CHAPTER 1: The Other Side of the Story

9 1 0
                                    


Napakaganda nang araw na ito para sa dalagang si Shizu. Isang simpleng babae na simple lamang ang mga pangarap. Mabait, matulungin at magalang sa lahat. May angking kagandahan si Shizu na kinaiingitan nang halos lahat nang mga kababaihan sa kanilang baryo.

Maputi, makinis, medyo bilogan ang mga mata at may kaaya ayang ngiti sa mga labi. Na halos lahat nang mga kalalakihan ay mabibighani.

Payak ang kanilang pamumuhay sa baryo. Pangingisda, pagtatanim at paghahabi nang seda ang pangunahing kinabubuhay nang mga nakatira dito.

Pero kahit ganun kahirap ang pamumuhay nila. Hindi iyon inalintana ni Shizu dahil kuntento na sya.

Ang kanilang baryo ay nasa gitna nang dalawang bundok na naghahati sa dalawang emperyo nang Hokan at Kuryuu. Ang dalawang kahariang ito ay palaging nagkakaroon nang sigalot dahil sa pag-aagawan nang lupain.

Puro gahaman sa kapangyarihan ang dalawang emperador. Kaliwat kanan ang pagpapaligsahan nila. Mula sa lupain, kapangyarihan at pati na rin sa mga kababaihan. Napapabalita narin sa buong nasasakupan nang dalawang emperyo ang pangunguha nito nang mga kadalagahan sa iba't ibang baryo para gawing mga asawa nila, O mas kilala bilang mga concubine nila.

At ang pinakahuling baryo ay kina Shizu. At lubos na kinatatakutan nang buong baryo na baka isa si Shizu na ang makuha. Natatakot narin ang magulang ni Shizu para sa kanilang anak. Hindi narin kasi lingid sa kanilang kaalaman na may iniibig na ang kanilang anak at nakatakda na itong magpakasal sa kasintahan nitong si Yuan.

Si Yuan ay isang matipuno at gwapong lalaki na may angking kakasigan. Lahat nang kababaihan sa baryo ang nahuhumaling dito. Akala nga nila ay magiging isa itong opisyal nang Emperyo ngunit hindi nito pinagpatuloy ang pangarap nang makilala nito si Shizu.

Naging masaya ang mga magulang nila pareho nang malamang naging magkasintahan ang dalawa at nagpaplano nang magpakasal. Ngunit isang malaking ulos ang magaganap na hindi nila ma-iiwasan.

Nasa bukid ang mga kalalakihan dahil panahon nang nanihan, habang nasa kanikanilang mga bahay ang mga kababaihan naghahanda nang mga pagkain para sa mga umaani sa bukid. Masaya ang lahat hindi alintana ang isang malagim na magaganap.

Ang araw ding iyon ang araw na nakatakdang isapubliko nang pamilya nina Shizu at Yuan ang kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

"Kinakabahan kaba Shizu?" Tumabi kay Shizu ang kanyang matalik na kaibigang si Fanfei.

"Napapansin ko kasing nananahimik ka dyan sa tabi e." Sabi pa nito sabay hawak sa kamay ni Shizu.

"Hindi ko mapakiwari ang nararamdaman ko Fanfei. Parang may magaganap na hindi maganda ngayong araw na ito." Sagot ni Shizu dito.

Bigla syang binatokan ni Fanfei. "Ano kaba naman Shizu. Dapat hindi negatibo ang nasa isipan mo. Baka nagdadalawang isip ka na nyan." Puna nito.

"Ano kaba naman Fanfei. Mahal ko si Yuan at buong puso ko syang iniibig. Handa akong maging asawa sya at paglingkuran habang buhay. Sya lang ang taong minamahal ko at wala akong pandalawang isip na hindi ituloy ang ang pag-iising dibdib namin. Ikamamatay ko kapag nawalay sya sa akin" Litanya nya dito.

"Yun naman pala e kaya ewaglit mo na yan sa isipan mo. Dahil ngayon ang simula na magiging maligaya kayong dalawa ni Yuan." Sabi nito nang nakatayo at na-unang lumabas nang kwarto.

Muling pinasadahan ni Shizu ang kalangitan at hiniling na sana ay hindi totoo ang kanyang pangitain.

Tumayo si Shizu sa kanyang kinauupoan at lumakad na palabas nang kanyang kwarto. Biglang natumba si Shizu nang yumanig. Hindi na nag-atubili pang tumakbo si Shizu papunta sa bulwagan nang kanilang bahay kung saan nagaganap ang kasiyahan.

Nayanig ang buong kataohan ni Shizu nang makita ang mga nakahandusay na katawan nang kanyang mga kanayon kasama na si Fanfei. Puro wala nang mga buhay ang mga ito. Hinanap nang kanyang mga mata ang kanyang mga magulang pero wala ang mga ito doon.

Dali dali syang lumabas at nakita nang kanyang dalawang mata kung panu ginilitan sa leeg ang kanyang mga magulang.

"HIndiiiiiiiiii!" Napasigaw si Shizu at agad dinaluhan ang mga katawan nang kanyang mga magulang na naliligo na sa kanilang mga sariling dugo.

"Ina! Ama!" Pagtatangis ni Shizu. Hindi nya matanggap na sa isang iglap mawawala ang kanyang mga magulang sa kanya. Hindi na alintana ni Shizu ang mga hiyawan at iyakan sa buong paligid. 

Ang dating masayang lugar ay napuno nang karahasan. Halos naging pula ang kulay nang daan dahil sa dugo nang kanyang mga kanayon na walang awang pinatay nang mga kawal nang hari nang Kuryuu. Nakikilala nya ang mga ito dahil sa simbolo nang kanilang bandila.

"Aba't kapag sinuswerte ka nga naman." Sabi nang lalaking lumalapit kung nasaan si Shizu.

"Ang swerte ko naman ngayon at may babaing kasing ganda mo na magpapaligaya sa akin ngayong gabi. Hindi muna kita papatayin dahil titikman muna kita. Magandang binibini." Ngising aso na sabi nang isang kawal.

"Wag po. Maawa na po kayo." Umiiyak na sabi ni Shizu. Hinihipoan kasi nito ang mukha ni Shizu at parang huhubaran na nito sa paraan nang pagkatitinig nito.

Akmang hahalikan nito si Shizu nang bumulagta ito sa lupa. Napasigaw sa takot si Shizu sa kanyang nakita. Nang biglang may dalawang brasong yumakap sa kanya.

"Tahan na Shizu. Hindi ako makakapayag na hawakan ka nila. Habang buhay pa ako."  Kilala nya ang boses nang taong yumayakap sa kanya ngayon. Naging panatag ang loob ni Shizu sa sinabi ni Yuan.

Tiningnan nya ang mukha nang lalaki at hinawakan ang mukha nito. Nakangiting tiningnan ni Yuan ang luhaang mukha ni Shizu.

"Mahal na mahal ki--------"

Hindi na natapos ni Yuan ang kanyang sinasabi nang bigla itong matumba. Agad dinaluhan ni Shizu si Yuan.

"Yuan? Gumising ka. Pakiusap wag mo akong iwan."  Tawag ni Shizu dito. Ilang ulit nyang tinawag ang pangalan nito pero nakapikit ang mga mata nito.

Niyakap ni Shizu ang katawan ni Yuan at napahiyaw si Shizu nang makita nya ang dugo ni Yuan sa kamay nya. Napana pala si Yuan sa likod habang yakap yakap sya nito. Pinotektahan nito si Shizu kapalit nang kanyang buhay.

"Yuan! Hindiiiiiiii!" Sigaw ni Shizu. kinuha na ang lahat sa kanya pati ang taong pinakamamahal nya. Wala sa huwisyo si Shizu. Biglang nandilim ang kanyang pag-iisip. Kinuha nya ang espadang hawak ni Yuan at sinaksak ang kawal na lumapit sa kanya. Napuno nang luha ang mukha ni Shizu. Wala na syang paki-alam kong ano man ang mangyari sa kanya.

"Matapang ang isang ito heneral."  Narinig nyang sabi nang isang kawal. Nakita ni Shizu ang tinutukoy nitong heneral. Kaya sinugod nya ito nang kanyang espada. Pero bago pa man ito tumama sa katawan nang heneral. Napahinto si Shizu dahil sa sakit na naramdaman nya sa kanyang tyan. Sinuntok pala sya nang isang kawal sa kanyang tyan kung kayat nabitawan nya ang espadang hawak nya at natumba sya sa lupa.

"Kunin nyu ang babaing iyan. Magiging magandang regalo yan para sa ating mahal na hari."  Yan ang huling katagang narinig ni Shizu bago sya nawalan nang malay.

============================== 


The Dragon EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon