Almusal 18

62 6 1
                                    

"Ang tanga mo!" Inis na sigaw ni Winwin kay Kun.

"Hoy ikaw na babaita ka, 'wag mo 'kong sumbatan mas dyosa--matanda pa ako kaysa sayo!"

Inirapan lang siya ni Winwin.

Masyadong green minded kasi. Tch.-Winwin

"Winwin! Bumalik na tayo sa dorm! Maglilinis pa tayo at mapapagalitan tayo ni gramps!"

Hinila-hila na si 'Winwin' at nadala na nga siya ni Kun dahil wala naman kasing lakas si Puzzle.

Sumenyas pa si Puzzle kay Winwin pero tumango nalang si Winwin, tumango ito bilang tugon na siya'y sumama nalang.

---

"Win! Ang aga mong nakauwi ah, galit ba si misis?" Pabirong sabi ni Johnny.

"Mag hunus-dili ka Johnny! Baka mapahamak lang si Winwin sa babaeng 'yun!" Striktong sabi ni Kun.

Nasa cafeteria lang sila at kumakain ng hapunan.

"Aha! Sinundan mo ang dalawa?" Tanong ni Hansol, tinutukoy niya ang babae at si Winwin kanina.

"Oo--hindi! Napadaan lang ako!" Sagot ni Kun.

"Tingnan mo, mukhang malungkot si Winwin! Ikaw kasi, nabigo yata siya sa panliligaw sa kaklase niya eh." Komento naman ni Ten.

"Hoy Winwin! Kayo ba nung babaeng 'yun?!" Tanong ni Kun at niyugyog si 'Winwin'.

"Hindi ko maintindihan. Misis ba siya o nanay?" Napailing nalang si Johnny saka kumain nalang.

"A-Ano ba, Kun-oppa! K-Kaibigan ko lang naman siya." Mahinang sabi ni 'Winwin'.

Nasabi ko bang oppa?! -Puzzle

"Ang tamlay ni Winwin ngayon ah." Sabi nalang ni Ten at sinita si Kun na 'wag na niya itong istorbohin.

Buti nalang hindi nila narinig. -Puzzle

"KUN! SICHENG! TARA NA MAGLINIS NA TAYO!"

"Ah! Taeyong, tayo nalang dalawa." Sambit ni Kun.

"Ulol mo! May Ten na ako--este HA!?" Naguguluhan yata si Taeyong, mali pa yata ang nasagot.

"Talaga TY?" Nagspark naman ang mga mata ni Ten.

"Heh! Tumahimik ka!" Bungad ni Jaehyun, malakas pa niyang binagsak ang tray na may mga pagkain.

"I mean, tayo nalang ang maglinis. May sakit yata si Winwin." Sabi nalang ni Kun at tumango naman itong si Taeyong na namula.

Tiningnan niya pa si Puzzle at napatango nalang saka hinatak si Kun palayo sa barkada.

Bakit namula siya?

---

"Win? Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Kun.

Tumango lang si Puzzle.

Nasa loob na sila ng kanilang dorm. Sila ang magkaroomate.

Nasa left wing ito, kasama na nila ang kanilang mga kamember sa kanilang club. Nasa right wing naman ang iba na kaklase ni Winwin na sina Mingyu, Seokmin at Minghao.

Ang bagong transferee na sina Taehyung ay nasa ibang building, doon muna sila pinatulog dahil bago pa sila.

Naging tradisyon na rin kasi ng university na ito na kapag bago ka, sa bagong dormitory ka ilalagay at kapag nakaabot ka naman ng isang buwan, ililipat ka na nila sa mga dating dorm, nandoon na kaagad ang pangalan mo at ang mga kakailanganin mo.

Kumbaga ang pagstay mo sa bagong dorm for 1 month, 1 month din ang preparation ng school para malipat ka with your new dorm mate.

Hindi na talaga ako magsasalita at baka pagdudahan na naman ako ni Kun.

Bumilog ang mata ni Puzzle nang maghubad si Kun sa harapan niya. Napalunok pa ito ng maraming beses at di niya namalayang nakanga-nga na pala siya.

Natauhan naman siya nang umalis na si Kun at dumiretso sa kanilang sariling banyo.

Hindi na ako magha-half bath, may makikita na naman ako. Okay na sa akin 'yung kaninang umaga, okay lang sa aking makita ang sarili ko na nakahubad kanina.

O-Okay lang.

Nakakadugo ng ilong kasi aaminin ko, ang gwapo ni Winwin.

6:20 AM

"Babae! Kain na!" Sigaw ni Dino kay 'Puzzle'.

Nagtaka pa si Dino nang makita niya si 'Puzzle' na napatanga lang kaharap ang pamilyang Lee.

Kumakain na sila ng almusal at si Puzzle nalang yata ang hindi pa nakaligo. Wala yata siyang balak pumasok.

Umalis sandali si Mr. at Mrs. Lee, kaya silang dalawa nalang ni Dino ang naiwan.

"Kakain ka ba o kakain?!" Sigaw na naman ni Dino.

Bakit parang may topak 'tong batang 'to? Kanina pa ako nagtitimpi sa kanya.

Kanina hinila niya ako.

Kanina marahas niya akong pinaupo dito.

At ngayon na kahit di pa ako nakakakain sinisigawan na niya ako.

"HOY!" Sigaw ulit ni Dino.




"I DON'T GIVE A SHIT!"

Bulyaw ni 'Puzzle' kay Dino.

Nahulog kaagad si Dino sa kanyang kinauupuan dahil sa sigaw ni 'Puzzle'.

Hindi naman siya ganito dati? -Dino

Breakfast PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon