Chapter 3

230 8 14
                                    

Ang GF kong T-BOOM

Ni supladongtorpe09

Chapter 3

Im here hindi para magparebond o magparelax ng mahaba kong buhok.

This hair. Ito yung pinakanagustuhan nya sa akin kaya nya ako niligawan. At ako naman itong tangang nagpaniwala at nagpauto sa kaniya.

Kung sa bagay, kasalanan ko rin naman kung bakit ako nagkaganito. Kasalanan ko rin kung bakit ako nasasaktan. Kung hindi ko hinayaan ang sarili ko na mahulog sa kaniya, hindi sana ako nagkakaganito. Pero ano’ng magagawa ko? Babae lang ako, nagmamahal at nakadaramdam ng paghanga.

Okay lang ito. Kaya ko ito. Pagkatapos ng gabing ito ay magbabago na ang lahat. Sana nga lang, matanggap nilang lahat ang gagawin ko. Alam kong mahirap itong papasukin ko pero ito lang ang natatanging paraan na naisip ko para makapaghiganti  ako sa ginawa niyang pag-iwan sa akin.

I already made a decision. Buo na ang loob ko.

Si Ate Rica ang kinausap ko tungkol sa bagay na gusto kong mangyari. Transgender siya at siya ang nagmamay-ari ng salon na ito. Medyo close ko na rin kasi siya yung madalas na magpaganda sa akin.

Oh., andito pala ang Ms. Campus 2013. Kamusta ka na?

Okay lang po Ate Rica. Maganda pa rin. Hahah.

Ano ba ang kailangan natin? Para yatang haggard ka ngayon! Shet.. hindi maaari ito! Baka bawiin sa iyo ang korona  mo.

Hhahah. Si Ate talaga oh. Hindi ako magpaparebond ate, magpapagupit po ako.

What?! Nahihibang ka na  ba? Eh kaganda-ganda mo kaya sa buhok mong iyan. Para ka ngang Diyosa eh. Bakit ba? Nagmomove on ka  ba? Whaatt!! Break na kayo ni James Nicanor Padua? Oh my shet.. Anon a  ba ang nangyayari sa mundo ngayon!

Opo ate eh, break na po kami. Wala po eh.. nakahanap siya ng mas maganda sa akin kaya yun… wala na. Ayaw ko namang ipagsiksikan ang sarili ko sa kaniya. Hindi lang ako masasaktan nun. Magiging tanga pa ako.

Hayyy. Kung sa bagay. Tama ka nga naman sa sinabi mo. Hahha relate na relate ako! So, gaano ba kaikli ang gugupitan ko?

Huminga muna ako ng malalim at natigilan bago ko ibinigay kay Ate Rica yung style ng gupit na gusto ko. At tulad nga ng inaasahan ko, halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang dahil sa nakita nya.

Whatt??? Are you serious my dear? Gusto mo ba talaga ang ganitong gupit? Punky style. Oh my shett!! Please huwag mong sabihing seryoso ka!

Seryoso po ako Ate Rica. Please?? Gawin nyo na lang po ang gusto ko.

Pero Lyndsy…

Please??

Shett!! Patawarin nawa ako ng Diyos sa magagawa ko ngayong araw na ito. Ah.. sige, kung iyan ang gusto mo gagawin ko na. wag mo akong sisisihin kapag hindi mo nagustuhan ha?

Opo Ate Rica. Thank you po!

Ah.. Lyndsy, wag mo sanang masasamain ang itatanong ko ha? Lesbian ka ba?

For the second time ay muli akong napatigil sa tanong niAte Rica. Parang biglang nagbuffer ang pagloading ng utak ko bago ako sumagot. Tomboy nga ba ako?

Ah. Oo Ate Rica. Ang tagal ko na rin po kasing itinago yung tunay na ako. Nahihirapan na po kasi ako kaya siguro, ito na  yung tamang panahon para lumabas ako sa box na pinagtataguan ko. Ang hirap po kasi.

Huhuuhu. Lyndsy. Bakit?? Hindi ko ata matatanggap ang sinabi mong ito. Hindi. Hindi ka tomboy Lyndsy, babae ka!

Subukan ko man pong magpapakababae at pilitin ang sarili kong kumbinsihin ang sarili ko na babae talaga ako, wala po eh. Ito na po yung nararamdaman ko. Tomboy po ako.

Kung sa bagay, pero hindi lang talaga ako makapaniwala… Mamimiss kita Lyndsy… kaya mo yan! Pinagdaanan ko na rin yang pinagdaanan mo at talagang hindi ganun kadali. Huwag mo na lang pansinin ang mga taong manlilibak sa’yo at manghuhusga. Natural lang yan sa ating mga nasa 3rd sex. Basta, sana maging Masaya ka sa desisyon mo at huwag kang susuko. Kapag may mga taong nang-aapi sa’yo ako mismo ang makakalaban nila. Tawagan mo lang ako ha? Huhuhuh.

Maraming salamat po Ate Rica, maraming salamat po sa pag-unawa.

You’re welcome Lyndsy.. ah ano na ba ang bago mong pangalan?

Mula ngayon po, tatawagin nyo na akong Lyndon…

I will miss you Lyndsy. Sana panaginip na lang ang lahat.

Matapos ang halos isang oras ay natapos na rin ang paggupit sa akin. Ibang-iba na ako ngayon. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Hindi na ako ang kaakit-akit na Lyndsy na kahit patay ka na ay gugustuhin mong magmulto Makita lang ako. Wala na ang mahaba kong buhok na nagpaibig kay James. Malayong-malayo na ako sa dating ako na dati ay itinanghal bilang Ms. Campus 2013.

This day, magbabago na ang lahat. Pero sana, walang mawala at walang magtakwil sa akin.

Humanda ka James. I will give you what you deserved. I will give you my playful revenge that I’m sure you’ll never forget.

Ang GF kong T-BOOM (A Playful Revenge)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon