INTELLECTUAL PASSION DRIVES OUT SENSUALITY - Leonardo da Vinci
Please support LECHENG PAG-IBIG NA 'TO. :)
*****
"BAKIT mo ‘yon ginawa?"
"Ang alin?" nagtatakang tanong niya sa akin.
Nasa gilid kami ng fountain. May fountain kasi ang garden nila. Tsaka, wala masyadong tao kasi medyo malayo na sa party. Hinila ko talaga siya papunta dun nang matiyempuhan kong nag-iisa siya. Syempre, nagmadali akong hilahin siya kasi papalapit si Jeanne eh.
"Duh!" If I know, alam naman talaga niya kung ano ang ibig kong sabihin eh. Iniinis pa talaga niya ako.
"Look, kung ano man yan, later nalang okay?" Ngumiti siya sa akin. Okay. Fine. Lalong gumagwapo ang isang Joseph Velasco pag ngumingiti. And crap! My knees are slowly melting.
"Anong later?" Pinigilan ko siya sa kamay. "Magtutuos tayo ngayon."
"Ngayon?" Tumingin siya sa paligid. "Mag-eeskandalo ka na naman ba?"
"Cut the crap out! Why did you do that?"
"I did what?"
"You kissed me, jerk! Sa harap pa ng parents ko! No! Actually, sa harap ng buong mundo! My gosh! I could have killed you!"
"Yeah, so?"
"Nang-iinis ka ba? Kasi naiinis na ako eh!"
Kanina kasi, matapos niya akong halikan tinutukso na ako ng Mommy at Daddy ko at ng parents niya at nina Faith at ni Hope at ng buong mundo. Okay, exagg. Pero kasi kahit saan ako pumunta, kung hindi sila ngingiti sa akin ng pilyo, pinapasadahan naman ako ng tingin ng mga babaeng inlove kay Joseph. And it sucks big time. Ayoko nun.
Lumapit siya sa akin. "Don't be. Maganda ka ngayong gabi eh." Hinaplos niya pa ang mukha ko.
Gosh! Kung hindi ko lang talaga itinanim sa mind ko na galit ako sa kanya, baka kinikilig na ako. Well, yeah, sige na nga. Kilig na kilig na ako. Gusto ko nang sumigaw. I don't know why. Galit dapat ako eh.
"Kilabutan ka nga." Itinulak ko siya. Naman! Ang lakas ng kabog ng puso ko. "Hoy! Unggoy! Di porke't party ng Mama mo ito eh, pagnanasaan mo na ako! I can really easily freakingly ruin this night. Pero since mabait naman ang Mama mo, hindi ako magsasalita ng tungkol sa pagtutol ko sa kasalan thing. Kaya lang hindi ko talaga ma-take na hinalikan mo ko! Ohmygosh! Ni hindi man lang ako nakaganti!"
"Then you can avenge now." Ngumiti siya sa akin nang pilyo. "You can kiss me, too. Go ahead."
"Hindi lahat ng babae, gugustuhing halikan ka!"
"Eh natulala ka nga nung hinalikan kita ah."
"That's because... because...." Yeah, right. Natulala nga ako. But never kong aaminin ‘yon. Never!
"And you we're even speechless."
Ugh. "You Jerk! Do you really want me to shout and curse you in front of those people after you kissed me? Hindi ako ganun ka uneducated kagaya ng Jeanne mo."
"Nagsiselos ka kay Jeanne?"
"Why the hell would I?"
"You look really jealous."
"Asa ka pa!"
Ngumiti lang talaga siya sa akin. My gosh! Ang cute lang niya.
"Bakit ka ba ngiti nang ngiti diyan?"
"You really look pretty tonight."
"So meaning, hindi na ako maganda bukas?" Upakan ko kaya siya ngayon eh?
Tumawa lang siya. He really looked dashing in his suit. Nakakawala na nga ng inis ang simpleng pagtawa niya eh. Napabuntong-hininga nalang ako. Andami ko na yatang nararamdaman para sa lalaking ito.
"Let's have a truce, Sam."
"Truce-sin mong mukha mo. Sa dami mong atraso sa akin!"
"Sige nga, enumerate mo."
"Una, pumayag kang pakasalan ako. Pangalawa, hinalikan mo ko -"
"You were the first one who kissed me."
"Oh shut up! The point is, you kissed me. Twice."
"Pero -"
"Panlima -"
"Teka, pangatlo pa ah."
"Pakialam mo ba kung gusto kong panlima na? Ikaw ang may atraso sa akin eh. Tsaka marunong akong magbilang. Engineering ako eh."
"Pangatlo pa lang kasi talaga."
Pero hindi ako nakinig. "Pangpito, pinahiya mo ko sa harap ng maraming tao sa cafeteria."
"Okay, about that."
Tiningnan ko lang siya ng masama. 'Hindi pa ako tapos magsalita. Huwag kang sumasabat."
"No. Listen." Seryoso na ang mukha niya. "I'm really sorry about that. It was a low blow. Akala ko kasi you were just bluffing. I imagine Samantha Tuazon as one heck of a girl -"
Naningkit ang mga mata ko. "And I'm not?"
"No, I mean -"
"You meant what? You imagined Samantha Tuazon as mahinhin, classy, sophisticated, fashionista with those cute pink stuffs? You imagined her as a very beautiful lady with all the Forever 21 things around her?"
"Makinig ka nga muna sa akin."
"No, ikaw ang makinig sa akin - "
"Kaya kita nahahalikan eh. Ayaw mong makinig."
Natameme ako pero slight lang. Baka kasi akala niya takot ako sa kanya. "Ikaw rin naman ah. Hindi pa nga ako tapos magsalita eh."
"Okay. Pero makinig ka muna sa akin."
"Unfair naman yata na makinig ako sa'yo tapos hindi ka nakikinig sa akin."
"Then blackmail me."
"Like hahalikan kita kung sakaling ayaw mong makinig sa akin, the way you do to me?"
"Yeah, I was waiting for that." And then he smiled his mouth-watering smile.
"Asaness!"
"Why won't you do that to me? Effective naman sa'yo eh. Siguro, effective din sa akin kung sakali."
"HAH! Wag na oy! Baka mamatay ka pa sa kilig."
Tumawa nalang ulit siya. Ang sarap talaga sa pakiramdam kung napapatawa mo ang isang taong nagpapakabog ng ganun sa puso mo eh. Yong tipong di ka pa nga nakakapag-joke napapangiti mo na siya. Ganun na ganun ang feeling ko sa sandaling iyon. Siguro isa iyon sa reason kung bakit ako natahimik bigla.
Ngumiti siya sa akin matapos niyang tumawa.
"Okay, ganito kasi iyon. You can't blame me for thinking Samantha Tuazon is a perfect girl."
Sumimangot ako.
"Wag kang sumimangot." Inismiran ko siya. "You see, wala namang nakakaalam kung nasaan ka or what do you look like or what do you do? Clueless ako. So I just assume, you were, you know."
"You think I'm some sort of a damsel in distress. You think I was a fragile princess na kailangan ng isang superhero na nakasakay ng kabayo -"
"Hindi na kailangan ng kabayo ang isang superhero. They fly."
"Whatever. The point is, you thought I'm a weakling!!"
"No, not a weakling -"
"Well, I'm not and -"
"Bakit ba ayaw mo akong patapusin?"
"Bakit ba pinapahaba mo pa ang usapan?"
"Kumalma ka nga."
"Ikaw ang kumalma!"
"You are on the verge of shouting, Sam."
"I'm not."
"Yes, you are." Tumaas na rin ang boses niya.
Bumuntong hininga nalang ulit ako. Nakaka-stress ang lalaking ito.
"We need a truce." Sinaggest na naman niya ang truce na iyan.
"Sabihin mo sa parents mo na you are not interested on marrying me." Kalmado na ako. "Tell them I'm not exactly what you think I am. Sabihin mong hindi ako mahinhin, hindi ako damsel in distress, hindi ako fragile, hindi ako maganda -"
"Maganda ka, Sam."
Napatingin ako sa kanya dahil dun. Ano raw?
"Kasasabi mo nga lang eh. I'm not the one you think I am."
"But you are still beautiful just the way I think you are."
"Bolero."
Ngumiti siya. "Hindi ako nangbobola."
"Maniwala ako sa'yo."
Tumawa siya. Napangiti naman ako. O sige na nga, nakakahawa siyang tumawa. Masyadong buhay na buhay.
"So, truce?" Nangingislap ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Fine, masyado siyang gwapo.
"Sabihin mo muna sa parents mo na -"
"I can't."
"Why not?"
Nagkibit lang siya ng balikat. "Let's just try it."
"Try what?"
"Let's try to be friends."
"Okay, basta sabihin mo sa parents mo na ayaw mo nang makasal sa akin."
"I told you, I can't."
"Why not?" Paulit-ulit lang kami.
"I wanna marry you."
BINABASA MO ANG
She's The One (PUBLISHED)
Storie d'amoreUnedited. Not the same as the published one. Please support by buying my books. You can also share this story to your friends.