Chapter 12

88 6 4
                                    

Chapter 12

Monday

 Alas 3 pa lang ng madaling-araw ay gising na ako. Hindi kasi ako makatulog ng maayos dahil sobra akong kinakabahan sa mga mangyayari ngayong araw. Pinagpapawisan ako ng malamig na parang magkakaLBM. Nakasampung tasa na ako ng kape pero hindi pa talaga ako dalawin ng antok.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga tao kapag nakita na nila ako bilang Lyndon na astig? Mauunawaan kaya nila ako? Matatanggap kaya nila ako?

Si James, ano kaya ang magiging reason niya? Panigurado pagtatawana niya ako sa ginawa ko sa sarili ko. Tsk. Kasalanan naman niya eh. Kung hindi niya ako ginago, hindi ako magkakaganito.

Ngayon, ibang-iba na ang lahat. Paniguradong wala na akong manliligaw dahil mas mukha na akong lalaki kesa sa kanila.

Ngayong araw na ito, haharap na ako sa mundo. Sa lahat ng tao na nakakakilala at humahanga sa akin bilang Campus Queen na si Lyndsy.ang babaeng gusto ng lahat, ang mahinhin, maganda, masayahin at matalinong si Lyndsy.

Ito na ang simula ng aking paghihiganti sa walang pusong si James Nicanor Padua na minahal ko pero pinaglaruan lang ako.

Natatakot ako pero kailangang huwag akong magpatalo sa takot na nararamdaman ko. Ngayon, puro galit at poot na ang nararamdaman ko sa kaniya. Ang lahat ng pagmamahal ko sa kaniya ay naglaho na dahil kinamumuhian ko na siya ngayon.

Ito na ako. Natatakpan na ng nakakatakot at maangas na itsura. Lalaking kumilos, magsalita at umasta. Pero sa loob ko, ang tunay na ako ay isang babaeng nagmamahal ngunit nasasaktan, isang babaeng naghahanap ng pagmamahal sa isang taong pinaglaruan lang ako.

Ibang-iba na talaga ako. Natatawang naiiyak ako habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. Malayung-malayo na ako sa dating ako.

Pinahid ko ang aking mga luha at natawa na lang sa sarili ko. Idinaan ko na lang sa pagsiselfie ang nararamdaman ko at ipinost ko sa aking fb.

Maya-maya lang, nagka399 likes na agad kahit kakapost ko lang. Marami ring nagcomment at ang karamihan sa mga ito ay nagtatanong kung kapatid ko raw ba ang lalaking iyon dahil kamukhang-kamukha ko raw. Gustuhin ko mang magsalita at sabihing ako yun ay hindi ko magawa. Bahala na mamaya. Sila na rin ang makakatuklas kung sino ang lalaking nakita nila.

Oh shet! Putchi lang! 6:30 na pala! 7:30 ang klase ko at 7am ako susunduin ni Zeeke para sabay na kami papasok.

Kaya yun, mabilis akong naligo at nag-ayos ng aking sarili. Mahirap na. baka malate pa at masermonan na naman ng Beast na  yun.

After 20 minutes, nakapag-almusal na rin ako at hindi ko pa man nauubos ang pagkain ko ay bumusina na rin ang kotse ni Zeeke. Inayos ko ng  konti ang sarili ko, at himala! Advance pa pala ng 10 minutes ang beast na  yun.

Mabilis akong bumaba papunta sa parking lot at ramdam ko na agad ang pagbabago sa paligid ko.

Alam kong sinusundan ako ng tingin ng mga tao dito sa condo at alam kong nagtataka kung sino ang lumabas sa kuwarto ni Lyndsy. Hindi ko na lang sila pinansin. Baka kasi kapag nagtanong pa sila ay masuntok ko lang sila.

Saglit akong huminto at nagbuntong-hininga nang Makita ko na ang kulay pulang kotse ni Zeeke na regalo pa ng Papa niyang Hapon. Bigla akong kinabahan at natulala. Natauhan na lang ako nang may bumusina ng malakas. Si Mr. Lee pala, ang kaibigan kong Chinese.

“Hui lalaki! Kung ayaw mong umalis diyan sa daan ay pagbibigyan ko ang kagustuhan mong mamatay. Sasagasaan kita kapag hindi ka pa umalis diyan!” galit na saad ni Mr. Lee. Nakapagtataka. Hindi talaga niya ako nakilala o namukhaan mang lang? mukha na nga ba akong lalaki? Muli siyang bumusina at sa pagkakataong iyon ay umandar na nga ang kaniyang kotse. Kaya naman nagmadali akong umalis sa gitna ng daan na siya namang dahilan para mapasubsob at mapayakap ako kay Zeeke. Lumabas pala siya ng kotse dahil sa gulat na baka sagasaan nga ako ni Mr. Le. Ang masama nga lang eh sa pagmamadali ko, napasubsob ako kay Zeeke na ngayon ay napasandal sa kotse niya.

“Tsk.. bakit ba kasi parang wala ka sa sarili mo? Alam mo namang hindi ka nakilala ni Mr. Lee eh hindi ka man lang kumibo agad? Nasaktan ka ba? May masakit ba sa’yo?”, nag-aalala niyang tanong na parang wala lang sa kaniya ang nangyari. Pero ako, nakaramdam ako ng awkwardness sa posisyon name. nakikita ko ang isang mapagmahal at totoong kaibigan kay Zeeke. Isang kaibigan na handa akong suportahan at ipaglaban sa lahat. Isang kaibigang hinding-hindi ako iiwan anuman ang maging desisyon ko.

“Ui! Lyndon, bakit natutulala ka? Tinititigan mo ba ako. Hahha. Naguguwapuhan ka ba sa akin? Ahahha. Siguro nagsisisi ka na nagpaka-tboom ka nu? Hahha.”, saad nyang sabi na ngayon nama’y nanunukso.

“Tsk, grabe ka beast! Hindi nu! Ehh.. kasi naman, kinakabahan talaga ako Zeeke, hindi ko alam kung matatanggap ako nga mga tao. Yung nangyari kanina, si Mr. Lee halos kapatid ko na  yun pero hindi ako nakilala. Paano pa kaya ang mga tao sa campus, baka pag nakilala na nila ako bialgn Lyndon wala nang pumansin sa akin.”, naguguluhan kong tanong.

“Natatakot ka? Eh tanga ka pala eh! Bakit mo pa ginawa yan kung matatakot ka? Panindigan mo yan. Yun na lang ang magagawa mo sa ngayon.”, seryoso niyang sagot sabay tulak nang mahina sa akin. Nakayakap pa pala ako nun kay Zeeke at nabigla siguro siya nang may dumaang kotse.

“Ahh. Sorry.. Sorry Zeeke! Sige tara na! wala na nga talaga akong ibang magagawa kundi ang panindigan ito. Salamat. Salamat at nandiyan ka para sa akin. Hindi ba talaga ako halatang si Lyndsy?” Nahihiya kong tugon sa kaniya.

“Kung ako si Mr. Lee, hindi ko rin siguro makikilalang ikaw si Lyndsy, pwera na lagn kung magsalita ka at tititigan ka ng matagal. Siya sige na, tara na at malilate na tayo. Medyo malayo pa ang byahe natin.

“Sige!” tugon ko sa kaniya. “Hep hep hep, saan ka pupunta? Ako na ang magbubukas para sa sarili ko. Lalaki na ako ui! Hahha.” Natatawa kong saad kay Zeeke nang bigla siyang tumakbo sa kabilang part ng kotse para pagbuksan ako. Natawa rin siya sa ginawa niya at nakatungong tumungo pumasok ng kotse niya.

Malayu-layo na ang narrating namin. Sandali na lang at mararating na naming ang school. Nabasag ang katahimikan nang biglang nagsalita si Zeeke.

“So, Mr. Lyndon, are you ready?”

“Yes, Mr. Beast!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang GF kong T-BOOM (A Playful Revenge)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon