umuwi ako mag-isa, medyo wala nang laman ang mga gamit namin kasi nilipat na sila sa bago naming bahay.
dapat bang matuwa ako kasi aalis na kami? kasi makakalimutan na ako ni ara? kasi baka makalimutan ko na siya? baka may makilala akong iba?
o dapat ba ako malungkot dahil makakalimutan niya ba ako, dahil hindi niya ako mamimiss, at dahil baka di ko na siya makikita?
napatingin ako sa letters na ginawa ko, bibigay ko sana sakanya kaso wala eh, monthsary pala nila ng magaling na xenon na 'yan.
huminga ako ng malalim at kinuha ang box punong puno ng letters. sumakay ako sa bike ko at dumiretso papuntang school. may tao pa naman doon sa oras na ganto eh.
bahala na.
BINABASA MO ANG
thyrone
Short Storyhe chose to be her friend, but falling in love with her was out of his control.