Chapter 6

1.3K 30 13
                                    

Please support LECHENG PAG-IBIG NA 'TO. :)

****

"HIJA!"

Patihaya akong nahiga sa kama ko. Actually kanina pa ako kinakatok ni Mommy na lumabas na. She just arrived from France kasama ni Daddy. Kaso tinatamad ako eh. Tsaka hindi pa ako nakakapagbihis ng cocktail dress.
"Samantha, aalis na tayo. Male-late na tayo nito eh."
"Mom, baka pwedeng kayo nalang. Tutal wala naman ako kilala dun eh." Hindi pa rin ako kumilos.
"Kaya nga tayo pupunta doon para makilala mo na si Joseph."
Joseph.
Ang gwapong herodes na iyon! Hindi! Panget siya!
Matapos kong sabihin sa buong campus kung sino talaga ako at kung ano talaga ang ugnayan namin, pinagtawanan ba naman ako? Kainis lang. Kaya hayun, nagsitawanan na rin ang mga taong na-shock sa sinabi ko. UGH!
Sino ba naman kasi ang maniniwala na nandito sa Pilipinas ang isang Samantha Tuazon? Eh supposedly nasa U.K. ako at nagpapakadalubhasa sa pagiging Engineer.
Hay! Buti nalang talaga at hinila ako ni Faith palabas ng cafeteria kasi kung hindi, baka bugbog-sarado na ang Joseph na iyon, lalong-lalo na ang malanding si Jeanne at lahat ng mga tumatawa dun. Tempted pa naman akong umorder ng nuclear bomb para bombahin ang buong University na iyon.
ASAR!
Napabalikwas ako ng bangon ng biglang bumukas ang pinto.
"Mom!"
"GOSSSH!! Hindi ka pa nagbibihis!"
Pabagsak ulit akong humiga. "I won't come."
"You will!"
"Mom, please."
"Come on, daughter. Time mo nang gumanti sa mga taong tumawa nang sabihin mong ikaw si Samantha Tuazon." Hinila niya ako. "Ipapakita mo sa kanila na totoo ang sinabi mo."
Natulala nalang ako. "How did you know that?"
"Hehe! Oops! Sorry, hija." She smiled at me. Seees. Si Mommy. Hindi naman siya mukhang apologetic.
"Pinapasundan niyo ba ako, Mom?"
"Of course not!" Kuntodo iling pa si Mommy. Hay! Obvious na kaya. "Nagkataon lang na may tenga ang lupa at may pakpak ang balita."
"Yeah, right." Humiga ulit ako. "So when did you know na hindi na ako pumapasok sa University of Cambridge?" (Hindi mo kailangan basahin ulit, sa Cambridge talaga ako nag-aaral. Dun sa United Kingdom. Syempre, nag-iisang heredera lang naman ako ng mga Tuazon.)
"Um.."
"You don't have to mentally calculate you know. Just tell me exactly when."
Ngumiti na naman siya. "The day you came home here nang walang paalam habang nasa Hawaii kami ng Daddy mo."
"5 months niyo nang alam na nandito ako?"
"Yes, baby."
"Eh bakit di niyo sinabi? Nagta-travel ako papuntang U.K. everytime uuwi kayo from different countries para lang huwag niyong malaman tapos alam niyo naman pala."
"Haay, baby. I knew you were up to something when I saw Joseph's pictures on your dart boards with darts all over them." Ngumiti na naman siya. "Kaya we decided not to tell you. Alam ko naman kasi na si Joseph ang ipinunta mo dito kaya okay lang."
"Mom, I'm not here for him!"
Tinitigan niya lang ako nang makahulugan.
"Okay, fine. Partly, yes. Mainly, because I wanted my freedom. Gusto kong malaman ang mga ginagawa niya at hanapan siya ng butas. And guess Mom, he''s such a playboy! Lahat ng babae sa University nila, nagkakandarapa sa kanya and he entertain most of them. Tapos, there's this girl named Jeanne. She's so malandi. Hinalikan niya si Joseph sa harap ko! Nakakainis! At ang herodes na iyon, ni hindi man lang nag-react. Gusto ko na ngang pasabugin ang buong cafeteria ng time na iyon! Naiinis na talaga ako."
"Okay."
"Mom, it's not okay! Ayokong maikasal sa isang lalaking hindi faithful."
"So okay lang sa iyo na si Jeanne ang maikasal sa kanya?"
"Hah! In her dreams. Kahit kailan hindi mapapasakanya si Joseph 'no? No way!"
"You sounded like a jealous fiancee, hija."
"Yeah, Mom, I'm jealous! Kung pwede ko lang sanang tadyakan ang face ng bruhang iyon, matagal na sanang siyang nagpa-plastice surgery!" Napatigil ako. What the heck! "Mom, why are you laughing? Galit ako eh."
"Because you are jealous."
"I'm not!"
"Kakasabi mo lang eh."
Namula yata ako. Oo nga no? Bakit ko ba iyon nasabi? "Wala akong sinabing ganun, Mom. Wag kayong mang-intriga."
"Hindi ako bingi."
"You are hallucinating, Mommy. Bakit naman ako magsiselos, eh hindi ko naman siya boyfriend?"
"Fiance mo siya."
"Yeah right. Pero I don't love him."
"Because?"
"Because he's a jerk! He's a womanizer! He's a playboy! He laughs at me! He annoys me! AND HE KISSED ME!"
"He kissed you?"
"Oo, Mommy!" Oh mouth, shut up. "I mean, no, he didn't." Naman! Bakit ba kasi lumalabas nalang ang lahat sa bibig ko pag nagagalit ako?
She chuckled. "Whatever, hija. Magbihis ka na. Ipina-invite ko kay Gina ang mga tao tinawanan ka dun sa cafeteria, pati na rin iyong mga members ng Hate Page mo sa facebook."
"Pati iyon? Alam mo?"
"Ipapasalvage ko 'yong private investigator na iyon kung hindi niya sasabihin sa akin lahat ng tungkol sa'yo."
"So you were really spying on me?"
"Medyo. Hehe!"
"Mom!"
"Sammy, magbihis ka na! Or else ipapatawag ko na ang hairstylist, makeup artist, fashion designer at personal assitant ko mula sa France para bihisan ka."
Nagdadabog nalang akong pumunta sa walk-in closet ko dala ang cocktail dress from France. Kung meron mang kasing mas titigas sa ulo ko, si Mommy na iyon.
"Tawagin ko nalang kaya talaga make-up artist ko para lalo kang gumanda, hija, at nang ora-orada ka nang pakasalan ni Joseph? Hmm?"
"Ewan."
Haay! Nagmana yata ako sa kanya. Ang tigas ng ulo niya. Ilang beses ko na bang sinabi na hindi ko gusto si Joseph?
"Because you are jealous."
Wow ha! Bakit ba bumabalik ang mga sinasabi ni Mommy sa brain ko ngayon?
Tiningnan ko sa salamin ang repleksiyon ko.
"Hindi mo siya gusto di ba, Sam? At slip of the tongue lang kaya mo nasabi iyon, di ba? Kalma lang. Tuloy ang laban."
Pakonswelo ko sa sarili ko. Pero tengene talaga, bakit sumusulpot nalang bigla sa isip ko ang gwapong mukha ng herodes na Joseph na iyon? Nababaliw na yata ako.

She's The One (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon