Katy's POV
"Ano pa bitin ka naman eh."Sagot ko sa kanya,pinuputol nya pa kasi e.
"Nabasa ko kasi na kapag may nakakita sa'yo na nakikipaglandian ka sa lalaki dropped ka agad.At nabasa ko rin na mayroong binatang lalaki dyan na anak ng isang teacher,pangalan nya ay kai tsu tsu nakalimutan ko e.So yun nga siya ang target mo, gamitin mo sya.Gamitin mo yung charm mo."
Ano raw? Ayaw magsink in sa utak ko yung mga sinabi nya.
"Seryoso ka ba?"
"Wow! Anong feeling mo ate hindi ako seryoso? Osige na anong oras na,ibaba ko na'to.See you soon ate"
Magsasalita pa sana ako pero binaba nya na ang telepono.Talaga nga naman oh ang kapatid ko,oo.Grabe talagang nagsaliksik pa sya para matulungan akong makalabas dito,ganon nya na ba talaga ako kamiss? Miss ko na rin naman sya,miss ko na siyang lokohin.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung mga sinabi niya kanina sa akin sa telepono.Anong oras na pero hindi pa rin ako makatulog.
Ano gagawin ko ba talaga iyon? Kung sabagay ayoko naman talaga dito at tsaka sobra na ang pagtitiis ko rito,miss ko na ang marangyang buhay ko.Miss ko na rin si papa at si fiona.
'ANO KATY GAGAWIN MO BA O GAGAWIN MO?'
'OO NA GAGAWIN KO NA'
Para akong tanga kinakausap ko ang sarili ko.Pero paano naman ang mga kaibigan ko rito? Paano si kai? Kung sabagay wala pa naman akong feelings sa kanya,kaya habang maaga kailangan ko ng makaalis dito.
Mas pipiliin kong makapiling ulit ang pamilya ko,mas pipilin kong bumalik sa dati kong buhay.Buo na ang desisyon ko,gagawin ko lahat ng sinabi ni fiona.
Hindi ko namalayan na katulog na pala ako.Ang sakit ng ulo ko,napuyat ako kakaisip kagabi.Teka anong oras na ba? Tinignan ko yung orasan..."Oh shoot!"
Eleven am na,patay yari ako neto.
"Hmmmm.."
Bigla akong napaisip,tama lang ang ginawa ko dahil isa yun sa mga rules na dapat kung sundan,at dapat kung hindi sundan para makaalis na ako dito.
Excited na akong makaalis dito,malapit ko....
"Oh katy gising ka na pala? Bilisang mong mag-ayos,galit na galit na sila sa'yo,tanghali na kaya! Ano bang ginawa mo kagabi? Nagpuyat ka ba?"
Grabe hindi pa naman tanghali ah.Ang OA talaga magreact ni leila.
"Oo na,mauna kana at susunod na lang ako maliligo lang ako.At tsaka hindi ako nagpuyat napasarap lang ang tulog ko.
"Bilisan mo ah"sabi niya at lumabas na ng kwarto.
Ano ba huwag niyo nga akong minamadali,lalabas ako ng kwarto kahit kailan ko gusto.Hmp!
Papasok ako ng banyo ng bigla kong maalala si kai,bakit walang kai na sumusulpot? Osya makaligo na nga.
BINABASA MO ANG
Meany me Maldita (On going)
Teen FictionGG tiffany as Katy lindsay Alcantara Lee jong suk as Kai bear Hudson Kim yoo jung as Fiona mm Alcantara