Please support LECHENG PAG-IBIG NA 'TO. :)
***
PARA akong papel na tinatangay lang ng hangin. Mula nang marinig ko iyong balita tungkol sa aksidente, pakiramdam ko nawala na lahat ng reason ko para makaramdam.
Alam niyo yong ganung feeling?
Yong feeling na binuhusan ka ng nagyiyelong tubig sa buong katawan.
Ganyang-ganyan ang feeling ko. Namanhid ako. Hindi ko alam kung bakit ako nakarating sa hospital nang hindi nahihimatay. Nanlalambot ang pakiramdam ko. Blurred ang nakikita ko. Buti nalang kasama ko si Dylan papunta sa hospital kasi parang hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Pahiran mo muna yang mga luha mo." Inabot ni Dylan sa akin iyong panyo niya nang makasakay kami ng elevator. Nasa second floor kasi ang ICU ng hospital kung saan ginagamot o inooperahan pa sina Joseph o Karen.
Joseph... Joseph...
Inabot ko iyong panyo. Saka tahimik na pinahiran iyong luha ko. Ni hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.
Nang bumukas ang elevator, tinakbo namin agad ni Dylan ang papunta sa ICU. Nakita namin iyong parents ni Joseph, sina Faith, Hope, Lance and Cole. May nakita rin akong ibang tao, pero malamang family ni Karen iyon. Tapos nandun din ang family ni Dylan.
"Sam..."
Lumapit agad sa akin sina Faith at Hope. Ayokong umiyak kaya lang...
"Kamusta na siya?" tanong ko kina Faith at Hope. Kahit sa pandinig ko, nanginginig ang boses ko.
"He's fine," ani ni Hope. Pinapahid niya 'yong luha ko tapos pinaupo niya ako sa isang bench. Napansin kong umiiyak si Tita Gina sa kabilang panig ng bench tapos yakap siya ni Tito Robert, ang papa ni Joseph.
"Hindi pa yon kukunin ni Lord. Masamang damo iyon eh," nakangiting sabi ni Faith kaya lang siniko siya ni Hope. "Aray! Nagjo-joke lang ako."
"Pag narinig ka nina Tita, Faith, ewan ko nalang," saway ni Hope kay Faith. Nag-peace sign naman si Faith saka umupo sa tabi ko.
"Anong nangyari?" I asked again. Nanginginig pa rin iyong boses ko.
"Nabangga iyong kotse nila sa isang kotse. Nakainom kasi iyong driver and then nag-U turn siya tiyempo namang papaliko nun iyong kotse na sinasakyan nina Joseph," Hope explained.
Tumango lang ako. Hindi ko kasi alam kung paano magsasalita nang hindi nanginginig iyong boses ko.
"You really don't have to worry about Joseph, Sam." Sumandig si Faith sa bench. "Okay lang siya."
"How sure are you?" tanong ko sa kanya. Gusto kong mainis kay Faith. Pinsan niya si Joseph, bakit ganun siya magsalita?
"Hindi ako sure. Pero bakit ka ba nag-aalala sa kanya?" Tiningnan niya ako. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dun. "Sa pagkakaalam ko, malaya na kayong dalawa sa isa't isa. You are not his fiancee anymore. Why care now?"
"Faith, shut up," mahinang sabi ni Hope. Malamang ayaw niyang marinig kami ng ibang tao na nandun. Pero huli na eh. Kahit kasi hindi sila nakatingin sa amin, napapansin kong nakikinig sila.
"You should not be here, Sam," Faith sighed. "You should be at home."
Hindi ko alam kung anong pwede kong isagot kay Faith. Nalilito ako. Hindi ba ako pwedeng mag-alala kay Joseph? Nang tumingin naman ako kay Hope, wala rin siyang sinabi at hindi niya rin niya sinalubong ang tingin ko.
"What do you mean, Faith?" mahina kong sabi. Hindi ko alam kung narinig niya ako.
"I mean, you should go home now. I doubt it kung gusto ka pang makita ni Joseph after what you did."
Namangha ako dun. "Bakit? Ano bang ginawa ko?"
"You broke your engagement with him! Nakalimutan mo na?" Tumaas na iyong boses niya pero alam kong hindi pa siya galit niyan. "I'm sorry, Sam. It's really ironic na nandito ka at nag-aalala sa kanya pero sinaktan mo rin naman siya. It's better you'd go home. Don't worry, hindi na namin sasabihin sa kanya na nagpunta ka pa."
"Hindi ko kasalanan ang nangyari sa kanya, Faith." I tried to sound reasonable. "Hindi ko ginusto ang nangyaring ito sa kanya. And for goodness' sake, kaya ko nga kinancel yong engagement so he'd be free to marry any girl he loves! Paano ko siya sinaktan nun? Ginawan ko nga siya ng pabor eh."
"Without even asking him what he really wants?" Tumaas na talaga iyong boses niya. Kahit hindi ako tumingin sa paligid, alam kong nakatingin na sila sa amin. "I don't know you could be so dumb, Sam!"
Naiinis na talaga ako. "What are you talking about, Faith? Hindi kita naiintindihan eh. You sounded like I was the one to blame for this. Ni hindi ko nga alam kung saan nagpunta iyang si Joseph eh. Tsaka anong connection ng broken engagement namin sa aksidente niya? I care for him, kahit luku-luko iyang pinsan mo! Mahalaga siya sa akin kaya binigyan ko siya ng freedom."
"You really don't have any idea, do you?" Sumandig ulit siya sa bench.
"I'm sorry, Faith, pero wala akong alam eh," sabi ko sa kanya sabay buntung-hininga. Tama siya. Dapat hindi na ako sumama kay Dylan papuntang hospital. Wala na naman akong kinalaman kay Joseph eh. We've never been friends. "You are right, I shouldn't be here."
Tumayo na ako. I'm so stupid for being there. Namumuo na nga iyong mga luha ko sa mga mata ko eh. Pero hindi ako iiyak dito. Hindi sa harap nila.
"Sam, stay."
Narinig ko ang mahinang boses na iyon ni Tita Gina. And then suddenly I felt her hands on my shoulder. Hinarap ko siya. Her tears are still visible on her face. Namumula iyong mga mata niya.
"It's not your fault. Siguro hindi mo talaga alam," she says.
"Ang alin ho?"
Umiling siya. "Wala ako sa position para sabihin iyon sa'yo kung hindi man iyon nasabi sa'yo ni Joseph." She caress my face. "I'm glad you're here, Sam."
Naestatwa ako sa sinabi ni Tita Gina. Akala ko ba hindi ako welcome dun? Eh bakit...
Tumingin ako kay Faith. Katabi na niya si Hope. Tumingin lang din sila sa akin. Ano bang nangyayari?
"Sino po ang mga magulang ng mga pasyente?"
Agad akong hinila ni Tita Gina papunta sa doctor. Nagtipun-tipon na nga kami sa harap ng doctor.
"Kamusta na ho ang anak kong si Karen, doc?" Narinig kong sabi ng isang middle-aged guy.
"Oh, she's fine. Kaunting galos lang ang natamo niya since the boy protected her with his own body."
Napalunok ako sa sinabi ng doctor. He saved her, offered his life for her. What a love! Kahit masakit iyon sa pandinig, hindi ko magawang mag-reklamo. Joseph is a great guy to fall in love with.
"Paano naman ho iyong anak ko, Doc?" tanong ni Tito Robert sa doctor.
Tiningnan ng doctor yong clipboard niya. Malamang nandun iyong mga reports ni Joseph. "He's fine by now. Meron siyang fracture sa arm at sa ribs niya. And then a few bruises sa katawan. A few stitches on his head pero he's coping up. Ililipat na namin sila sa mga kwarto nila. Anyway, Karen can be discharge after a day or two."
Iyon lang at umalis na ang doctor. Pero hindi makakaila iyong relief sa mga mukha ng mga tao sa paligid ko. Siguro kung hindi lang masakit ang puso ko sa narinig ko baka relieved din ang mapi-feel ko.
"Sam, I'm so sorry sa sinabi ko kanina." Faith stood beside me. She look so haggard and all.
Bumitaw na sa akin si Tita Gina para yakapin si Tito Robert kanina so malaya akong yakapin si Faith. "Okay lang iyon, Faith. At some point, you were right."
"Idiot. Hindi tama iyong sinabi ko." She sneezed. "Na-stressed lang talaga ako."
"Okay lang iyon. Ano ka ba?"
"Friends?"
Ngumiti ako. "Of course."
"Gugulpihin ko si Joseph pag gumaling na siya."
"Sama ako sa sa paggulpi sa kanya." Hope smiled at me as well.
"Ewan ko sa inyo." Umiling-iling nalang ako.
"Muntik na tayong maging magkaaway, dapat talaga siyang gulpihin." Faith grinned. Pansin kong relieved na relieved na sila sa binalita ng doctor. Joseph might be hurt but he's fine and healing. So okay na iyon.
"Tama," sang-ayon ni Hope. "Geez! Hindi ko alam na hindi niya pa pala nasasabi sa'yo, Sam."
"Ang alin?" nagtatakang tanong ko.
"Secret. It's for you to find out."
"How?"
Nagkibit lang silang dalawa ng balikat.
"Ask him when he's well." Narinig kong sabi ni Lance. Nagbubuklat siya ng newspaper sa isang tabi na para bang wala lang. "And to know when he will be well, bantayan mo nalang siya."
"Lance is right," sang-ayon ni Cole habang sumisipsip ng kape na malamang binili niya sa vending machine. "It's your only chance to get him cornered. Wala siyang kawala dun at walang excuse. So might as well use this accident on your advantage."
"I hate to agree with them, but they are right, Sam." Hope sighed. "Siguro this is destiny's way of mending things between you and Joseph."
"Teka muna. Sandali lang. Ano bang itatanong ko sa kanya?" Naguguluhan ako. What are they implying?
"Bagay nga kayo," iiling-iling na sabi ni Faith. "You are both stupid."
"Hoy -"
"Just ask him, Sam." Tinapik ni Faith iyong pisngi ko.
"Anong itatanong ko?"
"You'll just know it when you get there."
WATDUUUUHHHH!!!
ANO BA ANG ITATANONG KO??
RIDDLE??
Ang gulo lang eh.
Bantayan ko raw si Joseph tapos tatanungin ko siya ng who-knows-what-question-should-I'd-be-asking.
Ang labo! Tssss.
"Kaya mo iyan." Hope encouraged me.
"Hindi ako marunong magbantay ng pasyente." I hissed. "Hindi ako nurse."
"But he's not an ordinary patient, Sam." Dylan said habang umuupo sa isang bench. "He's the one you love."
TAEE!!! BAKIT NIYA IYON SINABI?????????????????????????????
PUTSSSAAAA. Uugh...
BINABASA MO ANG
She's The One (PUBLISHED)
RomanceUnedited. Not the same as the published one. Please support by buying my books. You can also share this story to your friends.