Chapter 17 ~ Raging Marcus

3.7K 125 16
                                    

adorablereigne

Marcus POV




Shit! Nasan na ba talaga siya?! Kanina pa kami paikot-ikot dito sa campus para lang mahanap siya but still we're unsuccessful. Marami rami narin kaming napapaslang na maggots pero ni bakas niya ay wala kaming nakita.


My mind is now clouded with frustration.

"See? I told you she's dead."

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ang taong nagsabi ng nakakainis na mga salitang yun. Kung may mas isasama pa siguro ang tingin ko ngayon ay pwede na itong ikumpara sa lion na handang manakmal ng kanyang pagkain.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya ng hindi inaalis ang masamang titig ko sa kanya. Mababakas ang takot sa mukha niya habang papalapit ako ng papalapit sa pwesto niya. Unti-unti din siyang umaatras pagkatapos ay saka siya napalunok. Nagdidilim na ang paningin ko ngayon dahil sa magkahalong galit at pagod.

In just a snap I didn't noticed that I was already holding her chin and she was trying to escape from my iron grip. But, my grip just tightens whenever she tries to remove it. My jaws clenched while I'm staring at her face.

"Stop talking nonsense. Baka makalimutan kong babae ka." Sabi ko sa kalmadong tono pero ang totoo ay gusto ko nang ibaba sa leeg niya ang nangingig na kamay ko.

"B-bitiwan m-mo ko YOU MURDERER! Argh!" Sinubukan na naman niyang magpumiglas pero wala siyang magawa.

Nginisihan ko lang ang insultong itinawag niya sakin.

"Oo. Mamatay tao ako. And I won't mind adding a useless bitch to my death list if you can't keep your mouth shut." Malumamanay kong sabi. Bahagya ko siyang pinandilatan para sindakin siya. I'm not the school's most notorious deliquent for nothing.

It's better na panindigan ko nalang ang pagiging killer ko sa mga mata niya. Wala na namang sense kung papatunayan ko pa na hindi ko ginusto yung nagawa ko sa daddy ko, sa isang tulad niya. And besides, she doesn't deserve my explanation. At sigurado ako na kahit na anong pagpapaliwanag pa ang gawin ko ay wala na din naman akong mahihita sa sarado ang utak na gaya niya.

"Alisin mo ang marumi mong kamay sa mukha ko Marcus!" Tumaas ang kilay ko ng tawagin niya ko sa pangalan ko.

"Wala dito ang pinsan mo para ipagtanggol ka, kaya manahimik ka nalang naiintindihan mo? Matagal nakong nagtitimpi sayo... hwag mong sagarin ang pasensya ko." Kung nandito siguro si Benitez ay baka nagpang-abot na kami at malamang kinampihan niya na naman ang mabait niyang pinsan. Pero malas lang ni Beah dahil wala dito ang tagapagtanggol niya.

"Marcus bitiwan mo na siya.... n-nasasaktan na siya." Hinawakan ni Cathlyn ang braso ko ng may nakikiusap na tingin.

"Hindi ito ang tamang oras para magaway-away. Hanapin nalang natin si bes. Dahil sa bawat nasasayang na oras pwedeng nanganganib na din ang buhay niya." I saw tears started formulating inside her eyelids.

Tumingin muna ako sa mukha ni Beah at nilipat ko ulit ang tingin ko kay Cathlyn na hindi parin bumibitiw sa braso ko. Napakagat muna ako sa labi ko sa sobrang inis saka ko binitiwan si Beah.

Hell Zone High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon