Chapter 33 ~ Danger

2K 65 16
                                    

thasiamei_





Yunika POV



Matiyaga kong nilalakad ang umaalingasaw at madilim na parte ng hallway upang sundan ang lalaking may pakana sa mga misteryong nangyayari.

Nagkalakas pa siya ng loob para magkunwaring biktima at magpanggap na kaibigan namin. Hindi ko alam ang pansariling interes niya at bakit niya yun ginawa. Pero may parte sakin ang nagsasabi na may mas malalim pa siyang dahilan kung bakit kaylangan niya pang magpanggap na mabuti. Kaya hanggang ngayon ay buhay parin kami.

Meron siyang dahilan na hanggang ngayon ay nagpapanatiling buhay sakin at sa iba pa. At yun ang aalamin ko.

Kahit na ang dilaw na sisiw na yun ay iba naren ang pakiramdam sa lalaking to sa umpisa palang.

Hindi nalang ito basta simpleng hinala kundi masasabi ko nang isang daang porsyento na akong sigurado na siya nga ang nagumpisa ng lahat.

Anggaling niyang magpanggap na mabait at kawawang biktima. Gayong, siya itong may access na paslangin kaming lahat kahit anong oras na gustuhin niya.

Kung tutuusin ay pwede ko na siyang unahan at patayin para hindi na siya magdala ng mas malalang gulo sa amin. Ngunit, dahil siya ang nagsimula at may pakana ng lahat ng to ay maaring nasa kanya din ang kasagutan para matigil na ang nangyayaring gulo.

Bagaman hindi parin ako sigurado kung alam niya nga kung paano mapapatigil ang pagkalat ng kakaibang sakit ay kaylangan ko paring subukan na pigain ang nalalaman niya para makalabas na kami ng school ng walang alintana.

Alam ko rin na may kakaiba sa kanilang dalawa ni Beah. Kagabi ko lang natuklasan ang tungkol dito kasabay ng pag alis ni Kheila. Ang sikretong paguusap nila ang nagpalakas ng aking hinala. Ang mga paraan ng nakaw na tinginan nilang dalawa sa tuwing hindi nakatingin ang iba.

Bago pa man ang lahat ay may namamagitan na sa kanilang dalawa.

Nung una ang akala ko ay mababaw lang ang namamagitan sa kanila. Pero nang marinig ko ang usapan nila kagabi ay saka ko lang ito nakumpirma. Kaya kung hindi ako nagkakamali ay marahil na sangkot din sa lahat ng ito si Beah.

Ang babaeng yun. Sinasabi ko na nga ba at sagad sa buto ang kasamaan niya. Sa totoo lang hindi ko inaasahan na capable na gumawa ng ganito kalalang bagay ang babaeng yun. Oo nga at masama ang ugali niya, given na yun. Hindi ko lang inaasahan na capable siya na maging involved sa ganito kalaking bagay. Maraming inosenteng buhay na ang nadamay. Hindi nalang ito basta basta.

Napatigil ako sa pagsunod sa kanya nang tumigil siya sa paglalakad habang nakadikit parin sa kanyang tenga ang cellphone niya. Kanina pa siya aligaga sa pagtawag. At kung hindi ako nagkakamali, ang taong yun ay si Beah.

Sinundan niya kasi si Beah para pigilan ito na sundan si Haynze. Ngunit nag iba ang takbo ng pangyayari dahil nawala niya ito sa kanyang paningin. At dahil busy ang lahat kanina sa pagtatalo dahil sa sarili nilang gulo ay malaya akong nakapuslit sa paningin nila upang sundan ang traydor na lalaking to.

Tila naramdaman niya yata ang aking presensya dahil dahan dahan niyang ibinaba ang kanyang cellphone at biglang lumingon sa direksyon ko. Pero bago pa man siya makalingon sa pwesto ko ay nakapagtago nako sa likudan na bahagi ng isang pader dahil nasa bandang dulo palang ako ng hallway.

Hell Zone High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon