chapter four

19 0 0
                                    

aray!
Napaharap si Angela kay Andy ng malakas na tapikin nito ang kamay niyang nakapangalumbaba sa ibabaw ng mesa.Nagkasundo silang magbonding muna pagkatapos ng naganap na business deal nila ng antipatikong koreanong iyon.Kasalukuyan silang ngmemerienda sa isang fastfood chain at sa malas wala sa pagkain ang atensyon niya at isip dahil sumama ata kay kichiro kanina.Hehehe.
"kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka naman nakikinig."
Naguilty naman siya sa sinabi ng kaibigan niya.
"pasensya na hindi kasi ako nakapagkape kanina kaya basag ang utak ko ngayon."
"ang sabihin mu nagka crush ka dun sa kichiro na yun kaya ka ganyan.Pagbintangan ba yung kape"may panunuksong sabi nito.Inirapan niya ito.
"as if naman mapapansin ako nun,tignan mu nga kahiya kaya kaming pagtabihing dalawa.Untouchable kaya ng aura niya."
"sus,yan kana naman,ina under estimate mu na naman ang sarili mu,maganda ka kaya lang hindi naaayusan ng mabuti."tignan mu oh,ni hindi mu pa nga nararanasang magpasalon.Kuripot mu kasi"
inirapan niya ulit ito,"eh di gumastos lang ako sa walang kwentang bagay,ibibili ko na lang ng gamot ni mama yung ipapasalon ko.
itinirik ni andy ang mga mata dahil sa katwiran niya.
"ikaw talaga yung sinasabi ko lang naman na bigyan mu naman ng pansin yung sarili mu kailangan mu din yan."
Inubos niya ang iniinum na softdrinks,"gagawin ko yan kapag nakapagsweldo na ako ng 50,000sa isang buwan."
Napailing na lang si andy sa sagot niya imposible kasing mangyari yun.Napatingin siya dito ng kalabitin siya nito at nangalumbaba sa harapan niya."bakit kaya siya naghahanap ng translator eh nakakapagsalita naman pala siya ng english?"
Napaisip din siya sa sinabi ni andy."siguro gusto niya lang makasigurado na tama lahat ang sasabihin niya at naririnig"unsure na sagot niya.
"ang labo naman ng sagot mu,sabi ni andy na inubos na din ang iniinom na softdrinks."excited kana bang magtrabaho bukas?"
Napatingin siya sa kaibigan ng sabihin nito iyon.Dahil sa totoo lang hindi din siya sigurado sa dapat niyang maramdaman.Dapat ba siyang ma excite na makita ang magiging boss niya na sa unang araw pa lang na pagkikita nila ay nakaramdam na siya ng kakaiba?Nagkibit balikat na lang siya sa tanong ni Andy.
"hay,wala ka talagang tinatagong kilig sa katawan mu noh?ang boring mu kaya best sa totoo lang"
Napatawa siya sa sinabing iyon ni Andy."as if naman ikaw may tinatago kang lovelife"pambubuska niya dito.
"tse!atleast ako marunong ako magka crush eh ikaw
parang hindi ka normal"
"tigilan mu nga ako,normal ako nagkataon lang na may dapat akong unahin bago yang mga lovelife na yan",siguro kong pinanganak akong mayaman lovelife na lang ang aatupagin ko.Napatawa naman ito sa sagot niya.
"oo nga naman best,basta balitaaan mu agad ako sa trabaho mu bukas ha,ang swerte mu naman hindi ka mabobore sa trabaho mu kasi ang hot ng kasama mu palagi.
napailing na lang siya sa sinabi ni andy.
"OO naman tatawagan agad kita bukas"pag aalo niya rito para tumigil na ito sa kakakulit sa kanya.

Kinaumagahan ay maaga pa lang nakagayak na siya tinignan niya ulit ang address na binigay sa kanya ni mr.So kahapon bago sila maghiwalay.Isa iyong hotel.Alam niyang mahal ang hotel na yun dahil ilang beses niya na iyong nababasa sa mga newspaper.At hindi basta basta ang bayad sa isang gabing pamamalagi dun.Sinipat niya ulit ang sarili sa salamin bago lumabas ng kanyang kwarto.Natuwa ang kanyang ina ng ibalita niya dito kagabi na may trabaho na siya.

Nakasakay na siya sa jeep ng maisipan niyang tignan ang kanyang cellphone at tulad ng inaasahan niya,pinuno na naman ni andy ang inbox niya at ilang misscall.Hindi niya muna rereplyan ito dahil kahit siya ay kinakabahan din.Nasa harap na siya ng hotel ng tumunog ang cellphone niya.Hindi niya sana papansinin iyon ng makita niyang unknown number ang tumatawag.And when she put the phone in her ear and heard his voice,it seems like the world stops evolving.."WHERE ARE YOU NOW?

My Korean LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon