Chapter 34 ~ Trapped

1.6K 57 7
                                    


Cathlyn POV

"Bes....? Are you there?" Kabado pero dahan dahan kong binuksan ang pangatlong pinto na sana ay naglalaman kay bes. Katulad ng mga naunang kwarto ay madilim din ito at nakamamatay ang katahimikan.

Grrrrrrh...

Okay bianabawi ko na yung part na "katahimikan".

"Erk! Sorry maling pinto!" Sa taranta ko ay padabog kong naisara ang pintuan. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba nung marinig ko ang nakakapangilabot na ungol ng isang zombie sa likod ng madilim na pintuan.

"Cath alam kong pumayag ako na gawin natin to pero... ayoko pang mamatay."

Nakita ko ang desperasyon sa mga mata ni Jonas habang nakatitig siya sakin. Isinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko at naramdaman ko ang kanyang takot. Kaya agad na bumaba ang adrenaline rush ko at napalitan ang nararamdaman ko ng lungkot.

Kahit papano nagiguilty padin ako dahil sinama ko siya sa pangungulit ko na hanapin si bes. Pero kung tutuusin ay hindi ko naman siya pinilit na sumama sa akin. Hindi ko din naman inaasahan na seseryosohin niya yung mga salitang binitiwan ko kanina dahil siya lang naman si JONAS!!! Yung lalaking duwag at safety freak na JONAS!!!

"Alam ko na natatakot ka, lahat naman tayo." Dahan dahan kong naiangat ang aking kamay at nagaalangan na napahawak sa likod ni Jonas. Sana sa ganitong paraan ay maibsan ang takot niya.

Alam ko na meron akong choice na magtago at magkulong nalang sa isang ligtas na lugar. Pero marami nareng naisakripisyo si bes para sakin. Proven ko na yun sa dami ng nangyari samin sa mga nakalipas na araw. Since day one ay hindi niya ko binitiwan. Kaya naman willing din akong isakripisyo ang lahat para sakanya.

"Cath gusto ko lang sanang magpasalamat."

Humiwalay siya sa awkward na pagkakayakap naming dalawa kasabay ng pagiiba ng aura ng mukha niya. Yung unusual na seryosong mukha niya. Ngayon kombinsido na talaga ako na may sakit nga ang lalaking to sa utak.

"Salamat sa pagpapalakas ng loob ko..."

Hinawakan niya ang side ng pisngi ko habang mapait na nakangiti. Naramdaman ko ang malalim na paghinga niya.

"Salamat sa pagiging matatag at pagintindi mo sakin..."

Hinawakan niya ang mga kamay ko.

Bakit niya ba ginagawa to. Bakit ba angweird ng lalaking to ngayon? Bakit ba ganito siya magsalita? Hindi ko na to nagugustuhan.

Hindi ako makapagsalita. Gustong umalma ng utak ko sa mga ginagawa niyang kaweirduhan pero wala akong masabi o magawa. Para akong nakakulong sa kalungkutan ng mga mata niya. Para ako nung hinihila at dinidiktahan na manahimik at makinig sa lahat ng sasabihin niya.

Tumigil sa pagproseso ng mga bagay ang utak ko ng hinalikan niya ko bigla sa noo.

"At higit sa lahat, salamat dahil nakilala kita. Kung may hindi ako pinagsisihan sa mga nangyari. Yun ay ang pagkakataon na mas makilala kita. Kaya salamat Cathlyn."

Nung bumalik na sa ulirat ang pagiisip ko at gumana na ulet ang functions nito ay hindi ko sinasadyang hampasin ang kanang kamay ni Jonas na nakahawak sa kaliwang braso ko. Kita ang pagkagulat sa kanyang reaksyon.

"B-bakit mo ba sinasabi ang mga bagay na yan! A-alam mo bang tinatakot mo nako hah!" Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na paraan.

"Cath s-sorry." Napayuko siya ng may malungkot na mga mata.

Nakonsensya tuloy ako bigla sa pagsigaw ko sa kanya. Dahil kung iisiping mabuti at wala naman siyang ginawang masama. Ack! Ako na yata ang mas nagiging weirdo saming dalawa. Ugh. Nevermind. >.<

Hell Zone High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon