Chapter 13

886 28 6
                                    

Please support LECHENG PAG-IBIG NA 'TO. :)

*****

HINDI naman ako ang tipong nagka-cutting classes o kung cutting classes bang matatawag ang pagtambay ko sa library buong araw.
Ewan.
Pinag-iisipan ko kasi nang maigi ang magiging hakbang ko mamaya. Baka kasi pumalpak ako. Dakilang tanga pa naman ako. Tsaka, kinakabahan kasi talaga ako eh.
Anyway, sabay pa rin kaming kumain nina Faith at Hope sa canteen kaninang lunch. Ewan ko pero parang wala talaga sa sarili kanina si Faith kasi si Hope lang ang daldal nang daldal. Ang lalim kasi ng iniisip niya eh. Nang hindi kami umimik ni Faith sa sinasabi ni Hope, tumahimik nalang din siya. Napagod siguro.
So ayun, nandito ako ngayon sa library. Labas-masok na ang mga estudyante pero heto ako at nakatitig lang sa screen ng laptop ko.
Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko mamaya eh. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam. Para nga akong maiiyak na hindi ko mawari. Hindi ko talaga alam kung paano --
Napatigil ako sa pag-iisip nang mag-vibrate ang cellphone ko. Bawal kasi ang hindi naka-silent na phone sa loob ng library. Tsaka palaging silent naman itong phone ko.

One Message Receive

Sender: Joseph Engot
May practice game kami ngayon sa gym. Punta ka ha? :*

Mapait na ngumiti lang ako. Talagang nakikisama ang tadhana sa plano ko ah.

Me: Sorry. Can't come. Busy.
Joseph: Okay. :( See you later?
Me: Sure.
Joseph: Ingat. :) Mwuahh!

Mabigat sa dibdib na iniligpit ko ang mga gamit ko tapos umalis na ako ng campus. Buo na kasi talaga ang isip ko na hingin na sa Mama ni Joseph ang kalayaan naming dalawa. Ang problema ko lang naman kanina ay kung paano ko sasabihin iyon sa Mama niya at kung paano mawawala sa eksena si Joseph.
Ayokong madamay siya. Lalo na kung may gulo kung sakali.
Gusto ko akin ang magiging hakbang na ito. I'll take all the blame. Tawagin man akong suwail. Okay lang. I'm just going to protect him and give him he's happiness.
Huminga ako nang malalim. Kinakabahan na kasi talaga ako eh. Nanginginig ang mga tuhod ko at parang ayaw ko nang ituloy.
Kaya lang...
Nang makapasok na ako sa bahay nila, nakita ko agad si Tita Gina. Nagdidilig siya ng mga halaman. (Sa mga makakalimutin, si Tita Gina ay ang mama ni Joseph.)
Bumuntong hininga ako before lumapit sa kanya.
"Good afternoon po."
Ngumiti siya sa akin nang makita niya ako. "Good afternoon din, Hija." Nakipagbeso-beso siya sa akin. "Napadalaw ka? Oh! Hinahanap mo ba si Joseph? Hindi pa kasi siya umuuwi eh. Hindi ba kayo magkasama?"
"Hindi po. May practice game po siya sa school gym."
"Ganun ba?" Ibinigay niya sa katulong ang water hose. "Ikaw na muna ang magdilig, Bebang ha? Pakisabi nalang din kay Lita na ihanda kami ng merienda sa lanai. Salamat."
Iyon lang at pumunta na kami sa lanai nila. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, hija, kung pinaghintay ka niya dito sa amin ha?"
"Actually po, kayo po ang ipinunta ko rito. Gusto ko po kasi kayong makausap." Kinakabahan talaga ako. Pinagpapawisan na ng bonggang-bongga ang mga kamay ko. Tsaka nanginginig na iyong mga tuhod ko. Mabuti nalang at naupo na kami. Kasi kung hindi baka di ko na kayanin.
"Bakit hija?"
Tumungo ako. "Kasi po, gusto ko pong..." Pinilit kong tumingin ako sa kanya. "Ikansel nalang po natin ang engagement namin ni Joseph."
Hindi ko alam kung anong iniisip ni Tita Gina sa sinabi ko. Hindi ko kasi mabasa ang expression niya sa mukha eh. Lalo tuloy akong kinabahan.
Nagpaliwanag ako. "Tita, kasi po, iyon po ang dahilan kung bakit po ako umuwi dito sa Pilipinas. Gusto ko pong maalis sa isang kasalang hindi ko po pinagdesisyonan. Gusto ko na pong lumaya."
"May ginawa ba ang anak ko sa'yo, hija?" Hindi ko mapigilang huwag maiyak sa itinanong niya sa akin. Wala kasing ginawa si Joseph sa akin. Minahal ko siya ng kusa. At nagmahal lang din siya. Nagkataon lang na naunang dumating si Karen sa buhay niya at ito ang laman ng puso niya. Di naman niya kasalanan na masaktan ako nang ganito eh.
Inalo ako ni Tita Gina habang pinupunasan ko ang mga luha sa mata ko. Kainis naman eh. Bakit ang sakit-sakit? Pakiramdam ko tuloy durog na durog na ang puso ko.
Tama pala sila. Ang puso kahit durog-durog na iyan. Kahit punit-punit na at basag na basag na. Ito pa rin ang tanging organ na may pakinabang pa rin. Hindi ko alam kung paano pa nito nakayanan ang lahat. Tssss.
"Wala pong kinalaman si Joseph." Suminghot ako. "Labas po siya sa desisyon ko."
"Hija, akala okay na kayo. Lagi ko kasi kayong nakikitang magkasama simula nung birthday ko."
"Akala ko nga rin po eh." Anlaaaaahh talaga eh. Tumulo na naman ang luha ko. Akala ko kasi talaga na okay na okay na. Iyon pala... "Kaso po may mga bagay po talagang hindi po pwedeng ipilit."
"Mahal mo na ba ang anak ko, hija?"
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Sasabihin ko bang sa Mama ni Joseph ang totoo? Sasabihin ko ba sa kanya na kailangan kong lumayo kasi mahal ko si Joseph pero may mahal siyang iba?
Umiling ako.
Mali man ang magsinungaling, ayaw ko namang malaman ni Joseph ang totoo. Siguro kasi baka masabi ni Tita Gina sa kanya. Ayokong alalahanin pa nila ang damdamin ko. Tama na ang naging perhuwisyo na ibinigay ko sa kanila.
"Hindi ka iiyak nang ganyan kung hindi mo siya mahal, hija."
Bull's eye.
Tengene talaga. Sapol ako dun ah. Pero as usual, ngumiti lang ako. Hayyy naku! Nagsinungaling na ako eh. Lubus-lubusin na.
"Isa po iyan sa dahilan kung bakit gusto ko pong iurong ang kasal. Hindi po namin... hindi po namin mahal ang isa't isa."
"Hija..."
"Magiging miserable lang po ang buhay namin. Baka nga po maghiwalay lang po kami agad. Sayang ho ang effort at ang pera kung saka-sakali. Mga bata pa naman po kami. Pwede hong magbago ang mga isip namin. Marami ho kaming pwedeng makilala at mahalin in the future."
"Sam..."
"At saka po, hindi po kami nagkakasundo. Naiinis po ako sa kanya. Nagtatalo ho kami sa kaliit-liitang bagay. Masyado ho siyang bossy. Minsan niyang itinapon ang book ko sa garbage. Tapos marami hong mga babae na nakadikit sa kanya. Para po siyang pag-aari ng mundo. Ayoko pong makipag-kumpetensiya. Masyado ho siyang habulin ng mga babae. Isip bata ho siya at --"
"Pero hindi naging hadlang ang lahat ng iyan para mahalin mo siya, di ba hija?"
Tumahimik ako dahil dun. Tama naman kasi siya eh. Kung maiilista ko sa buong manila paper back-to-back ang mga ikinaiinis ko sa kanya, maisusulat ko naman sa isang napakalaking tarpaulin ang mga mabubuting katangian niya. Kahit back-to-back pa eh. Kahit ipa-bilboard ko pa sa EDSA.
"Minsan, hija, pagmahal mo ang isang tao kailangan mong matutunang ipaglaban siya. Para ano pa't binigyan ka ng pagkakataon na makilala siya kung hindi mo iyon gagamitin? Naging masaya ka sa piling niya, paano pa kaya kung makuha mo rin siya? Hindi mali na ipaglaban mo ang kasiyahan mong iyon kasi nagmahal ka lang."
Tengene talaga eh! Bakit ba kasi ang sweet-sweet ng ugok na iyon? At bakit hindi ko namalayang nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya? Tsaka paanong nalaman ni Tita Gina ang damdamin ko?
"Matuto kang lumaban, hija. Kasi ang trabaho ng tadhana ay ang bigyan ka lang ng pagkakataon na makilala ang taong magpapasaya sa iyo at magpapatibok ng puso mo. Nasa sa iyo na kung pangangalagaan mo siya at susubukan mo siyang kunin. Parang isang misyon lang na iniatas sa iyo. Wala silang pakialam kung paano mo gagawin iyon, basta makuha mo lang ang gusto nilang makuha mo."
Tama siya. Kaya lang hindi ako ang mahal ni Joseph eh. Sino ako para hadlangan siya. Mahal nila Joseph at Karen ang isa't isa. Bakit ako hahadlang? Bakit aagawin ko sa kanila ang kasiyahan nila para lang sa kasiyahan ko. Ang selfish naman!
"Pag-isipan mo munang mabuti ang lahat-lahat hija."
Umiling ako. "Buo na ho ang desisyon ko, Tita. Ayaw kong maging selfish. May punto naman po kayo. Kaya lang minsan, instrumento lang tayo para mangyari ang isang bagay. Naging instrumento lang siguro si Joseph para matuto ako sa buhay. Baka po hindi ho kami. Baka sa pakikipaglaban ko para sa kanya, hindi ko na ho mapansin ang talagang para po sa akin."
"Pero hija -"
"Nakikiusap ho ako, Tita." Hinawakan ko sa dalawang kamay ko ang isang kamay niya.
"Pero paano ang parents mo?"
"Ako na ho ang bahala sa kanila, Tita."
"Si Joseph? Paano siya? Hija, I don't think my son would be happy about this."
"Trust me, Tita. He'll thank me for this." Tumulo na naman ang luha ko. Ang sakit-sakit lang isipin na magiging masaya lang ang lalaking mahal ko pag wala na ako.
"Hija..."
"Please po."
Bumuntong-hininga muna siya bago magsalita, "Ikaw ang bahala, hija. Sana maging masaya ka sa desisyon mo."
Napaiyak na talaga ako. Paano ba ako sasaya kung wala na ang tanging lalaking magpapasaya sa akin sa napakaikling panahon? Come to think of it. Kalahating linggo ko lang siya totoong nakasama, pero parang kilala ko na siya buong buhay ko.
"Maraming salamat po." Pinunasan ko ang mga luha ko kaso ayaw talagang tumigil sa pagtulo eh. "Maraming salamat ho talaga. Naman!" Tumawa ako nang pagak, "Naiiyak pa rin ho ako."
Ngumiti lang ang butihing Ginang sa akin.

She's The One (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon