Almusal 21

72 8 4
                                    

5:20 PM

"Pwede ba tigil-tigilan mo 'ko sa kakangisi mo, pating ka!" Galit na sabi ni Puzzle (Suga) kay Mingyu.

Pauwi na sila pero nagulat si Suga nang ihatid siya ni Mingyu sa bahay nila.

Nasa kanto na nga sila at ilang bahay nalang para makauwi na si Suga ay di niya maiwasang mapatingin sa nakangising si Mingyu.

Kahit hindi niya bahay ang pupuntahan dahil nga nagdorm lang siya sa loob ng campus ay umuwi pa rin siya dahil 'yun ang bilin ni Puzzle sa kanya.

Si Puzzle naman ay dumiretso sa dorm at halos lumuwa ang mata nang hinila siya ng barkada at sabay na daw sila maligo sa shower room.

"Masaya lang ako. Hehe." Tipid na sagot ni Mingyu at naglakad na ulit sila.

"Hoy sharky sinasabi ko sa'yo na hind--"

"Na hindi mo ako type. Alam ko naman 'yun, 169 times mo na nabanggit, hehe." Pinutol niya pa ang sinabi ng dalaga at ngumisi na naman siya.

"Okay na sana eh, kaya lang may 'hehe' sa hulihan." Reklamo ni Suga.

"Para hehe-likan kita? Hehe." Mapanuksong sabi ni Mingyu at tinulak niya ang sarili niya kay Suga.

"G-G-Gago kang t-tangina k-k-ka ah!" Pautal-utal na sabi ni Suga at pwersa niyang inilayo ang higante.

Nasa tapat na sila ng gate at nakangisi pa rin itong si Mingyu habang pinagmamasdan niya ang malaking bahay ng mga Lee.

"Bumalik k-ka na nga 'dun sa b-barkada mong sabog! May plano ka pa yatang mag akyat-bahay!" Utos niya pa at kinindatan lang siya ni Mingyu at umalis na ito na nakapamulsa.

Napabuntong-hininga si Suga at napahawak sa dibdib, ang bilis ng kabog ng puso niya akala niya mahahalikan niya 'yung giant shark na 'yun.

"Puzzle?"

Kumunot ang noo ni Suga dahil may tumawag sa kanya. Isa itong babae na may edad na 30 anyos o higit pa.

Nakajogging pants ito ng pink at may jacket na hood na pink rin.

"Myembro yata to sa teletubbies." Komento ni Suga matapos niya itong tingnan mula hanggang paa.

"Bakit?"

"N-Nandiyan ba ang tiyahin mo?"

"Hindi ko alam, malay ko ba. Hindi pa nga ako nakakapasok." Mabilis na sagot ni Suga at pumasok na ng gate.

"Hoy Puzzle. Nanay mo 'to langya ka." Napahinto si Suga at nang matauhan naman siya ay mabilis niyang kinandado ang gate. Hindi niya pinatuloy ang nanay niya at nagsisigaw lang ito sa labas.

"Akala ko sasampalin niya ako." Bulong nito sa sarili.

Nang malaman niyang nanay niya pala ito ay naging si Puzzle na siya kaya awtomatikong sinara niya ang gate.

"Siguro naman nakabalik na rin sa dati si Suga." Saad pa nito

Bubuksan na niya sana ang pinto nang iniluwa nito si Dino na may bitbit na malaking bag.

"Dino baby~ 'wag naman ganito." Maiiyak na yata si Mrs. Lee dahil kay Dino.

"Ma, m-malaki na ako kaya sa dorm na ako matutulog." Paliwanag ni Dino sa ina.

Nang makita ni Dino ang nakatayong si Puzzle ay awtomatiko siyang napaupo sa sahig. 'Yun naman ang ikinatataka ni Puzzle.

"M-Ma! P-Padalhan niyo nalang ako ng pera sa ATM! A-Alis na ako!" Mabilis siyang tumakbo at lumabas na ng gate bitbit ang malaking bag at ang full length mirror at ang nag-iisang lamp shade na nakalagay sa sala.

Anong problema 'nun?


- - -

To : Yoongi

Bakit parang takot si Dino sa akin? May nangyari ba?

From : Yoongi

./sleeping do not disturb/.

From : Yoongi

Practice Agust D, ipeperform mo yan this intrams.


Naguguluhan si Puzzle dahil hindi naman siya laging nagpaparticipate sa mga events, counted na siguro ang pagpapa-attendance tapos uuwi agad. 

SEARCH : Agust D



Pagkasearch niya ng Agust D, napamura nalang siya at mabilis niyang sinapak ang bibig niya nang malamang isa pala itong rap.

Kung ang nagigitara ay guitarist. . .

Kung ako na magra-rap. . .

Rap-ist. . .Rapist na ako?! Ay, ganun ba ang tawag dun?

P-Pero, bulol na nga ako nung nagpapakilala palang ng pangalan tapos mag ra-rap pa?!

Nalaman din niya kung anong pinaggagawa ng isang Suga sa classroom nila.

Nai-pm kasi siya ni Winwin na may hidden talent daw kuno siya kaya nagtaka siya at inexplain naman niya na hindi siya ang taong 'yun.

"So ano 'yun? Paano?" Di pa rin nagets ni Winwin ang sitwasyon.

Nandito sila sa labas ng bahay nina Puzzle, agad siyang pumunta dito nang mag explain si Puzzle kanina sa chat nila.

"Hindi ko nga alam eh. Basta pagkagising ko wala na ako sa dorm na tinutuluyan mo, nasa bagong dorm na ako."

"So hindi lang pala tayo." Bulong ni Winwin sa sarili.

"Anong sabi mo?" Hindi yata narinig ng ating bida.

"Ah wala. Eh paano na 'yan? Marami ba kami?" Parang humugot yata ang tono ni Winwin.

"Kayo palang ni Suga." Sagot naman kaagad ni Puzzle.

Magkatabi silang nakaupo sa may hagdan sa labas ng bahay nila. Di naman naging komportable si Winwin kaya medyo lumayo siya ng konti kay Puzzle.

"So hindi ka pa nakakasiguro pagdating ng Intrams? Paano 'yung rap collab niyo ni Mingyu? Akala ko talaga ikaw 'yun eh. Mamamangha na sana ako."

Napabuntong hininga na lamang si Puzzle at tumingala sa langit na puno ng mga bituin.

"Sana lang talaga saniban ako ng isang Min Yoongi sa araw na 'yun."

"Kaya ko rin namang mag-rap." Sambit ni Winwin at bigla nalang umalis.

Breakfast PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon