✦
ito na yung araw, ang huli kong araw dito sa school na ito. sa seoul. sineryoso talaga ni papa na lilipat na kami ng bahay, kahit labag sa loob namin ni ate thyme.
hindi ko padin sinasabi sayo na aalis na ako. wala akong sinabihan, wala naman sigurong may pake kung aalis na ako eh.
atsaka, mukhang masaya ka din naman eh. wala man ako, o nandito man. ngayon na puro xenon ka nalang, magiging okay ka din.
"ara. um, pwede bang mamayang dismissal magfriendly date tayo? libre ko. pizza, yung favorite mo."
sabi ko at nginitian ka, kahit busy ka sa pagtext kay xenon. kunyare nalang iisipin kong si scarlett ang katext mo, yung kaibigan mo."ya, sure."
tipid mong sabi saakin, tumango nalang ako.okay lang na maging cold ka saakin, okay lang kahit maging matipid at dry saakin, basta ba na makasama kita sa last day ko dito,
okay na ako.
BINABASA MO ANG
thyrone
Short Storyhe chose to be her friend, but falling in love with her was out of his control.