chapter one

59 3 0
                                    

Inis na hinagis ni Angela ang folder na kinalalagyan ng kanyang mga requirements para sa paghahanap ng trabaho.Katulad ng dalawang unang araw ay minalas na naman siya na  makahanap ng trabaho
na akma sa kanyang kurso.Graduate siya ng kursong masscomunication at sa panahon ngayon wala atang gustong kumuha ng mga katulad niyang walang experience..Hay buhay nga naman..Binagsak niya ang katawan sa kamang may maliit na kutson.Kailangan na talaga niyang makahanap ng trabaho dahil hindi unlimited ang dala niyang pera.Bigla siyang napabangon ng may realidad na pumasok sa isip niya..Think positive kaya ko to,dapat hindi na ako maging choosy sa paghanap ng trabaho dahil kailangan ko mgkapera agad,napapikit siya ng maalala ang puno ng pag asa na mukha ng kanyang ina na balang araw makakaraos din sila sa hirap.Mama..
  May sakit na diabetes ang kanyang ina at hindi na biro ang gastos sa gamutan at ang mga maintainance na gamot araw araw.4silang magkapatid at dalawa na lang silang walang asawa kaya nakaatang ngayon sa kanyang balikat ang pagpaaral sa nakababatang kapatid na nasa secondyear highschool at sa gastusin ng kanyang ina sa pagpapagamot.Kahit may mga pamilya na din naman ang kanyang mga ate ay tumutulong pa rin naman sila sa kanilang ina sa pinansiyal na aspeto kahit papano.Matagal na kasing wala ang kanilang ama nung nasa elementarya pa lang siya.Hindi sana naging mahirap ang buhay kung nagkataon na may padre de pamilya na sumusuporta sa pangangailangan nila.Kaya lang naman siya nakatapos dahil sa tiyaga niya sa pag apply sa scholarship at sa pagtulong na din ng kanyang mga kapatid sa allowance niya araw araw.
  Napapailing na bumangon siya at nagpasya na lang na magbihis at magluto ng kanyang hapunan.Kapag kasi nagluluto siya ay mas nakakatipid siya sa budget.Nagsasaing na siya ng maisip niyang magcheck ng facebook niya.Napangiti siya ng makita ang message ng mga kapatid niya sa kanyang inbox at ilang mga notifications galing sa mga kaibigan niyang hininga na ata ang pag gamit ng internet..Hahah swerte niya dahil hindi siya ganoon.Napakunot ang noo niya ng mabuksan niya ang message ng kaibigan niyang  si Andy.
"best di ka maniniwala sa sasabihin ko pero may kakilala ako na naghahanap ng translator para sa amo niyang foreigner na pupunta dito sa pinas at naisip agad kita diba kailangan mu ng trabaho?napangiti na lang siya dahil sa ginawa ni Andy kahit kailan talaga palagi siyang iniintidi ni Andy..True friend nga talaga.Nakita niyang 3hrs ago pa ang message nato kaya kahit hindi siya sure na mababasa agad ni Andy ay nagreply siya.
"bakit mu naman ako naisip agad best diba ikaw naghahanap ka din ng trabaho.Pero salamat ha minamalas nga ata talaga ako dahil wala pa rin akong makitang bakante.Message sent.
"ay yung sinaing ko pala!mabilis siyang tumayo at tinignan ang niluluto muntik niya pang mabitiwan sa loob ng kaldero ang kanyang cellphone ng mag vibrate iyon."langhiya,nakalimutan niyang na isilent mood niya pala iyon ng umalis kaninang umaga.Mabilis pa naman siyang mabigla.
Si Andy ang nagreply.
"oo pero hindi naman ako bilingual na tulad mu best kaya ikaw na lang sayang din yung kikitain mu kahit na temporary lang yun.
Napaisip siya sa reply ni Andy.Oo nga naman diba nga motto niya ngayon bawal maging choosy.At di rin naman masama ang magtanong sa sweldo diba?napangiti siya sa huling naisip.Agad siyang nagreply."magkano ba ang sweldo best?"
5000per transaction best,That means kapag sasamahan mu siya na kailangan niya ang tulong mu bago kayo maghihiwalay ay sureness na ang 5k mu..may kasama pa yung smiley sa dulo.
Napaluwa ang mata niya ng mabasa niya iyon.5000pesos?!!!at kapag magkikita sila araw araw ay may 5000siyang kikitain?
"oh my god...nasapo niya ang bibig ng maisip kung ganu kalaki ang maitutulong nun sa pamilya niya kung sakali.

My Korean LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon