What is Love? Hmmm. Ang kadalasang tanong na ang kadalasang sagot ay, "Love is Blind". Taenang Love is Blind na yan! Paulit-ulit na lang ba? walang kasawa-sawa?! tsk.
Okay, kalma lang ako. Kasi para sa akin, Love is not blind afterall. Bukas ang Mata at Puso natin ngunit ang Utak lang naman natin ang sarado. Nakikita mo yung tao, nararamdaman mo yung pagmamahal mo para sa kanya at lalong lalo na, alam naman natin kung kelan naging tama o mali ang ginagawa ng isang tao kahit hindi pa ito i-process na napakaganda nating utak. psh. Bakit? Kasi nga, bukas yung dalawa nating mata. Yung puso naman natin ang tanga. Alam mo din ba kung bakit? Alam ng utak natin na may mali na pero yung puso natin ayaw pang bumitaw. Mahal eh. Yan! yan lagi ang dahilan kung bakit marami pa rin ang nasasaktan at nagbubulag-bulagan. I know na okay lang, as in SUPER OKAY MAGAMAHAL but dears, Take your BRAIN WITH YOU. Di ba nga sabi nila na marami pa tayong makikilala bago natin matagpuan si Mr. Right? Kaya dapat alam natin kung kelan dapat tayo bumitaw kay Mr. Wrong. :)
Alam kong sasabihin niyo na lung paano kung ang pinakawalan niyo ay si Mr. Right? o kaya si Ms. Right? Oh c'mon mamon at hamon. If it's meant to be, it will be. Ano ba naman ang maghintay ng Right time para sa lahat. Time will come that things will fall on its rightful place kaya no need to be a Casanova or a Man-hater kasi may taong darating para sa'yo na kukumpleto ng empty space sa puso mo :)
RTAL #1