chapter eleven

12 0 0
                                    

She manage to send a text to andy before leaving for korea tomorrow.Ipinakuha ni kichiro ang lahat ng gamit niya sa tinutuluyang boarding house at sinabing hindi na niya kelangan bumalik dun,napangiti siya ng sabihin nito na nag iwan ito ng 10000k sa kanyang landlady for gratittude daw.A richman belief .Na lahat kayang tapatan ng pera kahit ang utang na loob.Na iimagine niya ang mukha ni aling tina ng matanggap iyon samantalang 1500lang naman ang renta niya kada buwan but the old woman deserve it somehow she was good and kind to her.Iniisip siguro nito na baka nanalo siya sa lotto.And she believe to the sayings that share your blessings.
Naghihintay siya kay andy sa isang restaurant ng mga sandaling iyon.She also change physically.After makuha nila ang passport niya ay dumiretso sila sa isang salon.Sa pagpoprotesta niya ay hindi pa rin nakinig si kichiro at inutusan ang mga stylist dun na i make over siya.As a resignation ay hinayaan niya na lang kung anu ang gagawin nila sa kanya afterall hindi naman pera niya ang gagastusin.Nakikita niya si kichiro na prenteng nakaupo sa waiting area ng salon at may magazine sa harap nito.Its a korean magazine.Napangiti siya.its not bad to have a  husband afterall.Pagkatapos ng halos dalawang oras ay natapos na din siya.At namangha siya sa nakita ng humarap siya sa salamin."wow ako nga ba ito?nawika niya at napahawak siya sa kanyang pisngi.And when kichiro saw her its only his words that matter to her.
"better"medyo disappointed siya sa sinabi nito not even once he told her that she's beautiful.Pero iwinaksi niya iyon sa isip.Hindi din kasama sa kontrata nila na pupurihin siya nito.Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya ng mapansin na nakatayo na si Andy sa harap niya.At nakakatawa ang hitsura nito.
"best ako ito''wika niya ng mapansin ang pag alinlangan sa mukha ng kaibigan.Hindi siya nakilala nito.Nanlaki ang mga mata nito ng matitigan siyang mabuti.
"gosh ikaw nga!wow hindi kita nakilala."excited na umupo ito sa harap niya.Tipid siyang ngumiti.
"kumusta ang kasal?ang daya mu hindi mu ako inimbitahan.,nagtatampong wika nito at inirapan siya.Napangiti siya sa inasal ng kaibigan.
"alam mu namang fake lang yun diba?
"kahit na sana inenjoy mu na lang yung moment."bwelta agad nito.Sino bang nagsabing hindi siya nag enjoy?pero hindi niya bibigyan ng satisfaction ang kaibigan sa gagawin niyang pag amin.mahirap ng mag conclude na naman ito at umasa ang hangal niyang puso.Malakas pa naman ang convincing powers nito pagdating sa usaping pampuso.
"aalis na kami bukas papuntang korea"
Nalaglag ang panga ni Andy sa sinabi niya.
"alam na ba to ni tita?ang tinutukoy nito ay ang kanyang mama.Mahina siyang umiling.Hindi na nila kailangang malaman.
"ayaw kong mag alala si mama kaya nagdahilan na lang ako na na assign ako sa malayong lugar"
Napatanga ito sa kanya.
"anu bang sinabing mong dahilan"mahinang tanong nito.
"na natanggap ako sa isang bagong bukas na radio station at sa batanes ako na assign"literal na napanganga  si Andy sa sinabi niya.
"bat naman ganun?hindi ito approve sa sinabi niyang dahilan.
nagkibit balikat siya."yun yong magiging dahilan kaya hindi nila ako makocontact sa number ko.Sinabi kong mahina ang signal dun kaya tatawag na lang ako kapag nagkapanahon ako."
Uminom ito sa inorder nitong mango shake."kunsabagay safe nga naman yung dahilan mo."
Napangiti siya ng maintindihan na din nito ang point niya.
"so saan kana tutuloy ngayon?alam na kasi nito na wala na siya sa dating boarding house.She felt a sudden spur of excitement inside her.
"sa hotel na tinutuluyan ni kichiro.".Nanlaki ang mga mata ni andy
"that means magkatabi na kayo mamaya sa pagtulog?kinikilig na tanong nito.Naalarma siya sa sinabi ni Andy.Hindi pa nila napag uusapan ni kichiro ang bagay na yun."gapangin mu na mamaya best,at humagikhik ito sa sinabi.Inirapan niya ito.
"magpapanggap lang akong asawa niya hanggang makuha niya ang mana niya at wala akong intensiyong magpabuntis no"
Napatawa ito sa sinabi niya.
"joke ko lang yun best"pero ok lang naman kung susundin mu at kinindatan siya nito.

My Korean LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon