Almusal 23

65 8 4
                                    

"Jeon." Tawag ni Sungcheol kay Wonwoo na nakasuot pa ng pantulog. Papasok na sana siya ng kwarto kaso hinarangan siya ni Sungcheol.

"O, bakit? Di mo ba ako papapasukin? Lagi nalang bang ganito? Lagi nalang ba akong hindi makapasok? Pati sa puso nga niya nakasarado na." Hugot ni Wonwoo kaya mabilis naman siyang nakatanggap ng sapak.

"Gago, bago ka makapasok may sasabihin muna ako sa'yo."

"Oh siya, bilis na."

"Alagaan mo si Mingyu." Bilin nito at umalis na.

"Lagi ko naman siyang inaalagaan, baka 'di niya lang ramdam. Manhid kasi." Patuloy pa nito kahit alam naman niyang wala na si Sungcheol.

"Hoy Mingyu, ano na namang kadramahan 'yan?" Bored nitong tanong sa binata. Umiling lang ito at hindi na nagsalita pa.

Sobrang tahimik ng room nila. Nagpapakiramdaman lang ang dalawa at medyo na awkward pa ang atmosphere. Close naman sila ayon pa kay Wonwoo pero parang ibang Mingyu ang nakaupo sa ilalim ng double deck nila ngayon.

Na-intriga rin siya nang sabihan siya ni Sungcheol kanina na ingatan niya si Mingyu.

Bakit pa mag-iingat si Mingyu eh okay naman siya? Okay naman siya na kasama niya 'yung tahimik na babaeng si Puzzle na kaklase niya dati pa at lagi pa niyang kinekwento. Oh tapos? Bakit niya pa kailangan ang pag-aalaga ko? Sabi niya sa isip-isip niya.

Bumuntong-hininga na lamang si Wonwoo at tiningnan ulit si Mingyu na tahimik lang.

"Maligo ka na." Ang nasabi nalang nito. Nagtaka pa siya dahil nagpalibot-libot lang si Mingyu sa loob ng room nila.

"Anong hinahanap mo? Sinauli ko na 'yung boxers na hiniram ko last week ah!" Saad nito at umiling lang si Mingyu.

"Kung shampoo naman ang hinahanap mo, binayaran na kita kahapon at ikaw na bahalang bumili 'nun!"

Binalewala lang siya ni Mingyu.

"Fine! 'Yung toothbrush mo, kiniskis ko sa swelas ng rubber shoes ko kagabi." Pag-amin niya sa binata.

"Hindi 'yun. Asan ang banyo?" Tanong ni Mingyu sa kanya.

"Ha? Sa may hallway. Nakalimutan mo na ba?" Di na siya nakatanggap ng sagot dahil kumaripas na ng takbo si Mingyu palabas ng kwarto nila.

Bigla naman siyang kinabahan at hinabol niya si Mingyu.

Nahila niya ito at pinapasok ulit sa kwarto. Tinulak niya ito sa may pinto at kinulong niya ito gamit ang kamay niyang naka lean sa pinto.

Seryoso niya itong tiningnan, gulat na gulat lang talaga si Mingyu dahil baka gumwapo lalo si Wonwoo kapag nagiging seryoso na ito.

"Hindi ikaw si Mingyu diba?"

Breakfast PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon