Chapter 40 ~ Conflict

770 26 8
                                    

Storynever_end





Kheila POV



Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya. Ano naman kaya ang intensyon ni Ken para lokohin kami? Bakit niya naman sasabihin sa amin na andito yung susi kung wala naman pala? Hindi ko maipagtagpi tagpi sa utak ko yung mga nangyayari. Last time nga eh sinubukan niya pa kami kumbinsihin na sumama sa kanya para kunin yung susi ng main gate para makalabas na kaming lahat. Gusto niya kaya kaming i-set up? Pero bakit? Wala naman akong natatandaan na may atraso kami sakanya para ilagay niya sa peligro yung mga buhay namin. Well, aside sa pagsusuplado sakanya nila Jonas at Marcus. But still napakababaw naman yata kung yon lang ang dahilan.

"Sa tingin mo... bakit naman tayo magagawang ilagay sa panganib ni Ken ?" Tanong ko.. Yung ekspresyon nung mukha niya ay sinasalamin lang din yung ekspresyon ko.

Nalilito.

O di kaya... napaisip ako bigla nung maalala ko yung nakita ko kanina.

"Diba nakita natin sila Ken at Beah kanina dito din sa floor nato? Di kaya nakuha na nila yung susi at..." napatigil ako sa sasasabihin ko nung naisip ko kung ano ang probability na pwedeng nangyare kung bakit wala nang susi na makita si Marcus kahit halos baliktarin na niya itong buong security room.. Napaawang yung bibig ko at namilog yung mga mata ko.

"Tatakas sila at iiwan nila tayo." Napalunok ako nung ma point out ni Marcus yung kanina ko pa na gustong sabihin.

Nagmamadali naman siyang pumunta dun sa may CCTV. Sa tingin ko ay titingnan niya kung naghahanda na nga sa pagtakas sila Ken at Beah. Malaki ang posibilidad na mangyari yung iniisip namin dahil sa selfishness ni Beah at sa unsure na intensyon ni Ken sa amin. Dumagdag pa sa pagdududa ko yung nakita namin ni Marcus kanina. Hindi mahihirapan si Beah na kumbinsihin si Ken na tumakas na silang dalawa knowing how greedy and self centered she might get back to the cafeteria incident kung saan namatay si Brix at nagtago siya. Walang duda na kayang kaya niya kaming iwan nalang basta para sa kaligtasan niya.

Susundan ko na sana si Marcus para lapitan din yung screen monitor nung CCTV nung may file na nilipad bigla sa may paanan ko. Nakalapat yung buong papel sa kanang binti ko na nililipad nung wall fan. Parang nakakapit na yung papel sa may binti ko kaya kinuha ko yon at hindi maiwasang tingnan.

Isang lumang dyaryo.

"Head Administrator ng Fuentes Food & Drugs Tech Inakusahan ng Pagpatay sa Kanyang Empleyado"

Yun ang title ng article. Bibitiwan ko na sana yung papel nung makuha nito ang atensyon ko dahil napansin ko yung picture ni daddy na kahanay ng ilang mga hindi ko kilalang tao. Naka collage yung picture ni daddy at nung iba pang mga tao. Nasa kaliwa naman yung malaking picture nung lalaki na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad kay daddy na nakasuot ng laboratory gown at nakasalamin. Mukhang sobrang frustrated siya sa picture nato. Sa tingin ko ay siya yung Head Administrator na tinutukoy. Pero bakit nandito din si daddy? Isa isa ko pang tiningnan yung picture nung mga lalaki na kahilera ni daddy sa collage. Wait! Si ninong Harold ba to! Yung daddy ni Jonas bat andito din siya? Tinitigan kong mabuti yung picture ni ni inong na nakangiti ng todo. Siya nga to hindi ako maaring magkamali!

Teka... ano ba ang kinalaman nila dito?

Sa curiosity ko ay hindi ko namamalayan na halos mabasa ko na ng buo yung article. Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ng Administrator nato tungkol kay daddy. Kilala ko si daddy at hindi siya capable para gumawa ng ganito kasamang bagay. Hindi.



Hell Zone High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon