A/N: Unedited. Mobile Watty
-------
Ooh. "I knew you were trouble when you walked in..."
Taylor Swift, eh?
Why trouble? Kasi pag may trouble, may Peoblem di ba? Everything has its own roots and cause.
Katulad sa isang relasyon, may problema ang lahat. Sino ba namang mawawalan? Yung may mga pera? Lol. Kahit pa anong estado mo sa buhay ay walang sinabi yan pagdating sa problema sa love.
Presidente nga ng Pilipinas na-issue na ang lovelife eh. Si Bossing Vic Sotto ganun din, ikaw pa kayang ordinaryong tao? Huy gising! Kahit teleserye at kwento may problema pagdating sa pagmamahal.
Pag nawala na ang ibang ingredients sa isang relasyon, nagsisimula ang problema.
May hinala't pagdududa, panloloko't pagsisinungaling at higit sa lahat, pag nawala na ang pagmamahal.
Ang daming problema ng couples ano? Yung iba petty fights lang. Katulad ng selos at kawalan ng oras. Nako! Yang oras na yan, hindi ba pwedeng intindihin na may kanya kanya tayong buhay at hindi lang sa mahal natin iikot ang buong segundo, minuto at oras natin? Anong tingin ng mag-jowa sa isa't isa? Mini stop, open 24 hours? Ambulansya na pag tinawag dumadating agad? Leshe lang di ba? May pamilya at kaibigan tayo. May iba pa nga tayong affiliations para pag-aksayahan ng oras eh, wag lang sa isang tao. Nahiya naman ang McDonald's sa'yo, pinanindigan mo ang love ko 'to nilang quote at naging tuko ka na sa partner mo.
Katulad nga ng sinabi ko, everyone needs time para sa sarili nila. Wag mo silang ikulong dahil isa pang pinagmumulan ng problema ay Sakal sa relasyon. Minsan literally yang sakal na yan pero bago pa tayo pumunta dun eh sa isang meaning muna tayo magnilay-nilay.
Sakal emotionally. Masyafong mahigpit. Bawat gagawin mo kelangan alam niya. Oras ng uwi mo o kung sino kasama mo. Jusko. Mom isda you? Hahaha. Joke kahit mais. Alright, ayun... kelangan mong magtext at minsan in demand ang pagpapaalam mo sa kanya pati nga damit mo papakialaman niya eh. Sabihin na nating, short shorts ang suot mo, pwede naman siguro kung kaya mong dalhin at hindi bastusin hindi ba? Minsan kasi nababago na tayo at hindi na natin kilala yung sarili natin dahil everyday, every little argument you lose is the moment you lose yourself too. Alam kong "lose the argument but not the person" ang maiisip niyo dito. Minsan naman kasi kailangan mo din ipaglaban yung karapatan mo, yung gusto mo kasi hindi naman Control Freak ang hanap mo o di kaya yung a-under-in ka pero yung taong iintindi sa'yo kaya nga minsan partners in crime o better half ang tawag sa kanila dahil hindi laging one-sided ang relationship. It's a give and take. Partnership yan.
Sakal physically. Okay, from the phrase itself. Being battered is one. Malamang may mga ganyang tao. Like Christian Grey from Fifty Shades, he loves spanking Anstasia Steele and it drives him nuts. Pero hindi ganyang torture ang sinasabi ko kasi yung tinutukoy ko ay yung pananakit talaga.
Nakatikim ka na ba ng sampal, suntok o tadyak? Kahitan lang simpleng hampas o kaya madiin ng pagkakahawak kapag nag-argumento kayo? Naranasan mo na? Masakit hindi ba? Isa pa yan sa nagiging problema ng isang relasyon. Yung una aksidente ka niyang masasampal dahil sa selos pero pag tumagal na lalong tumitindi. Tsk. Nag-iiba ang tao pag nasagot mo na siya.
Last. WORDS. Eto ang talagang matinding pinagmumulan ng away at problema. Once we said it, we can never take them back. Para yang bombang sasabog lalo na pag galit tayo. Hindi kasi nating maiawasang magbitaw ng masasakit ng salita when emotions overcame us. Closed mind. Unspoken words and Wrecked Feelings trigger them all. Words are like knives piercing the heart and shattering the soul. Mas masakit ito sa pisikal na pananakit. Hindi ito madaling kalimutan, hindi ito mabilis maghilom. Tumatatak kasi ito sa lahat ng parte ng katawan kahit sa kaibuturan. Para kang basong nabasag na kahit anong mighty bond pa ang gawin mo, sira ka pa rin. Maraming crack, loopholes and cracks. Ganyan ang nagagawa ng salita sa atin.
Lahat ng relasyon dumadaan sa ganito. Walang Perfect relationship, lahat may problema, misunderstandings and mishaps.
Imeprfect ia not an understatement to every relationship, it's the best way to describe it.