANG
Desire
Short Storypaano mo matatakasan ang iyong nakaraan kung ang mismong tadhana na ang nagdidikta nito sayo.