Almusal 05

119 9 11
                                    

Jung Hoseok
added you as a friend

ACCEPT | DECLINE

Nagulat naman si Puzzle sa nag iisang notif niya. Wala naman kasing naga-add sa kanya, kasi snob siya.

Pagsnob, maldita na agad? Di ba pwedeng nahihiya lang?

Ganun kasi siya. Sa labintatlong taon niyang pagpunta sa paaralan wala mi isang lumapit sa kanya, mukha kasi siyang galit.

Pero one time may kumausap sa kanya, isang babae na transferee, naging kaibigain niya ito at masasabi mo nalang na mabait pala talaga si Puzzle pero di basta-basta.

Pero naaksidente ang kaibigan nito nung mag field trip sila nung Grade 5, hindi siya nakasama sa mga oras na iyon dahil wala siyang pera.

Sobra-sobra ang pagsisisi niya, dahil magkaaway pa sila noon dahil ayaw niyang sumama pero nagpupumilit si Pitch.

Ngunit di siya nagpatinag.

Sana, nakapag-ipon siya noon, baka sa mga oras na iyon kahit naaksidente ang sinasakyang bus ay magkabati sila at nakapagpaalam sa isa't-isa.

Kung siya ang tatanungin, kung gusto niyang sumama sa kaibigan niya, gusto niya.

Gustong-gusto niya.

Handa siya sa kamatayan, dahil para sa kanya ano pa ang silbi ng pagkabuhay niya kung ang nanay niya ay isang prosti sa Molondi Street.

Siya lang mag-isa sa bahay nila, wala rin siyang ama dahil isa lang pala ito sa mga customer ng nanay niya noon.

Nalahian siya ng mestiso at mala-intsik na dating pero buhay na buhay pa rin ang lahing pagkapilipina niya dahil sa kutis niyang katamtaman.

Maraming nagagandahan sa kanya at nung isang gabi, sinama siya ng nanay niya sa club at inakalang kasamahan doon, sobra-sobra ang inis niya at nasampal pa siya dahil sumagot siya.

"Anong klase kang ina?!"

"Hindi na nga ikaw 'yung nagpapaaral sa akin at halos ibugaw mo na rin ako sa mga kalalakihan diyan, ngayon, matatanong ko pa bang ina pa kita?!"

"Walang hiya kang bata ka! Pasalamat ka pa't pinakain pa kita! Letsugas na putangina kasi 'yang sakit mo!"

Umiyak lang siya nang umiyak at bigla nalang itong naglayas. Pinuntahan niya ang mismong nagpapaaral sa kanya at doon na tumira.

Mababait ang mga Lee sa kanya sapagkat ginawa na siyang anak ng mga ito dahil hindi sila biniyayaan ng babae, puro kasi lalaki ang mga anak ng mga Lee.

Kahit malayo na ang pagkakakonektado ng kanilang mga dugo ay tinanggap pa rin nila ang dalaga at nakatungtong na nga ito ng Senior High School.

"Matingnan nga ang profile ng lalaking ito."





Respond to friend request

ACCEPT | DECLINE

Breakfast PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon