✦
ilang araw nadin ang nakalipas noong nagbreak kayo ni xenon. ngumingiti ka na, pero alam ko deep inside, nalulungkot ka pa din.
miss ko na yung dating ikaw, ara. yung lahat nalang pinagtatawanan mo, yung ara na walang pakealam sa itsura niya, yung totoo pa yung mga ngiti mo dati, pero ngayon fake na.
"lalim ng iniisip natin ngayon, ah!"
napatalon ako sa gulat noong biglang nasa harap na pala kita. ang lapit mo sobra, kaya namula ako."by the way, may good news ako, thy!"
nakangiti mong sabi, kaya napangiti din ako. bakit? dahil ito yung ngiti na totoo. mukhang good news nga siguro yan."ano? hindi ka ba bagsak sa math quiz mo?"
"yes, tama! hindi ako bagsak, naniniwala na ako sa himala. at meron pa! ito talaga yung pinakamagandang na balita! kasing ganda ko."
sabi mo at nagsimulang magtalon talon, kitang kita yung saya sa mukha mo.
"nagkabalikan na kami ni xenon, thy!"
sigaw mo habang nakaheart eyes emoji pa ang mga mata mo. ngumiti nalang ako ng pilit.so ako na ba ngayon ang ngingiti ng pilit?
BINABASA MO ANG
thyrone
Short Storyhe chose to be her friend, but falling in love with her was out of his control.