025

219 13 4
                                    

letter #25
hello, amaranthine!

ara!

naalala mo noon? na ako yung nagpauso sa nickname na 'yan noong grade 7? ang dami kasing ano pangalan mo eh, may pa amaranthine pa. haha.

hay. pagsulat palang ng pangalan mo, namimiss na kita kaagad. mamimiss talaga kita amaranthine, seryoso.

bakit ako gumagagawa ng letters? wala lang. magpapaalam na ako. teka paalam as in aalis na ha, di ako mamamatay!

saan ako pupunta? baka sa puso mo, magkakape ako doon. ay. ano, lilipat na kasi kami dahil sa kaartehan ng papa ko. dun na kami sa tongyeong titira, di na dito sa seoul. gusto kasi ni papa, magsimula kami ng bagong buhay para makamove on na kami sa mga problema ng pamilya namin dito sa seoul.

teka, pamilya nga ba kami?

joke. so yun nga, di ko naman ginusto na iwan ka ara. wala akong balak iwanan ka. paano kung bagsak ka nanaman sa science? sino nang tutulong sayo? si xenon? wew.

okay lang naman siguro na mawawala na muna ako, diba amaranthine? magiging happy ka pa din naman, diba?

ay bat ko tinanong, siyempre oo. andyan si xenon eh.

tsaka ano, sorry kung lagi ko sinusuntok boyfriend mo, ah? hindi lang kasi ako mapakali. hindi ako kayang makita na nasasaktan ka. parang nasasaktan lang din ako.

thank you, amaranthine. sa lahat, mula grade 7 hanggang ngayon. thank you for being my bestfriend, kahit hanggang doon lang. kahit ganun lang tingin mo saakin, thankful din ako kay God na dumating ka sa buhay ko.

so bye bye na ah? sana makabisita ako dito sa seoul. para sa'yo. para kila scarlett na din, pakisabi sakanila mamimiss ko din sila.

nakakahiya lahat ng letters na ginawa ko. mula day one ng paghulog ko sa ngiti mo hanggang ngayon, sa pag-alis ko.

kaya sorry ah?

sorry kasi bestfriends tayo pero parang nasira lang kasi nahulog yung puso ko.

hindi ko naman sinasadya eh, malay ko ba na ganito pala nangyari? kung ganun pala, sana di nalang kita kaibigan tsaka diretsuhang ligaw na agad. kaso wala eh, biglaan nalang. di manlang ako na-inform. edi nakaprepare sana ako kahit papano!

sorry talaga.
sorry kasi mahal kita.

- thy.

thyroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon