Chapter 10

1K 31 3
                                    

Please support LECHENG PAG-IBIG NA 'TO. :)

****

PANGSAMPUNG hikab na yata niya iyon eh. Pinilit kong itago sa librong binabasa ko ang mga ngiti ko. Actually, wala naman sa libro ang pansin ko. Nasa kanya lang. Gusto ko lang siyang inisin at i-try na rin kung hanggang saan siya tatagal. Alam ko naman na boring para sa kanya ang mga bookstore eh. Nandito kasi kami ngayon sa National Bookstore pagkatapos niyang maligo sa shower room ng school gym.
"Kung nabo-bore ka na, mag-time zone ka muna. Saka muna ako balikan dito pag tapos ka na dun," sabi ko sa kanya. Nakaupo kasi kami sa floor sa isang corner ng National Bookstore. Sa pagkakaalam ko malapit nang mag-one hour kaming nakaupo lang habang nagska-scan ako ng mga librong gusto kong bilhin at nasa tabi ko lang siya na pinapanood ang ginagawa ko.
Wala kaming imikan pero hindi siya humihiwalay sa akin.
Sumiksik siya sa gilid ko habang pumulupot ang isang braso niya sa katawan ko. Ipinatong niya ang ulo niya sa shoulder ko. "Ayoko nga."
Napatingin ako sa kanya. "Anong ginagawa mo?"
"Niyayakap ka."
Pinilit ko ang self ko na huwag ngumiti sa ginawa niya. Kahit ang hirap-hirap gawin noon. "Bakit mo ko niyayakap?"
"Kasi baka giniginaw ka na."
"O baka gusto mo nang matulog?"
"Hindi ah." He looked at me straight in the eyes.
Gorgeous.
"Sabi na kasing pumunta ka muna sa timezone." Nag-pretend ulit ako na magbasa ng libro. "Balikan mo nalang ako pag tapos ka na dun. Dito lang ako."
"Anong klaseng date iyon kung iiwan kita rito?"
"Eh anong klaseng date din 'to kung nagmumukmok ka lang diyan habang hinihintay ako?"
"Ah basta. Di kita iiwan." Hinigpitan pa niya lalo ang yakap niya sa akin. Lihim nalang akong napangiti. Who would not fall for this sweet idiotic guy?
"Bitiwan mo na ako. Baka akalain pa nila na may ginagawa tayo rito."
"Eh ano naman. Fiancee naman kita ah."
"Kahit na. Hindi naman nila alam na fiancee mo ko. For them, bata pa tayo."
Tumingin ulit siya sa akin. This time he was smiling.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Okay dude, feel ko na ang pamumula ng mukha ko.
"You were getting used to the idea na fiancee kita."
Oo nga no? "Kung anu-ano na naiisip mo."
"Hey, teka -"
"Tumayo ka na diyan." Tumayo na kasi ako sabay dala ng mga librong bibilhin ko.
"Ikaw naman, nagsasabi lang ako ng totoo."
Napailing-iling lang ako. Hindi kasi ako komportable sa isiping nagiging okay na sa akin na magpakasal sa kanya kaya mananahimik na muna ako. Nagugustuhan ko na siya pero di pa naman sapat na dahilan iyon para magpakasal kami di ba? It must have some deeper reason behind.
Saka na. Huwag muna. Nakakatakot isiping iba na paningin ko sa kanya. Nakakatakot na baka may iba na akong nararamdaman para sa kanya.
Magbibigay na sana ako ng pera sa cashier nang maunahan niya ako sa pagbabayad.
"A true gentleman never lets a girl pay for anything she will buy on the duration of their date." Nakangiting kinindatan niya pa ako. Sabay bigay sa nakangiting cashier ng pera.
"Saang kakornihan mo iyan napulot?"
Sinapo niya ang dibdib niya at umakting na parang nasasaktan. "Ouch!" He looked at the cashier pitifully. "Miss, corny po raw ako."
Napahagikhik lang iyong cashier. "Alam niyo, ang cute niyong dalawang magkasintahan."
"Hindi ko po siya boyfriend."
"Ayy, hindi ba?"
Joseph smiled and wrapped his arms around me. "Babe naman eh. Bakit mo ko ikinahihiya?"
"Hindi naman talaga kita -"
"Kung ayaw ng girlfriend mo sa'yo, ako nalang i-date mo. Pwede ako ngayon. Malayo pa naman curfew ko."
Napatingin ako sa isang babaeng nasa kabilang counter. She looked like a highschool bitch. Pero hindi naman siya nakatingin sa akin kung di kay Joseph at nagbu-beautiful eyes pa. Hmpf.
"Huwag kang makinig sa kanya. Mas bagay tayong dalawa. Iwan mo nalang iyang girlfriend mo."
Napataas na naman ang kilay ko. Bakit ang daming epal sa mundo?
Lumapit na ang isang babae sa amin. "I think I know you. You are Joseph Velasco, right?"
"Ah, yeah." Ngumiti si Joseph sa hinayupak na babae. Okay, fine. Naiinis na ako sa sanlibutan. Kita na nga nilang may kasama si Joseph at ako iyon, bakit pa sila lumalapit? Nakakainis lang.
Ipasalvage ko kaya silang lahat 'no?
"Hey, girl!" Kinalabit ako ng babaeng lumapit. "Do you mind if I borrow Joseph Velasco for a moment, mukhang ayaw mo naman sa kanya eh?"
Tiningnan ko lang ang babae. Minememorize ko iyong pagmumukha niya. Hmpf. Ipapabura ko sa mapa ng Pilipinas at sa Google Earth ang bahay nila pag nakauwi na ako. Better yet ipapa-blacklist ko siya sa AFP.
"Sure."
Nagtatakang tiningnan lang ako ni Joseph pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa nakangiting babae dahil sa pagpayag ko.
"Sa isang condition, Miss." Tumigil ang babae sa paghila kay Joseph nang magsalita ulit ako.
"Oh yes, ibabalik ko siya in one piece." Kinindatan pa talaga niya ako. "We are so bestfriends na."
Umiwas ako nang akmang makikipag-beso-beso siya sa akin. "What's wrong?"
At nagtanong pa talaga siya no?
"Magkano ang combine net worth ng parents mo monthly?"
The girl looked surprise pero she just smiled all flirty at Joseph then at me. "Nag-aalala ka bang hindi ako babagay kay Joseph? Well, my parents both earn 50 million a month."
"Okay. Maide-date mo lang si Joseph kung bibigyan mo ko ngayon ng 100 million in cold cash."
"Are you out of your mind?" Natulig yata siya sa sinabi ko eh. "Pineperahan mo lang ba si Joseph? You are so unworthy."
Hinawakan ko ang kwelyo ng polo ni Joseph sabay hatak sa kanya pabalik sa tabi ko. "100 million in cash kapalit ni Joseph."
"Oh, Joseph, pineperahan ka lang niya. Look -"
"Sabihin mo lang Miss kung kaya mong magbigay, hindi yang ang dami mo pang daldal."
"I don't know what you did para lang sumama sa iyo ang isang Joseph Velasco for a date, but you are not really worth it. Gold digger ka! Social climber!"
Pinigilan ko si Joseph at sinenyasan na huwag magsalita. "Kdot."
"Wala ka pang modo! Oh my gosh!" Tumingin ang babae kay Joseph. "You know Joseph, you don't have to deal with her. You can always dump her and come with -"
Natawa nalang ako sa mga sinasabi niya. "See, Joseph, maraming nagkakandarapa sa'yo. Nagiging pathetic na ang ilan."
"I'm not pathetic!"
Tumingin ako kay Joseph and mouthed, "Nakakainis na siya."
Kinuha ko na ang mga binili namin sa cashier na hindi alam ang gagawin. Hindi pa kasi lumalapit ang mga guards kasi hindi naman ganun kalakas ang boses ng babae. Pero kinuha lang iyon ni Joseph sa akin.
"Hey, you bitch -"
Hinawakan ni Joseph ang kamay ng babae. Dinuduro niya kasi ako eh. "Don't you ever dare talk to my fiancee just like that."
"Fiancee mo siya?" Hindi makapaniwalang sabi ng babae.
"Oo at hindi ko hahayaang may magsalita sa kanya nang ganyan."
"But she's giving you away."
"Kahit ilang beses man niya akong ipamigay, babalik at babalik pa rin ako sa kanya. At hindi ako magsasawang bumalik sa kanya hanggang siya na mismo ang magsawang ipamigay ako at hayan nalang akong makasama siya."
Napa-oh yata lahat ng taong nakikinig dahil sa sinabi ni Joseph eh. Kahit puso ko nagwawala dahil dun. Parang magigiba na ang rib cage ko sa sobrang lakas ng kabog niyon. Tsaka parang nakikita ko na si Cupid na pinaghahandaan nang panain ang puso ko.
"Halika na nga. Pinapakilig mo lahat ng tao rito eh," bulong ko sa kanya habang hinihila ko siya patungong exit. Although nahihiya na ako sa mga taong nakatingin pa rin sa amin, pakiramdam ko pa rin ang swerte-swerte ko. Lalo na't naipamukha ko sa babaeng iyon na ako pa rin ang pipiliin ni Joseph. Nakakakilig lang naman eh.
"Ikaw ba hindi kinikilig?" Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko habang ang isa naman ay bitbit ang mga pinamili kong mga libro.
Fine. Kinikilig ako. Pero hindi ko sasabihin. Syempre ang weird kung bigla ko nalang iyon sasabihin, baka sabihin niya pang patay na patay ako sa kanya.
"Saan mo ba gustong magpunta?" Iniba ko nalang ang paksa para di na ako malagay sa hot seat.
"Um, sasama ka ba kung sasabihin ko sa'yo?" Ngumiti siya sa akin ng pilyo.
"Hmmm."
"Tsk. Halika na nga."
"Teka nga, iniisip ko pa kung sasama ako sa'yo."
He grinned. "Hindi kita dadalhin sa motel or hotel."
"Hindi ko naman sinabing dadalhin mo ko dun, tsaka hello! Sipain kita diyan eh."
Tumawa na siya sabay yakap sa akin. "I'm really happy hindi mo ako ipinamigay sa babaeng iyon."
"Ibibigay talaga kita sa kanya kung nagbigay lang siya ng 100 million in cold cash."
"Impossible yata iyon."
"Alam ko."
"Kaya impossibleng ibigay mo ko sa kanya." He kissed my forehead. Syeeet na malagkit lang. Kinikilig talaga ako. Ampp! Ang hirap-hirap pigilan ang sarili ko na huwag sumigaw.
"Nananyansing ka na eh," reklamo ko sa kanya sabay talikod sa kanya para di niya makita na kinikilig na ako. "Ang daming tao oh."
"Who cares?" Inakbayan niya ulit ako tapos lumabas na kami ng mall.
"Akala ko ba may pupuntahan pa tayo?"
"Oo, pero wala sa loob ng mall."
Pinalo ko siya. "Subukan mo lang talaga, ipapasalvage kita -"
"Hindi nga sa hotel o sa motel." Tumawa lang siya sa akin. "Sa carnival okay? Kalma lang. Ikaw naman masyado kang excited."
"Heee!"
"Ang cute mo talaga!" Magaang pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. "Pa-kiss nga."
At bago pa ako makailag, nahalikan na niya ako.
GEEEEZZZZ!!!!! Matutunaw na yata ako sa kilig!

She's The One (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon