Chapter 5

160 6 12
                                    

Ang GF kong T-BOOM

Ni supladongtorpe09

Chapter 5

Nahihibang ka  na ba Lyndsy?! Anong ginawa mo sa sarili mo?! Bakit mo iyan ginawa sa sarili mo! Sigaw ni Zeke sa akin na halos dumurog sa puso ko. Ito ang unang beses na nakita kong ganito kagalit si Zeke, at ang hindi ko kaya ay ako ang dahilan nun.

Ako ito Zeke, ako ito, ganito na talaga ako… hindi ko na mababago ang sarili ko dahil ganito na talaga ang nararamdaman ko. Tomboy ako Zeke, tomboy ako.

Hindi Lyndsy.. naguguluhan ka lang. hindi ito maaari, hindi ka pwedeng maging tomboy. Baguhin mo na iyang itsura mo, mag wig ka,. Hindi ka maaaring Makita ng ibang tao sa ganyang itsura.

Pero Zeke, wala na. hindi ko na kayang magpanggap. Gusto ko nang magpakatotoo dahil yun lang ang makapagpapalaya sa akin. Sana matanggap mo ako Zeke, at kung hindi mo iyon kayang ibigay sa akin, sana, maunawaan mo man lang ako. Im sorry Zeke, pero ito na talaga ako…

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Ang kanina ko pang kinikimkim na sama ng loob ay unti-unting lumabas. Hindi ko na  kaya.. So ito pala yung kinatatakutan ko, kanina, hindi ako nakilala ni Anne. Nakita ko siya ng ex boyfriend ko at labis akong nasaktan nang masaksihan ko kung gaano ka-concern si James sa lecheng babaeng iyon. At ngayon, ang bestfriend ko pa yata ay mawawala na rin s akin. Hindi ko kaya yun. Siya na lang ang nagtitiwala sa akin. Siya na lang ang taong umuunawa sa akin.

Ang pamilya ko na kahit kailanma’y hindi ako naunawaan, nasa Canada na sila at pinadadalhan na lang ako ng pagpapaaral ko sa sarili ko. Ayaw ko sa Step dad kong Kano dahil mahal na mahal ko ang tunay kong Papa. Ang kapatid kong bunso at si Mama, malayo sila sa akin kaya eto ako ngayon, nag-iisa. At tuluyan na nga yata akong mag-iisa kapag nawala pa sa akin ang bestfriend ko.

Nanginig ang mga tuhod ko hanggang sa tuluyan na akong mapaluhod. Sana panaginip lang ang lahat.

Ah.. im sorry Lyndsy,.. im sorry, naguluhan lang ako, hindi ko talaga inaasahan na gagawin mo ito. Sorry kung nasigawan kita. Im sorry Freak, hindi naman ako talaga galit sa’yo. Nagulat lang talaga ako na Makita kang ganyan ang itsura. Nakakapagtampo ka lang eh, bakit hindi mo sinabi sa akin? Napigilan sana kita.

Im sorry din Zeke,naguguluhan kasi ako eh. Ito yung surprise na sinasabi ko sa’yo. \sorry kung ginulat kita.

Nakaluhod na rin si Zeke nun, magkayakap kami habang lumuluha. Nagiguilty ako kasi hindi ko man lang sinabi sa kanya yung binabalak ko. Pero itatago ko na lang muna ang sikreto ko kung bakit ko ito ginawa. Saka ko na lang sa kanya ipaliliwanag kapag nagawa ko na.

Salamat Zeke, akala ko mawawala ka na sa akin. Salamat bestfriend kong beast.

Hindi ako mawawala sa tabi mo Freak, mahal kita eh. Kasi bestfriend kita.

Tama na nga yang kadramahang yan. Tara tumagay na muna tayo, may dala rin akong balut saka yung gitara oh, puro sipon at luha mo na. hahhah.

Sige, hayyy.. kung hindi ka lang mahalaga sa akin eh. Tsk…

Eh kasi mahal mo ako. hahahha

Ang GF kong T-BOOM (A Playful Revenge)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon