Chapter 5

8 1 0
                                    

Hindi lubos akalain ni Shizu na ang simpleng paghanga nya para kay Fa Guang ay lumalim hanggang sa natagpuan nya na lamang ang kanyang sarili na umiibig na dito. Aaminin nyang mahirap dahil una, hindi nya alam kong mahal din ba sya ni Fa Guang. Pangalawa, alam nyang apprentice sya nang isang concubine at hindi sya maaaring umibig sa iba at pangatlo, takot sya sa maaaring mangyari kapag lalo syang mahuhulog kay Fa Guang.

Takot sya na ma-ulit muli ang nangyari kay Yuan. Ayaw nya mas domuble ang takot nya dahil mas mahal nya na ngayon si Fa Guang kesa kay Yuan. At alam nyang kapag mawawala si Fa Guang ay mas labis syang masasaktan.

Ang lahat nang pangamba ni Shizu ay naglaho nang isang araw ay nagtapat si Fa Guang sa kanya na mahal narin sya nito. Napuno nang kasiyahan ang puso ni Shizu sa pag-amin ni Fa Guang. Naging masaya rin sina Lady Shouka, Ren at Kawri para kay Shizu. Sila ang naging daan upang hindi malaman nang punong kawal ang lihim na ugnayan nina Fa Guang at Shizu.

Pero ang lahat nang kasiyahan ni Shizu ay biglang naglaho nang makarating sa hari ang isang balita na ang isang apprentice ni Lady Shouka ay naging kasintahan nang isang babang uri nang kawal. Nagulat na lamang si Shizu na ilang araw nang hindi nagpapakita sa kanya si Fa Guang. Huli na nyang nalaman na pinadala pala sa isang misyon si Fa Guang na walang kasiguruhan kung makakabalik pa ba ito.

Napuno nang hinagpis ang puso ni Shizu sa nalaman. Para talaga syang pinaglalaruan nang tadhana. Kinausap nya rin si Lady Shouka kung may maitutulong ba ito sa kanya.

"Maawa ka Lady Shouka, Tulungan mo ako. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Fa Guang."  Umiiyak na sabi ni Shizu.

"Titingnan ko kung ano ang magagawa ko Shizu. Ipagdasal mo nalang na sana ay walang masamang mangyari kay Fa Guang." Nahahabag na si Lady Shouka sa anyo ni Shizu. Nasasaktan sya nangyayari dito.

Naaawa narin sina Ren at Kawri, alam nila kung gano kasakit ang pinagdadaanan ni Shizu ngayon.

Nang gabing iyon ay pinatawag ulit si Lady Shouka. Sinabi nya rin kay Shizu na susubukan nyang kausapin ang emperador na ibalik na sa palasyo si Fa Guang.

*SA SILID NANG EMPERADOR*

"Mahal na Emperador. Meron sana akong gustong epaki-usap sa iyo." Panimula ni Lady Shouka.

"Hindi ba yan makakapaghintay aking Shouka?" Tanong nang hari habang umiinom nang alak.

"Gusto ko sanang ngayon ko na sabihin sa inyu mahal na emperador." Sabi naman ni Lady Shouka.

"Tungkol saan ba iyan?"  Tanong nang hari.

"Tungkol ito sa aking apprentice na si Shizu at sa kawal na si Fa Guang." Sabi ni Lady Shouka.

"Alam mo ang patakaran ko sa palasyo Shouka. Hindi ko pinamimigay ang akin kapag walang pahintulot ko."  Nagagalit na sabi nang emperador.

"Pero hindi mo mapipigilan ang dalawang taong nagmamahalan mahal na emperador." Malumanay na sabi ni Lady Shouka.

"Kayo hindi nyu mapipigilan, pero ako mapipigilan ko!" Biglang itinapon nang emperador ang kanyang kopita na may lamang alak. Kumalat sa sahig ang laman nito.

"Pero-----"

"Tama na Shouka! Wag mo nang ipilit ang bagay na hindi mangyayari!" Galit paring bulyaw nang hari.

"Pero-------"

Hindi na na-ipagpatuloy ni Lady Shouka ang kanyang sasabihin nang bigla syang sampalin nang hari. Namula at may nalasahang dugo si Lady Shouka sa kanyang bibig. Hindi nya lubos maisip na sinaktan sya nang hari. Sa loob nang mahabang panahon, ngayon lamang sya sinaktan nito.

"Bumalik ka na sa iyong panuluyan Shouka. Baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo."  Galit paring sabi nang hari.

"Punong Eunoco! Ihatid mo si Lady Shouka sa kanyang panuluyan at papuntahin mo dito ngayon din si Lady Feiyan!" Utos nito sa punong eunoco.

Tinulungang makatayo nang punong eunoco si Lady Shouka sa kanyang pagkaka-upo sa sahig dahil sa lakas nang sampal sa kanya nang emperador. Kahit nasaktan ay taas noo paring umalis si Lady Shouka sa harap nang emperador.

Habang tahak nila ang daan pabalik nang panuluyan, nakasalubong nila si Lady Feiyan na napakalawak nang ngiti. Tumigil pa ito sa harap ni Lady Shouka.

"Pano ba yan Shouka, mukhang nawalan na nang gana ang mahal na emperador sa iyo."  Sinabayan pa nito nang tawa.

"Hindi iyon kawalan sa akin Lady Feiyan. Magpasalamat ka nga at ikaw ang naging reserba ko ngayong gabi." Tiningnan ito ni Lady Shouka sa mata.

"Wag kang masyadong magmataas Shouka. Isang araw babagsak karin."  Sabi pa nito.

"Wag kang mag-alala Lady Feiyan pagdumating ang araw na iyon isasama din kita sa pagbagsak ko." Nginitian nya pa ito nang matamis.

"Aba't sumusobra ka na a!"  Napipikon na sabi ni Lady Feiyan.

"Lady Feiyan magpatuloy na po tayo sa ating paglalakad baka lalo pa pong uminit ang ulo nang mahal na emperador."  Singit nang isang tagasilbi.

"Tama sya Lady Feiyan. Baka saktan ka rin nang emperador katulad nang ginawa nya sa akin."  Sabi naman ni Lady Shouka.

Nagdabog pa si Lady Feiyan bago ito umalis sa harapan ni Lady Shouka at patakbong pumunta sa silid nang hari. Kasunod naman nito ang mga umalalay sa kanya.

Nagpatuloy naman si Lady Shouka sa kanyang paglalakad. Nang malapit na sya ay patakbong sinalubong sya nina Ren, Kawri at Shizu.

"Lady Shouka ano po ang nangyari sa inyo?"  Nag-aalalang tanong ni Ren nang mapansin nito ang pamumula nang kanyang pisngi.

"Wag kayong mag-alala. Walang ano man ito."  Nakangiting sabi ni Lady Shouka.

"Patawad Lady Shouka. Alam kong ako ang dahilan kung bakit kayo may ganyan."  Naiiyak na sabi ni Shizu habang nakayuko.

Nilapitan ni Lady Shouka si Shizu. Iniangat nya ang mukha nito at tiningnan ito sa mata.

"Shizu wala kang kasalanan. Patawarin mo rin ako dahil wala akong nagawa para tulungan ka. Ang sakit nang pagkakasampal nang emperador sa akin ay walang wala sa sakit na nararamdaman mo ngayon."  Nakangiting sabi ni Lady Shouka.

Niyakap ni Shizu si Lady Shouka at umiyak nang umiyak. Umiiyak na rin si Lady Shouka dahil nahahabag sya sa kalagayan ni Shizu. Para namang pinipiga ang dibdib nina Ren at Kawri sa nakikitang anyo nang kanilang kaibigan.

At isang plano ang nabuo sa isipan nina Ren at Kawri para matulungan si Shizu. Hindi na nila kayang nakikita si Shizu na ganun. Kaya kailangan na nilang tumulong para dito. Napamahal na kasi sa kanila si Shizu.

========================


The Dragon EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon