012

170 12 1
                                    

"thyrone,"
pagsisimula ng half sister ko, dahil dalawang araw na ako nagabsent. hindi ko lang feel pumasok. ewan ko ba, mas gugustuhin ko lang mapagisa sa ngayon.


tinignan ko lang siya, hinihintay magsalita.
"ilang araw ka nang di pumapasok, okay ka lang ba? may problema ka ba?" sabi niya, kitang kita sa mga mata niya na concerned siya.


"wala ate, okay lang ako."
hindi ate, hindi ako okay.


"sure ka?"


"mhm, gusto ko lang magpahinga. masyado kasi ako napressure sa pag-aaral kaya gusto ko muna ng space." sabi ko at ngumiti, ngiting kunyare totoo.


"ayusin mo na, thy. alam mo naman kung ano gagawin saatin ni daddy kapag hindi naayos grades natin diba?" matamlay niyang saad, pinilit niya ding ngumiti. halata namang na-attach na siya sa city na ito. ako rin naman e, na-attach. hindi lang sa lugar na ito, pati sa isang tao, na-attach ako.


sa isang tao na matalik na kaibigan lang talaga ang tingin saakin.

thyroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon