Chapter 14

877 25 5
                                    

Please support LECHENG PAG-IBIG NA 'TO. :)

****

“SAM!”
Napalingon agad ako sa pinanggalingan ng boses. Dinig yata sa buong mansion ang boses niya sa sobrang lakas nang pagsigaw niya sa pangalan ko eh.
And there he was, standing as gorgeous and handsome as ever, smiling at me like an angel who just stepped down on earth.
Para akong nadaganan ng 10-wheeler truck sa dibdib. Ang hirap naman! Sana hindi ko nalang na-realize ang damdamin ko sa kanya. Sana di ko nalang hinayaan na mapana ni Kupido ang puso ko. Hindi sana ganito ka komplikado ang lahat. Hindi sana ako nasasaktan nang ganito.
On the second thought, kung hindi ko siya minahal, eh di sana hindi ko naranasang maging ganun kasaya kasama siya.
Nakakainis talaga minsan ang mundo.
“Nakakainis ang anak ko, ikaw pa ang una niyang tinawag kesa sa akin na nanay niya.” Napatingin nalang ako kay Tita Gina. Malungkot siyang nakangiti. Pagkatapos ko kasing umiyak sa harap niya kanina, nagkwentuhan pa kami saglit. Hindi ko naman inaasahan na maagang uuwi ngayon si Joseph eh. Kasama pa yata niya ang mga kabarkada niya.
“Tita…”
Ngumiti siya sa akin. Halatang pilit na pilit. “Don’t worry, hija. Malungkot lang ako dahil sa ibabalita mo sa kanya.”
“Pero ho –“
“I’m sorry, hija. Hindi ko kayang makitang masaktan ang anak ko gayong ang saya-saya niya ngayon. Kaya sana ikaw nalang ang magsabi sa kanya. Please, huwag mo siyang bibiglain.”
Tumango nalang ako. Naiintindihan ko naman siya. Ayaw ng mga magulang na nakikitang nasasaktan ang kanilang mga anak. Pero bakit naman malulungkot si Joseph? Magandang balita nga ang ibabalita ko sa kanya di ba?
Nagulat ako nang patakbong niyakap ako ni Joseph saka hinalikan sa noo. “Hindi mo sinabi sa akin na nandito ka sa bahay,” nagtatampong sabi niya.
Tengene talaga! Namamasa na naman ang mga mata ko kaya kinagat ko nang palihim ang ibabang-labi ko. Minsan ipinaparamdam niya sa akin na mahalaga ako sa kanya. Nakakalito. Nakakaloka.
Kaya lang iba ang mahal sa mahalaga.
“Anyway, I’m so happy you’re here.” Ngumiti siya sa akin kaya pilit din akong ngumiti sa kanya.
Binitiwan na niya ako tapos humalik na siya sa pisngi ni Tita Gina. “Hi, Mom.”
“Nandito lang si Sam, nakalimutan mo na ako,” paglalambing ni Tita Gina sa anak.
“Si Mama naman eh.” Inakbayan naman ni Joseph ang Mama niya. “Sam’s rarely seen here sa bahay natin kaya na-excite lang ako. Twice lang yata siya nakapunta dito eh.”
"Kaya pati mga kaibigan niya nakalimutan na niya,” nakangising sigaw ni Lance habang nakaupo sa sofa.
Napansin ko kaagad na may kasama silang bago. Dati-rati kasi si Dylan at Lance lang ang kasama ni Joseph.
“Naaah! At-home na at-home naman kayo dito sa bahay namin ah!” ani Joseph.
Tumawa lang nang mahina si Tita Gina, “Mauna na ako sa inyo, mga bata. Magpapahinga na muna ako.” Humalik na rin si Tita Gina sa pisngi ni Joseph. Tapos tinapik niya ang pisngi ko. “Sam.”
“Po?”
“Maging masaya ka sana.”
“Opo.”
Iyon lang at umalis na siya.
“Anong ibig sabihin ni Mama dun?” Hinapit na naman niya ako sa bewang. “Napapasaya naman kita di ba, Sam?”
Tumingin lang ako sa kanya. He really doesn’t have any idea how happy I am when I’m with him. Kaya lang too much of something can be bad. Atsaka hindi buo ang kasiyahan ko kasi hindi naman siya masaya sa akin.
“Hoy! Hindi ka na umimik diyan.” Ngumisi siya. “Naiinlove ka na sa akin ‘no?”
Matagal na, engot!
“Kapal nito.” Kunwari inismiran ko siya. Paano ko kaya sasabihin sa kanyang malaya na siya nang hindi ako nasasaktan?
“Anyway, ipapakilala kita kina Lance at Cole. Huwag mo nang isipin ‘yang si Dylan. Kilala mo na iyan eh.” Iginiya na niya ako patungo sa mga kaibigan niyang nasa sala na kumakain.
“Hey guys, this is my fiancée – Samantha Tuazon.”
“Hi, Sam,” ngumiti si Lance sa akin. Actually, kilala ko na siya dahil sa mga nakalap kong mga informations noon.
Ngumiti lang ako sa kanya. Tapos nang tingnan ko iyong isa, tumingin lang din siya sa akin.
Weird.
“Sam, these are my friends. That’s Lance Gutierrez and that is Cole Fernandez.”
So siya pala si Cole. Ang lalaking kinababaliwan ni Faith. Siguro siya rin ang dahilan kung bakit iyon nawawala sa sarili.
“So you are Cole,” sabi ko kay Cole.
 “Yes.”
Napaangat ang kilay ko. Iyon lang? Ang weird ha? “Ikaw pala ang dahilan.”
“Ng ano?”
“Never mind. Wala ako sa posisyon na sabihin kung ano iyon.”
“Okay.”
Talagang naintriga ako sa lalaking ito. Hindi man lang niya ako pinilit na magsalita kung ano ang alam ko.
“Hindi ko alam na totoo pala ang sinabi mo sa amin noon, Joseph, na may fiancée ka talaga,” baling ni Cole kay Joseph.
Ngumiti lang si Joseph. Pero parang nato-torture naman ang feeling ko.
“Hindi niya ako fiancée,” lakas-loob kong sabi bago pa man ako lamunin ng kaba.
“C’mon, Sam. Di ba may usapan tayo?” Inakbayan niya ako pero tinanggal ko lang iyon. “What’s wrong?”
Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya. Napansin kong tumahimik din ang mga kaibigan niya. “There’s nothing wrong, Joseph. The truth is, malaya ka na.”
“Anong malaya?” naguguluhang tanong niya. “Hindi kita maintindihan, Sam.”
“The engagement is off.”
Nakita ko ang pagpapalit ng iba’t ibang emotion sa mga mata niya until it settled to a blank façade. Hindi ko talaga mapigilang huwag masaktan sa nakikita ko. Pakiramdam ko parang balewala lang talaga sa kanya. I mean, wala naman talaga sa kanya ang engagement. Tanggap ko iyon. Kaso lang, umasa akong kahit kaunti may pagtingin din siya sa akin. Kahit kaunti lang. Kahit parang limos lang.
“Kailan pa, Sam?” nagtitimping tanong niya sa akin.
“Ngayon lang. Kinausap ko ang Mama mo.”
“Kaya ba sinabi mong busy ka?” pagalit na tanong niya sa akin. Hindi na niya siguro kayang magtimpi. Siguro napahiya ko na naman siya sa harap ng mga kaibigan niya. Pero kailangan ko nang sabihin sa kanya ang totoo. “Kaya ba nauna kang umuwi at hindi ka nanood ng practice game?”
Hindi ko sinubukang sumagot sa kanya. Alam na siguro niya ang sagot sa tanong niya.
“Bakit, Sam? Bakit? Anong kasalanan ko sa’yo?” galit niyang tanong sa akin.
“Anong bakit, Joseph? Di ba iyon ang dahilan kung bakit ako narito?”
“But may usapan tayo!”
“We tried, didn’t we?” sagot ko sa kanya. Nahihirapan akong huwag sabihin sa kanya ang totoo. Ang hirap pala talaga. “Nasa United Kingdom ang buhay ko!”
“Pwede naman akong tumira doon kung gusto mo!”
“Joseph, nandito ang buhay mo. Hindi mo pwedeng basta iwan ang lahat ng ito. Tsaka, bata pa tayo. You can work things out with another girl. It just happen na hindi iyon ako.”
“Paano mo nasasabi iyan, Sam? We had a good time together!”
“We had a good time together. That’s it. Hindi iyon pangmatagalan. I have a life to run. You have yours too. Hindi ko magagawa ang lahat ng pangarap ko kung matatali ako sa’yo. And don’t you think it’s unfair on me? On us? Hindi tayo ang nagdesisyon nito.”
Marahas na isinuklay niya ang mga kamay niya sa buhok niya. “Sam, look. We can work this out. You can’t just cancel the engagement just like that.”
“Well, I already did, didn’t I?”
“Woke up, Sam.” Niyugyog niya ang parehong balikat ko. “Napaka-selfish mo! Hindi mo ba iniisip ang damdamin ng ibang tao dahil sa desisyon mo. Hindi mo ba naiisip na may nasasaktan ka na rin?”
Napaiyak ako. “Kung makasalita ka parang ako na ang pinakamasamang nilalang sa mundo. Ibinigay ko lang sa’yo ang kalayaan mo. Ibinigay ko lang ulit sa’yo ang kapangyarihang dikatahan ang sarili mong buhay. Tapos ako pa ang masama? Hindi naman talaga tama ang lahat ng ito. Hindi tamang pinangunahan tayo ng mga magulang natin sa mga buhay natin!”
“Pero pinangunahan mo rin ako, Sam!” sigaw niya. “Hindi mo ko tinanong kung anong gusto ko. Ni hindi mo nga siguro naisip kung anong dahilan at bakit gusto kong ipagpatuloy ito. Hindi mo ko tinanong, Sam. Ikaw lang ang nagdesisyon. Para lang akong laruan na pinaglalaruan niyo at pinasusunod sa lahat ng gusto niyo. Tao ako, nasasaktan at napapagod rin. At hindi mo iyon naisip nang gumawa ka ng sarili mong hakbang.”
“Joseph, hindi mo ko naiintindihan.”
“Bakit? Naiintindihan mo rin ba ako? Naiintindihan mo bang nasasaktan mo na ako? Naiintindihan mo ba ang nararamdaman ng mga tao sa paligid mo at kung ano ang nasa isip nila?”
“Joseph –“
“Hindi mo naiintindihan, Sam. Kasi hindi ka nagtanong. Hindi mo ko tinanong!” Nagmamadaling umalis siya saka pabalang na isinara ang pinto.
Litung-lito ako nang sundan ko siya nang tingin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang reaction niya. Dapat masaya siya. Kasi malaya na siyang mahalin at makasama ang babaeng mahal niya.
“Tama na ang iyak, Sam.”
Lumingon ako kay Dylan. Nakita ko ang pakikisimpatya niya sa akin. Siya lang yata sa mga kaibigan ni Joseph ang nakakaintindi sa akin kasi alam niya kung anong nararamdaman ko para sa kaibigan niya.
Lumapit siya sa akin sabay yakap sa akin. Doon ko lang naibuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Ang sakit sa pagkawala sa akin ni Joseph, ang lito sa mga reaksiyon niya, ang sama ng loob kasi hindi niya ako maintindihan at ang stress sa lahat ng mga nangyayari.
“Hindi niya ako naiintindihan, Dylan.” Walang patid sa pagtulo ang luha ko. Ang sama-sama ng loob ko and at the same time, nasasaktan din.
“Hindi mo rin siya naiintindihan, Sam.”
Tumingin ako sa kanya. Siguro nga. Pero dapat pa rin naman maging masaya si Joseph sa nangyari. He is free. Hindi na niya kailangang isipin ang pagpapakasal sa akin.
Napaiyak nalang ulit ako.

She's The One (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon