Kabanata Apat: Kapit sa patalim

58 2 0
                                    

Tulalang naglalakad si Robert ng gabing iyon sa paligid ng simbahan ng Santa Cruz. Nangongoblema siya kung saan kukuha ng pera upang maipandagdag sa gastusin sa ospital.

Bumubuti naman ang kalagayan ng kanyang anak ngunit kailangan niyang pang maghanap ng perang ipambibili ng gamot upang tuluyan na itong gumaling.

Hindi na siya makautang sa kanyang mga kaibigan sapagkat napahiram na siya ng mga ito. Hindi naman makabyahe dahil nga sa nangyari sa kanyang pedicab kaya halos manakit na ang kanyang ulo sa problemang dinaranas nila.

Hanggang masagi ng kanyang paningin ang isang babaeng naglalakad na halatang may sinasabi sa buhay kung pagbabasehan ang kilos at porma nito.

Nagtatalo man ang isip sinundan niya ito sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa madilim na parte ng lugar na iyon.

"Diyos ko! Patawarin niyo po ako sa aking gagawin ngunit alang-alang sa aking anak gagawin ko ulit ito." Hinging paumanhin niya sa panginoon.

Kinuha niya ang balisong sa kanyang bulsa at agad itong nilapitan upang gawin ang masamang balak.

Inakbayan niya ito at bumulong dito na wag gagawa ng anuman ingay upang hindi ito masaktan.

Natulos ito sa kinatatayuan dahil sa ginawa niya at hindi agad ito nakapagsalita sa labis na takot.

" Ku-kuya.... W-wag niyo po akong sasaktan." Kandautal nitong pakiusap sa kanya.

"Pwes ibigay mo ang iyong wallet at cellphone ng hindi ka masaktan." Pinatigas niyang boses upang lalo itong matakot.

Dahil sa labis nitong takot ay dahan-dahan nitong inabot ang hinihingi niya nakita niyang nagaalangan pa itong ibigay sa kanya ang gamit kaya idiniin niya dito ang balisong upang mapilitan na itong ibigay.

Pagkakuha niya dito ay pinahakbang niya ito papalayo sa kanya at pinagbantaang huwag gagawa ng anuman ingay kung ayaw nitong mapahamak. 

Ng makalayo ito sa kanya ay agad siyang tumakbo papalayo dito ngunit biglang may napadaan na mga pulis at agad nanghingi ito ng saklolo dito. 

Pagkalingon niya ay nakita niya ang mga ito na hinahabol siya kaya binilisan niya ang kanyang takbo upang malayuan ito. 

"Potek na malilintikan pa ata ako!" Inis niyang bulong. 

Pinagbabaril siya ng mga ito ngunit ni isa ay walang tumama sa kanya agad siyang pumasok sa nakita niyang iskinita at nagpasikut-sikot dito. 

Pagkalabas niya ng iskinita ay akala niyang nailigaw niya na ang mga ito pero laking gulat niya ng makakasalubong niya pala ang mga ito kaya mabilis siyang tumakbo upang maiwasan niya ang mga ito. 

Hingal kabayo siya ng huminto sa ilalim ng tulay dahil sa layo ng kanyang itinakbo. Ng masigurado na niyang wala ng humahabol sa kanya ay umupo siya sa isang haligi ng tulay upang makapagpahinga. 

"ha.. ha.. ha.. muntikan na ako." hinihingal niyang wika sa sarili. 

Ng makabawi ng lakas ay napatingin siya sa kanyang relos na nagulat ng makitang pasado alas-onse na pala ng gabi. 

"Isang oras na lang pala bago mag-pasko." Mangha niyang wika. 

Tumayo na siya upang bumalik sa ospital ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ng may nagsalita sa kanyang likuran. 

"Hinto!" mariin nitong utos sa kanya.

DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon