Almusal 09

127 8 7
                                    

"Ito na yata."

Napatingin ka sa pitong lalaki na kanina pa nakanganga na nakaharap sa pintuan ng classroom niyo.

"Tanungin natin 'yan oh." At parang ikaw ang tinutukoy nila.

Ikaw lang kasi ang nasa labas ng classroom, nakaupo ka sa sahig na kaharap ang hiniram mong laptop na galing pa sa pinsan mo.

Ano nga bang ginagawa mo?

Syempre, individual ka sa research diba? Kaya malamang mag-isa ka. Sanay ka naman diba?

"Miss, tayo na ba?"

Napakunot naman ang noo mo, anong klaseng tanong 'yon?

"Paano magiging tayo." Tipid mong sabi, hindi 'yon patanong ah. Humarap ka na ulit sa laptop mo.

"Ah, pa hard to get ka? Bakit, chix ka ba?" Napaka...Hmm, di na ako magsasalita.

Inis mo siyang tiningnan at nabasa mo ang I.D. niya,

Park Jimin

"Ayoko sa pandak."

"Ohhhhhhhhhhh~" Sabay-sabay nilang reaction.

Nagulat ka nalang nang may biglang kumuha sa I.D mo at natawa sila dahil,

"Lapepe yung nag add sa atin!"

Ayun nga, sila pala ang bago mong mga kaklase na in-add mo sa group chat kagabi. Mabilis mong kinuha ang I.D. mo at pumasok ka na sa loob.

Tahimik mong sinauli kay Dino ang hiniram mong laptop.

"Tamang-tama! Salamat Maze, naamaze talaga ako kasi pipe ka." Nakangising sabi ng pinsan mo at napayuko ka lang.

"Hoy, di ka ba mag tha-thank you?" Biglang tanong sayo ni Wonwoo.

Di mo nalang siya pinansin, kasi nga diba, tahimik ka?

Bumalik ka nalang sa upuan mo. Maingay ang buong klase except sayo, syempre nag-iingay ba ang mga tahimik? Hindi diba?

"Ano kaya gawin nating study?" Rinig mong tanong ni Doyoung sa mga kasamahan niya.

"Hmm, kung bakit ang mga babae paasa?" Saad ni Ten

"O bakit pa? Nakaranas ka? E bakla ka naman." Sabi naman ni Taeyong at bigla silang nagtatawanan at di kalauna'y nagsuntukan na.

"Kay Taeyong ako pre! Bading yang si Chittaphon!" Pusta nina Mingyu

"Kay Leechaiyapornkul pa rin ako! Ito bente!" Sigaw nina Xiumin

"Lee-chaiya-porn-porn-porn-kuuuul!" Cheer nina Johnny...

"Lee-Tae-Yoooong! Ice cream financer ko!" Sigaw naman ni Winwin.

Wala namang natalo kasi biglang sumigaw si Ten na nadaganan na ni Taeyong.

"Pakshet, ang kilay ko Taeyong! Na erase!" Iritableng sigaw ni Ten saka nag walkout.

"Puzzle, gusto mo sumali sa IS-IM Club?" Tanong sa iyo ni Chen.

Tae, nangre-recruite?

Ang Annyeong Lupa University ay may mga iba't-ibang clubs.

IS-IM Club, kung saan kabilang si Chen na pinamumunuan ni Suho, Senior High din siya pero sa kabilang section. Ang club na ito ay may mga kanya-kanyang grupo gaya ng Team Susu at Team Eksotiku.
Ang Team Eksotiku ay naghahandle sa Singing, samantala ang Team Susu naman ay sa boobs--sa Dancing pala.

TAURUS Club, kung saan kabilang ang grupo ng Daisy Siete (kabilang ang mga tukmol mong mga classmate, labing tatlo sila pero Daisy Siete tawag sa kanila). Ang club naman na ito ay tungkol sa Dance Synchronizing at Song Composing, pinamumunuan nina Sungcheol, Hoshi at Jihoon/Woozi.

Mukhang madadagdagan pa ang mga clubs, on the rise ang NABIG-HITHIT Club na pinamumunuan ni Namjoon, ang club naman na ito ay tungkol sa HipHop, Rapping at Tumbling. Wengya? Ba't may tumbling?

Maraming sumasali ng club bukod sa mga pogi ang leaders eh nga talented rin sila pero ikaw na sanay na mag-isa ay walang plano na sumali.

Hindi ka sumali kaya mababa ang extra curricular activity mo.

Kaya inalok ka na ni Chen na sumali pero parang ayaw mo talaga.

"Pa chix talaga." Nakapout pa si Chen habang sinasabi niya iyon at iniwan ka na nga sa upuan.

"Hi guys! Nasaan teacher niyo?" Natigilan naman ang lahat nang may pitong lalaking nasa harapan niyo.

"Jungkook mah men!" Pagbasag ni Mingyu ng katahimikan at inakbayan yung lalaking natabunan ng ilong.

(Observation mo 'yan, nagnanarrate lang ako dito oh!)

Breakfast PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon