Chapter 11

90 7 4
                                    

Chapter 11

 

9am

Nasa rooftop kami ngayon para turuan nya ako kung paano magpakalalaki. Kung paano lumakad, magsalita, kumilos at kung anu-ano ba  yung mga ugali at asal lalaki. Medyo mahirap nga pala talaga lalo na’t hindi naman talaga ito yung gusto mong gawin o sabihin na nating kailangan mong gawin dahil ito yung idinidikta ng utak mo. Napuno na ng galit ang isip ko.  Ang tanging nasa isip ko lang ay ang makapaghiganti sa kagaguhan ng lintik na James Nicanor Padua na yan.  Ang pinakawalang kuwentang taong nakilala ko. Ang pinakawalang hiya, manloloko, at… ma… mahal ko..

Bakit ba hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa  rin ang taong iyon? Nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko ang ginawa niyang kagaguhan sa akin. Nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko ang mga masasayang araw na pinagsamahan namin.

Ano nga ang magagawa ko? Nagmahal ako ng totoo. Pero sa huli sinaktan lang ako at iniwang mag-isa.

Grabe, ang hirap pala talagang magmove on. Na umaktong wala na sa iyo ang lahat ng nangyari. Na hindi ka na apektado para hindi na mag-alala sa iyo ang mga nagmmahal sa’yo.

Kaya heto ako ngayon, kailangan kong magpanggap na lalaki o magpakalalaki para makapaghiganti sa kaniya. Nasimulan ko na ito. Kailangan ko na itong panindigan. Alam kong hindi madali pero hindi ko na ito matatakasan. Wala na akong dahilan pa para umatras dahil bagong tao na ako.

Medyo mataas na ang araw nang matapos kami ni Beast. Pawisan na kami pero woth it naman. Tawa kami ng tawa dahil nga para raw akong bakla kung kumilos. Baka sa halip na maangasan sa akin ay mapagkamalan pa akong sintu-sintong  gangster na nakawala sa mental. Haha.

Lalo na  yung part na pinapasigaw ako ng boses lalaki ni Zeeke. Paulit-ulit kong ginawa iyon dahil nga ang liit-liit dawn g boses ko. Para raw akong buntis na ipis kung sumigaw kaya pumipiyok ako lagi. Pinakanta pa niya ako ng kantang “Laklak” na parang baliw. Halos mamatay kami kakatawa dahil hindi ko magawa ng maayos.

Sa paglalakad naman, kailangan ko na lang iwasan ang pagkamahinhin at yung kembot. Dapat daw ay astig at mala-Daniel Padilla o Robin Padilla. Sa itsura  ko naman hindi na raw ako mabilis na makikilalang si Lyndsy kung hindi ako magsasalita at tititigan nang matagalan.

Hayyy. Napabuntong hininga na lang ako nang batukan ako ni Zeeke dahil kanina pa pala ako nakatulala. Napangiti na lang ako sa kaniya at nagpasalamat dahil sinuportahan ako sa ginawa ko.

New look. New me. Masisimulan ko na ang revenge ko. Humnda ka James Nicanor padua!

Ipaparamdam ko sa’yo ang lahat ng sakit na ibinigay mo sa akin. Ipaparamdam ko sa iyo kung gaano kasakit ang mabaliwala at paglaruan.

Humanda ka na sa karma mo!

Ang GF kong T-BOOM (A Playful Revenge)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon