Hello guys! Sorry at natagalan ha? busy lang po talaga. :3
----------------------
Lovers?
Eto na yung satge kung kelan official na kayong mag-ON, mag-jowa, mag-KALAN (as in mag-KALANDIAN) at sa mas disenteng pananaw eh, BOYFRIEND at GIRLFRIEND.
Sila yung mga taong mahal natin na hindi naman natin kadugo ni kapamilya. Maraming tawag sa kanila. Andyan si first love, last love and true love, may soulmate pa nga eh di ba?
Eh ano ba si first love? Yan lang naman yung mga unang nagnakaw ng puso natin. Boys and Girls have their own first loves. ♥ Yung iba siguro palihim lang na nagmamahal at yung iba ay nagte-take ng risk para may matawag na first love.
Eh ano naman ang Last love/ true love? Yan naman yung mga kasama nating tumanda. Mga taong pwede nating pakasalan at anakan. HAHAHA. In short, our better half :"> sila yung mga taong nagiging brother, sister at bestfriend natin. All in one in other terms.
Siguro nga ngayong Lovers kayo eh sa isa't isa na iikot muna ang mundo niyo kasi hindi niyo naman alam kung sila na ba talaga o dumaan lang sila para maging lesson natin. Sabi nga ng isang quote:
"We met for a reason, either you're a blessing or a lesson" --- Anon. :)
Yang mga MAHAL niyo NGAYON. Ingatan niyo yan, pwedeng sila na si last o pwedeng sila yung lesson. Sabi nga ng kanta ni Katy Perry "..There's tons of fish in the water so the waters I will test.."
Taray di ba? :3
Pero kahit sabihin pa nating maraming fishes sa water at iba iba pa pati kulay. Sa isang tao pa rin tayo nakalaan at hangga't hindi pa natin siya nahahanap dahil busy pa tayo sa wrong love, maging masaya pa rin tayo Loyal na kahit sino pa nag mga gwapo't magaganda ang dumaan sa harap natin ay uuwi at uuwi ang puso natin sa taong pinaglaanan natin nun NGAYON.
Let God handle your love story, He might just be busy leading your man to you. So, sit back and relax because the right one is on his way ♥