Prologue

13 1 0
                                    


Nagkakagulo ang mga kawal at lahat nang tao sa loob nang palasyo. Maririnig ang mga iyakan at sigawan. Lahat halos nagluluksa sa pagkamatay nang kanilang pinakamamahal na emperador.

Halos buong emperyo na rin ay nagluluksa. Halos lahat ay hindi makapaniwala na maagang pumanaw ang kanilang hari. Wala rin namang napapabalitaang may karamdaman ang hari.

Kaya halos lahat ay nagtataka kung bakit sya namatay.

Isang tao lang naman ang alam nilang kasakasama nang hari palagi. Ang pinakabatang napangasawa nito mula sa isang liblib na lugar na nasa dulo nang emperyo.

Lahat ay nagdududa sa concubine nang hari. Sa buong durasyon nang lamay nang hari ay hindi man lang nila ito nakitang lumapit sa labi nang asawa nito. Nasa isang sulok lang ito nakatingin. Walang bahid nang emosyon. Hindi man lang nila ito nakitang umiyak, o na lungkot man lang.

Parang nasiyahan pa ito na namatay ang hari.

Pagkatapos nang libing nang hari. Nagkaroon nang pagpupulong ang lahat nang opisyal nang hari sa buong palasyo para pag-usapan kung sino ang papalit bilang hari dahil walang na-iwang tagapagmana ang hari.

Nagkaroon nang ma-init na pagtatalo sa pagitan nang mga opisyal. Tatlong matataas na opisyal nang hari ang pinagpipilian kung sino ang papalit.

Nasa gitna sila nang pagdedebate nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang napakagandang babae. Lahat ay natahimik nang masilayan ito.

"Bawal po kayo dito mahal na reyna." Pahayag nang isang opisyal nang makabawi ito mula sa pagkabigla.

"Kailan pa ipinagbabawal ang isang gaya ko na pumunta dito? At wala man lang may nagsabi na magkakaroon nang pagpupulong ngayun." Malamyos na sabi nito.

Pigil ang hininga nang lahat nang maglakad ang reyna papunta sa upoan kung saan nakaupo dati ang hari. Nakangiti pa ito nang tumingin sa lahat. Pinasadahan nang kamay nito ang upoan bago dahandahang hatakin ang upoan at doon umupo.

Napasinghap ang lahat nang umupo ang reyna doon.

"Lapastangan!!! Sino ang nagbigay sayo nang karapatan na umupo sa upuan nang hari?" Galit na sigaw nang isang opisyal.

Dahil sa ginawa nang isang opisyal agad na pumasok ang mga kawal. Nagulat ang mga nasa loob na ibang kawal ang pumasok. Ang kawal nang hari ay purong pula ang kasuotan at may baluti na ginto, makikita rin ang buong mukha. Pero ang mga kawal na pumasok ay iba. Bughaw ang kulay nang panloob nila na napapatongan nang itim na baluti. Ang kinaibahan lang ay merong takip ang kalahati nang mga mukha nila nang puting seda.

"Ngayon sabihin mo sa akin heneral Xiu kung wala ba akong karapatan na umupo dito." Nakangiting sabi nito habang nakasandal sa upoan.

"Isa itong pag-aaklas laban sa hari!" Galit naman na sabi nang isa pang opisyal.

"Hindi naman ako nag-aaklas e. Wala na bang karapatan ang bagong pi---"  Naputol ang dapat sanang sabihin nito nang sumingit ang isa pang opisyal.

"Nagpapatawa ka ba? Wala kang karapatan sa trono dahil babae ka lang at lalong lalo na hindi ka isang tunay na maharlika!!" Nanggagalaiting sigaw nang tinawag na heneral Xui.

Biglang nagdilim ang mukha nang reyna. Marahas itong napatayo at kuyum ang kamaong tiningnan si heneral Xui.

"Patayin ang lapastangang iyan!" Dumagundong ang boses nang reyna habang nakaturo kay heneral Xui.

Agad tumalima ang mga kawal at hinawakan sa magkabilang braso si heneral Xui.

"Bitawan nyu ako mga traydor! Hindi ako ang dapat nyung patayin kung hindi ang babaing iyan! Isa syang traydor sa hari!" Pasigaw na sabi ni heneral Xui.

Hindi man lang natinag ang mga kawal sa sinabi ni heneral Xui.

"Bitawan nyu sya."

Nabaling ang tingin nang lahat nang pumasok ang  isang makisig na lalaki. Nakasuot ito nang damit na katulad sa isang maharlika.

Sinundan nang tingin nang lahat ang lalaki habang naglalakad ito patungo sa kinauupoan nang reyna. At laking gulat nila nang bigla nitong halikan ang kamay nang reyna.

"Anong ibig sabihin nito Prisipe Yen?"  Gulat na tanong ni Heneral Xui.

Si prinsipe Yen ang panganay na anak nang hari sa tunay na asawa nito. Pero maagang na-ulila ang prinsipe dahil namatay ang ina nito nang bagong panganak palang ito. Alam nilang lahat kung gano kamahal nang hari ang reyna kaya hindi nila masisisi ito nang biglang magbago ang pakikitungo nito sa lahat, lalong lalo na ang nasasakupan nito.

"Bakit heneral Xui? May mali ba sa ginagawa ko?" Malumanay na sabi nang prinsipe sa heneral.

"Alam mo na ang babaing iyan ang may pakana nang pagkamatay nang hari." Malakas na sabi nang heneral.

Biglang nagbulungan ang mga taong nasa loob nang kwarto.

"Meron ka bang pruweba heneral? Alam kong alam mo rin na isang krimen ang iyong sinabi laban sa reyna nang Emperyo." Malumanay na sabi nang Prinsipe.

"Wala akong matibay na ebidensya pero malakas ang paniniwala ko na sya ang puno't dulo nang pagkamatay nang hari." Pinanindigan nang heneral ang kanyang sinabi.

Biglang nagulat ang lahat sa sumunod na nangyari. Bumulagta sa sahig ang nangingisay na katawan nang heneral, habang naliligo sa sarili nitong dugo. Hindi nila inaasahan ang nangyari sa heneral. Sinundan nila nang tingin ang may gawa at nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ang reyna na mayhawak nang espada na may bahid na nang dugo nang heneral.

"Sino pa ang gustong kumalaban sa akin?"  Malamig na sabi nang reyna. Kahit ang mga mata nito ay walang buhay at parang mata nang isang dragon na handang pumatay sa kakalaban dito.

Walang gustong magsalita. Walang gustong sapitin ang nangyari katulad nang sa heneral. Sabay sabay na lumuhod ang lahat nang tao na nasa loob nang kwarto kabilang narin ang buong kawal na nandun.

"Tanggapin nyu po ang espeda nang Emperyo nang Kuryo. Simbolo nang inyung pamumuno sa buong Emperyo. Mabuhay ang Mahal na Reyna, Mabuhay ang buong Emperyo"  Sabi nang punong Eunoco.

Tinanggap iyun nang reyna at itiniaas. Lalong yumukod ang lahat.

"Mabuhay ang Dragon Empress, Mabuhay ang buong Emperyo!"

"Mabuhay ang Dragon Empress! Mabuhay ang buong Emperyo." Malakas at sabay sabay na sabi nang nasa loob nang kwarto.

Malawak ang ngiti nang reyna at ngayon ay ang tinatawag na Dragon Empress nang Kuryo.

Ang Dragon Empress na si Shizu.....

=============================================


The Dragon EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon