Chapter 6

157 5 0
                                    

Ang GF kong T-Boom

Ni supladongtorpe09

Chapter 6

Im sorry Zeke…

Shhh. Tama na. hindi mo kailangang magsorry sa iang bagay na ikaliligaya mo. Nandito lang ako para sa’yo. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Poprotektahan kita. Hindi madali ang pinasok mo.

Salamat Zeke, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko.

Ok lang yan. Hahha. Ui yung t shirt ko, wag mong punasan ng sipon mo! Hahha

Ay sorry beast! Nadala na ako sa kadramahan natin eh. Hahha. –saad ko sa kaniya. Hindi ko namalayan na namumunas na pala ako sa kaniyang mamahaling tshirt. Hahha ganito talaga kami ng bestfriend kong ito. Magkasama kami sa lahat ng kalokohan at katarantaduhan.

Nasaan na ang mga pinamili mo? Yung balut nadala mo ba? Yung gitara mo may gasgas na. hahha

Oo ba! Teka kunin ko lang ha.

Astig ka na freak. Mas guwapo ka na sa akin ngayon. Baka mamaya niyan mas marami ka ng babaeng paiiyakin kaysa sa akin ha? Hahha basta ba huwag mo lang akong aagawan okay na sa akin yun.

Loko kang beast ka! Siyempre hindi kita aagawan kasi nga mahal kita at ayaw kong magalit ka sa akin. Hahha

Mahal mo ako? Gaano katindi?

Mahal… as in.. bilang bestfriend kita.

Talaga??

Palapit siya nang palapit sa akin nun. Palapit nang palapit na sa bawat hakbang na ginagawa nya ay bumibilis ang pagtibok ng aking puso. Bumibilis na parang nahihirapan akong huminga. Yung mga mata nya, parang inaakit ako, ako naman napapatulala na parang nalilito.

Kyaaaa!!! Wag ka ngang magbiro ng ganyan Zeke, nakakatakot ka!  Lumayo ka nga. Bilis!

Bwaahahhahh…  Napabunghalit na siya ng tawa dun at hindi magkandatuto kung ano ang gagawin. Napahawak na siya sa kaniyang tiyan at halos maglupasay na sa katatawa.

Hindi talaga bagay ang pagiging tomboy sa’yo freak, babaeng babae pa rin ang dating mo kahit ganyan ang itsura mo. Baka sa halip na maging astig ka eh kawawain ka lang nila.

Eh kasi nakakatakot ka kanina eh. Whooo! Wag mo nag uulitin yun ha? Upakan kita diyan eh. Tsk.

Alam mo naming mga astig ang mga tomboy ngayon di  ba? Yung tipong kung tititigan mo sila eh mauupakan ka talaga. At ikaw… eh mas malambot ka pa ngang gumalaw kaysa sa bakla eh, hahhah

 Eh ano ba’ng magagawa ko? Eh kanina lang naman nagsimula yung sumpa ko, .. este yung pagiging tomboy ko.

Ah!! May idea ako freak!

Ano yun?-tanong ko nang may pagtataka.

Tumayo ka nga.

Matapos niyang sabihin yun eh ginawa ko naman.

Kung sa itsura, tomboy na nga ang dating mo, pero sa kilos mo at pananalita, ikaw pa rin yung  Ms. Campus na kilala ng lahat. Kailangan mo ng 100% transformation. Yung halos hindi nila makikilala yung dating ikaw at hindi nila aakalain na ikaw nap ala yan.

So ano ang plano mo ngayon?

Tuturuan kita kung paano maging tunay na lalaki. Ah.. kung paano pala kumilos at magsalita na “parang” isang tunay na lalaki. Para naman hindi ka kawawain o pag-usapan ng mga tao.

Talaga Beast!!? Wow naman, salamat pare! Hehheh. Bait  mo talaga! –saad ko sabay yakap sa kaniya. Mahal na mahal nga talaga ako ng bestfriend ko. Hayyy…

Oh tama na! baka mainlove ka na sa akin at bumalik ka sa pagiging girl mo! Hahah.

Loko ka! Hahha. Salamat beast ha? Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko.

Responsibility ko yun bilang bestfriend mo. Pasaway ka kasi eh.

Tara na! lantakan na natin ang mga pinamili mo. Oh., bakit may beer? Seryoso ka? Hindi ka sanay uminom ah.

Part ito ng transformation ko. Kaya tara na! turuan mo ako kung paano maging tunay na lalaki habang tumatagay tayo. Hahhah

Sure!

Binuksan na agad ni Zeke ang unang dalawang bote ng beer gamit ang mapuputi at matibay nyang ngipin. Napatawa naman ako sa ginawa nya kasi hindi sinasadyang nakagat nya yung labi nya. Hahah

Ang GF kong T-BOOM (A Playful Revenge)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon