Almusal 10

95 7 3
                                    

"Bakit ka nagpakita?"

Ngumiti lang si Pitch sa kanya at saka lumapit ito konti.

Napansin niyang ang bata pa ng babaeng kaibigan niya, iyong itsura niya'y pang Grade 5 pa.

Napakunot ang noo ni Puzzle dahil nagsisimula ng magsalita si Pitch, kaya lang parang naka-mute ito, hindi niya marinig.

"Ano? Ano sabi mo?"

"PUZZLE!"

Ayan, medyo lumakas na.

"PUZZLE!"

At nagising nalang bigla ang dalaga dahil sa mega phone na tumama sa noo niya.

Napasimangot pa ito at napatingin kung sino ang may gawa.

Si Chan "Dino" Lee pala, ang nakababatang pinsan niya.

Sinimangutan ni Puzzle ang pinsan at ginaya na rin siya nito pero nakapamewang ito at iniirapan siya.

"Bakit?" Bungad nitong tanong at napahawak sa noo niyang medyo may bukol.

"Di ka ba papasok?"

"Papasok."

"Oh, hija. Ano pang ginagawa mo diyan, magluto ka na sa baba, wala pa akong baon!" Utos ni Dino sa kanya saka ito padabog na bumaba.

"Dino-baby, gising na ba ang ate mo? Pakainin mo na siya dito." Malambing na sabi ng tiyahin ni Puzzle mula sa baba.

Akala niyo naman na magluluto talaga si Puzzle no? Tinuring siyang anak ng tiyahin niya pero katulong naman ang tingin ni Dino sa kanya.

"Ma naman eh!" Pasigaw na sambit ni Dino.

Napatingin sa orasan si Puzzle sa nakakabit sa dingding niya. Nagulat nalang siya na alas kwatro pa naman ng umaga kaya natulog nalang ulit siya.

Parang di yata maganda ang pakiramdam niya matapos niyang maalala ang panaginip niya. Mag-iisang linggo na yata niyang napanaginipan ang bestfriend niya.

Pabalik-balik lang naman ang daloy ng panaginip, biglang magpapakita si Pitch, lalapit ito tapos may sasabihin, kaya lang hindi niya marinig.

Natulog na nga siya ulit at nagbabakasakaling mapanaginipan niya ulit iyon.

Pumikit na nga siya.

Makalipas ang ilang minuto,

Naimulat niya ang mata niya at napakurap-kurap pa ito.

4:30 am

Napatingin siya sa paligid at gulat na gulat pa ito. Walang ibang tunog ang lumabas sa bibig niya kundi ang,


"Whoop, whoop!"



Heyya guyses! Sino kaya itong unang nakapasok sa katawan ng ating bida? Haha, gwapo ba ito? Cute? Chingchangchong ba? Haha!

Breakfast PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon