nakatingin lang ako sa locker mo, nagdadalawang isip kung ilalagay ko pa 'to sa locker niya. aish, bahala na talaga!
binuksan ko ang locker mo na mala-chandelier ni sia, 1-2-3 lang yung ano mo sa padlock mo.
nilagay ko ang box at sinarado ang locker. nilibot ko saglit ang school dahil alam ko mamimiss ko din dito kahit papaano.
paalis na sana ako ng school kaso may narinig akong boses na kilalang kilala ko.
"thy!"
sigaw mo at tumakbo palapit saakin. nginitian kita, ngiti na kunyare okay lang ako. ngiti na kunyare andito lang ako, na hindi ako aalis.ngiti na kunyare hindi ako nasasaktan.
"oh bat ka pa andito, diba magddate kayo ni xenon?"
sabi ko, medyo salty pa ako dun ah. pero okay lang, kunyare okay lang."yas, dito kami magkikita! dinner date din kasi yon, oha so sweet diba!"
proud mong sabi saakin, proud na proud sa boyfriend mong magaling. sa sobrang galing naging idol ko na putek."ahh."
"sorry talaga, thy ah! next time nalang ako babawi. medyo wrong timing din kasi eh, nakalimutan ko na one month na pala kami."
sabi mo habang nakayuko."wala nang next time, ara."
seryoso kong sabi kaya napatingin ka kaagad saakin at nanlaki yung mga mata."h-ha?"
"joke lang!"
sabi ko at yinakap siya bigla.aalis na sana siya pero hinigpitan ko pa ang yakap. feel ko namumula na to, pft! sinulit ko na ang pagyakap sakanya, dahil alam ko na hindi ko na siya mayayakap ulit.
"grabe siya makayakap oh! para namang aalis ka! hahahahahahaha!"
sabi mo habang tumatawa, walang kaalam alam na aalis na nga talaga ako."haha."
"feeling ko pag magkakagirlfriend ka, feel ko super sweet ka. yung parang sweet na ginagawa mo palagi saakin, pero mas sweet. kaya ikaw! maghanap ka na nga ng chix! anyways, nagtext na si xenon baby. gotta go na, thy! adios!"
paano ako makakahanap, eh ikaw lang gusto ko?
BINABASA MO ANG
thyrone
Short Storyhe chose to be her friend, but falling in love with her was out of his control.