Chapter 15 ~ Found 'Yah

3.5K 158 10
                                    

xXSadisticUmbrellaXx

Cathlyn POV

"Ano pang tinitingin-tingin niyo dyan?! I need a little help her!" Sarkastikong utos samin ni Beah. Nagkatinginan pa kami ni Yunika pero agad din naman kaming tumakbo papunta dun sa may pintuan para tulungan siya.
Kinakalampag parin ng mga nilalang sa labas yung pintuan habang full force kaming tatlo sa pagpigil sa unstable na pinto.

"Argh! Hin-di-ko-na-ka-ya!"
Nanginginig na kasi yung buong katawan ko at naubos na ata ang lahat ng lakas na meron ako. Buti pa tong dalawa parang mga amazona pa din sa pagpigil ng pinto. Hindi na kailangang sabihin na ako na ata ang pinakamahina saming tatlo. Kaya paniguradong ako rin ang unang matitigok dito.

T__T

"Just keep on pushing! Kung ayaw mong maging giniling!" Panakot sakin ni Beah.
Huhu. Naiisip ko palang parang hindi ko na magawang lunukin man lang ang sarili kong laway. Bigla naman akong nataranta sa sinabi niya at tinulak ko ulit ng pagkalakas-lakas yung pinto dahil sa sobrang takot. Ibang klase rin kasing mang-motivate ang babaeng to eh. Mapapa-oo ka nalang kasi wala ka nang choice.

Si Yunika naman ay tahimik lang pero ginagamit ang buong lakas niya para hindi tuluyang makapasok ang sinumang nasa labas ng pintuan. Huhu. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa utak ko. Ganito rin kasi yung eksena namin sa cafeteria bago namatay nun si Brix. Ako na kaya ang susunod sa yapak niya? Napailing nalang ako habang nanggigilid na yung luha ko dahil sa mga tumatakbo sa isip ko.

Tulad nga ng sinabi ko. Ako na ata ang pinakamahina saming tatlo. Siguro nga palaban ako pero tuwing kaharap ko na yung mga panget na halimaw ay hindi ko  pa rin maiwasang ma-distract at matakot sa mga itsura nila. Kung pagbabatayan ang lakas namin umangat lang siguro ako ng konti kay Jonas.

Napatigil kami sa ginagawa namin na pagtulak sa pinto nung biglang tumahimik ang paligid. Tumigil na sa pangha-harrass samin kung sino man yung nasa labas. Hay... sa wakas. Napadausdos nalang ako sa may pintuan hanggang sa tuluyan nakong napaupo sa sahig. Grabe yun ah! Medyo intense. Tumigil na nga yung tumutulak sa pinto pero sobrang bilis pa din ng heartbeat ko. Ni hindi ko alam kung pano siya papatahanin.

>__<

Napabuntong-hininga nalang ang mga kasama ko at bumalik na sa kanya-kanya nilang pwesto. Nakaupo pa rin ako dito sa may pinto habang nakadiretso yung paa ko. Masyado pa kong stressed para kumilos.

Halos mangudngod yung mukha ko sa sahig nung biglang bumukas yung pinto!

Waaa! Mamatay na kami!

"AAAHH!" Para kaming choir na sabay-sabay na sumigaw.

Nakadapa nako sa sahig dahil sa biglaang pagbukas nung pintuan. Pakete! Sabi na nga ba at ako na ang kasunod! Waaa! Brix naman! Please wag mo na muna akong susunduin! Hindi pa ko ready na makipag-reunion sa mga ninuno ko! At lalong hindi pa rin ako ready na makipag-bonding sayo noh!

>_<

Lumingon ako para tingnan kung ilang zombie yung nasa pinto. Laking gulat ko nang makita na iisang creature lang ang andun...

Kung meron sigurong most shocked expression award ay kanina ko pa nakuha dahil sa hilatsa ng mukha ko ngayon. Literal na napanganga ako dahil hindi ko in-expect na siya pala yung nasa labas ng pinto.

Hell Zone High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon