Chapter 26 ~ Intentions

2.8K 119 29
                                    

jesgdluna14

Third Person POV

Napangisi ang lalaki matapos isa-isang tingnan ang mga larawan ng may-ari ng eskwelahan pati naren ng mga business partners nito. Na nakuha niya sa drawer ng principal. Hindi maipaliwanag ang galit at ang pagkasuklam nito sa mga tao na nasa larawan. Hawak niya ang isang litrato na kinunan walong taon na ang nakararaan na kung  saan ay kasama siya.

Ang litratong ito ang nagpapaalala sa kanya kung anong klase ng tao siya noon. At kung paano siya ginawang isang halimaw ng mga taong nasa larawan at ng mga masasamang karanasan na dinanas niya sa mahabang panahon,.

Hindi katulad ng kahila-hilakbot niyang ngisi ngayon ay maituturing na parang ibang tao ang nasa larawan kaysa sa kanya. Dahil tila masigla at walang problema ang lalaking nakangiti ng malapad habang nakaakbay sa isa pang lalaki na minsan ay itinuring niyang isang kaibigan.

Isa siyang larawan ng isang mabuting asawa at masayahing ama noon. Noon bago niya nagawa ang isang napakalaking pagkakamali na nagpabago sa takbo ng buhay niya ngayon.

Walang anu-ano'y tumunog ang cellphone ng lalaki na nakapatong sa ilang mahahalagang dokumento sa lamesa. Hindi niya agad sinagot ang kanyang cellphone.. Bagkus ay naglakad muna siya papalapit sa fireplace at ihinagis ang litratong hawak niya sa lumalagablab na apoy.

Napalitan ng kawalan ng emosyon ang mukha ng lalaki ngunit ang mata nito ay matalim parin at nagsusumigaw ng galit. Dinampot niya ang kanina pang tumutunog at nagvi-vibrate na cellphone at sinagot ito habang minamasdan ang unti-unti nang nasusunog na litrato.

"Should I get rid of them already?" Panimula ng nasa kabilang linya.

"No, not yet my dear. Nage-enjoy pa kong nakikita silang nahihirapan. And who knows? I can consider this as an environmental experiment... kung hanggang saan ang kayang itagal ng mga ordinaryong tao sa ganitong uri ng environment." Ngumisi ulit ang lalaki pagkatapos ay binuksan niya ang monitor screen ng CCTV ng buong paaralan.

Tatlo ang naglalakihang screen na naka-install sa loob ng principal's office. Ngunit meron din nito sa security room ng eskwelahan.

Kitang kita dito ang nangyayari sa mga kawawang estudyante na nakakulong sa loob ng auditorium pati naren ang dalawang binatang tumatakbo sa magkaibang lokasyon. Makikita din sa screen ang mga zombieng nagkalat kung saan-saan habang ang iba ay nanginginain sa laman ng mga hindi pinalad.

"Well, kung ikaw nage-enjoy. Pwes ako pagod na sa kanila. Why can't we just dispatch them para naman masimulan na natin ang susunod na plano?" Iritang saad ng nasa kabilang linya,

"Darating din tayo diyan. Chill your tits for now. And take good care of them for me okay." Nanunuyang sambit ng lalaki.

"She's such a whiny kid." Nakahalukipkip ang mga braso habang nakasandal sa pader na sabi ng isang binata sa isang sulok ng kwarto.

Hindi maipagkakailang magandang lalaki ito at matipuno ang pangangatawan. Nakasuot ito ng uniporme ng isang estudyante ng paaralan. Nakatingin ito sa may edad nang lalaki na may kinakausap sa cellphone. (Guys siya po yung weird na lalaki na nakita ni Kheila sa Chapter 1)

Hell Zone High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon