Chapter 2

270 10 6
                                    

Ang GF kong T-Boom

Ni supladongtorpe09

Chapter 2

Paano ba ang magmove on?

Paano kalimutan ang isang taong mahal mo pa?

Paano mo ipamumukha sa kaniya na kaya mo nang wala siya?

Hayyy… bakit ba ganito?

Mahirap nga ba talagang palayain ang isang taong mahal mo pa?

I give him my all. Pero bakit lahat ng yun napunta lang sa  wala.

He told me that he love me but where is that promise now?

Hindi ito maaari. Hindi ko hahayaang maging Masaya siya habang ako ay umiiyak at nagdurusa.

Kung sinaktan nya ako sa kabila ng lahat ng pagmamahal ko, sasaktan ko rin siya. Gaganti ako sa kaniya hanggang sa magmakaawa siya at sa puntong iyon, mawawala na ang lahat ng  sakit na ibinigay nya sa akin.

Iniwan niya ako, pinaluha, pero hindi ko hahayaang maging ganito na lang ako.

I need to be strong. I need to act as if nothing happened. I need to make him see that I can still move on and continue my life after he break my heart.

I am lost. I have nowhere to go but to make this playful revenge that could set me free from this pain that’s killing me.

I need to change. I need to pretend and wear this mask so he’ll never think that I am weak.

I am strong…

I will be strong…

Ui Lyndsy! Kamusta ka na? Nasaan ka  ba? Yung sinabi ko sa’yo last week ha? Tama na iyang pagpapakatanga sa lalaking yun. Marami pang lalaki diyan na mas nagmamahal sa iyo ng totoo. Malay mo nasa tabi-tabi lang yun.

Ui Zeke! Oo naman. Ok lang ako. Magiging okay din ako. Hahha. Nakakatawa na nga ako eh. One week na rin yun eh. Kaya okay na ako.  Kilala mo naman ako, mabilis makamove-on. Hahha

Eh kasi Freak ka (tawag nya sa akin). Hahha. Pinuntahan kita sa condo mo kanina pero wala ka. Asan ka ba ngayon? Kung magsusuicide ka, pakiusap wag mo nang ituly.

Hayy naku beast(tawag ko sa kanya.) oo na, hindi ako magsusuicide. Hindi ko sasayangin ang kagandahan ko nang dahil lang sa lalaking yun. Hahha. Kahit siya pa ang pinakaguwapong lalaki sa mundo, hinding-hindi na ako magpapaloko sa kaniya. Natuto na ako beast. Hahha

That’s good news. Mabuti yan sa’yo. Kung kailangan mo ng bagong bf ihahanap kita. O kung hindi ka man makapaghintay ako na mismo ang mag-aapply sa’yo. Hahha

Yiieehhh. Patam mo ha. Hahha. Wag kang ganyan beast., baka maniwala na ako sa’yo hahha. Ahh.. beast, may surprise nga pala ako sa iyo mamaya. Tiyak na magugulat ka. Hahha

Talaga! Same here! May sasabihin naman ako sa’yo mamaya. Hahha. Ah nasaan ka ba talaga? Sabihin mo na nga para mapuntahan na kita agad.

No need beast. Ako na mismo ang hahanap sa iyo. Hehheh. Wag kang magugulat ha.

Saan naman ako magugulat? Sa makapal mong eyebegs? Hahah

Baliw ka talaga.. hindi.. basta may gagawin kasi ako. Pero sana maunawaan mo ako. Bestfriend kita di  ba?

Oo naman. Mahal ko ang bestfriend ko eh.  Matagal na. hahha

Naman eh. Tumigil ka nga! Basta, hintayin mo na lang ako sa rooftop ng condo. Dun na lang tayo magkita. Wag mong kalimutan yung pabotiro natin ha? Hehhe

Sure! Basta dalhin mo na rin si Zeke-sy ha? Hahha

Oo ba. Yun lang naman pala eh.

Zeke-sy( ang gitarang ibinigay ni Zeke sa  akin sa aking 15th birthday)

Ako na ang nag-end ng call ni Zeke. Hayyy. Galing talagang mag-advice ng bestfriend ko. Siguro kung hindi naging kami ni James pinatulan ko na ito eh. Hahha. Ang ipinagtataka ko lang, bakit kaya wala pa siyang gf eh napakaguwapo naman niya. Siya yung tipo ng lalaki na kahit patay ka na magmumulto ka para Makita lang siya. Hahha. Ewan ko ba kung may hinihintay siya o ano. Salamat talaga sa kaniya. Siguro kung wala siya hindi ko kakayanin ang lahat. We’ve been bestfriends since our elementary days. Mahal ko siya bilang kaibigan at halos siya ang kasa-kasama ko at kakampi. Sana nga lang, maunawaan nya ako at tanggapin sa gagawin kong ito.

But this is just a revenge. Im still a girl pero kailangan kong magpanggap para makaganti sa lalaking sumira ng puso ko.

Im here sa pinakasikat na salon na malapit sa condo ko. This place, this night, magbabago na ang lahat.

Ang GF kong T-BOOM (A Playful Revenge)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon