Chapter 3

7 1 0
                                    

Nang makapasok sila sa loob nang palasyo ay agad syang pinaghanda nina Ren at Kawri nang pangpaligo dahil alam nyang naamoy narin nila na mabaho na sya dahil sa amoy nang piitan. Ang ganda rin nang paligoan nila dahil pangmaharlika talaga ang istilo. Mula sa palamuti hanggang sa kagamitan ay naghuhumiyaw sa karangyaan.

Nakababad sya sa paligoan na nilagyan nang talutot nang bulaklak at oil. Nakakarelax ang amoy at ang tubig sa kanyang balat kaya hindi nya maiwasang pumikit.

"Kamusta ang paliligo mo Shizu?"  Nagulat si Shizu nang may magsalita at nakita nya si Ren na may hawak na kasuotan sa kamay nito.

"Ikaw pala Ren. Napakasarap nang tubig, Nakakawala nang negatibong pakiramdam." Nakangiting sabi ni Shizu dito.

"Mabuti naman kung ganun. Sya nga pala ito pala ang susuotin mo pansamantala dahil hindi pa nagagawa nang mananahi ay ang iyong kasuotan, kaya pagtyagaan mo muna to."  Sabi naman ni Ren.

"Maraming salamat Ren." Nakangiting sabi nya dito.

Nginitian din sya ni Ren bilang tugon. Akmang aalis na si Ren nang bigla nya itong pigilan.

"Ren sandali lang. May itatanong lang ako sayo." 

"Ano yun Shizu?" Sabi nito.

"Sino yung tatlong babae kanina sa hardin?"  Tanong nya.

"Ah, Sina Lady Feiyan, Lady Pinyang at Lady Liangyu yun. Silang apat kasama si Lady Shouka ang mga babaing may pinakamataas na ranggo dito sa atin. Pero mas nakakalamang sina Lady Feiyan, Lady Pinyang at Lady Liangyu kesa kay Lady Shouka dahil silang tatlo ay pawang mga anak nang mga matataas na opisyal dito sa palasyo. Naging kahanay lang nila si Lady Shouka nahumaling ang hari sa aking ganda ni Lady Shouka."  Sabi naman ni Ren.

Hindi nga ma-ikakaila na bukod sa tatlong babae ay mas maangat ang kagandahan ni Lady Shouka. Kahit nagmula sa ibang emperyo si Lady Shouka ay hindi maiiwasang mahumaling ang ibang taga emperyo sa aking ganda nito.

"At bukod pa roon mukhang si Lady Shouka ang susunod na magiging asawa nang hari. Hindi naman siguro lingid sa iyong kaalaman na sina Lady Feiyang, Lady Pinyang, Lady Liangyu at Lady Shouka ay mga concubine nang hari at tayo naman ay ang mga apprentice nila."  Sabi naman nito.

 Nagulat si Shizu sa kanyang narinig. Hindi nya akalaing mga concubine pala sila nang hari. O sa madaling salita mga babae sila nang hari. Kaya pala parang kakaiba ang kasuotan nang apat na babae dahil sa sila pala ang taga-pagbigay aliw sa hari.

Nagulat sina Shizu at Ren nang may marinig silang mga yapak nang tao na nagtatakbuhan. Agad tumayo at lumabas nang paligoan si Ren. Umahon na si Shizu at nagbihis nang makatapos ay sumunod sya kay Ren. Naabotan nila ang kumpulan nang mga kababaihan. Lumapit sina Ren at Shizu nang makita si Kawri.

"Anu ang nangyayari Kawri?"  Bungad na tanong ni Ren dito.

"Kakagaling lang dito nang punong eunoco."  Sagot ni Kawri.

"Tungkol saan naman daw?" Tanong naman ni Shizu.

"Kung sino ang makasiping mamayang gabi nang hari."  Walang paligoy ligoy na sabi ni Kawri.

Nagulat si Shizu sa kanyang narinig. Meron palang ganun dito? Iaanunsyo sa lahat kung sino ang makasiping nang hari? Tiningnan ni Shizu ang mga galit at inggit na mukha nina Lady Feiyan, Lady Pinyang at Lady Liangyu. Mukhang nakuha nya na kung sino ang makakasiping nang hari mamayang gabi.

"Hindi ako makakapayag na si Shizu ang mas pinili nang hari kesa sa akin."  Sigaw ni Lady Feiyan.

"Ano ba kasi ang nakita nya sayo? Hindi ka naman kagandahan at hindi ka rin katulad namin na nanggaling sa may mataas na estado. Isa kalang hampaslupa."  Galit ring sbi ni Lady Liangyu.

"Hindi ka naman namin kauri. Pero bakit ikaw ang mas pinapaboran nang hari? Baka ginayuma mo ang hari para gawin ka nyang susunod na reyna."  sabi naman ni Lady Pinyang.

"Oo hindi nga ako galing sa isang magandang pamilya, at lalong lalo na ay hindi ako katulad ninyo. Pero hindi ko masisisi ang emperador kung ako ang mas pinili nya kesa sa inyu. Dahil napaka purol nang mga utak ninyu at parang hindi kayo anak nang mga opisyal nang hari sa mga inaasal ninyo."  Taas noong sabi ni Lady Shouka.

Natahimik bigla ang tatlong babae dahil sa sinabi ni Lady Shouka. Agad na umalis ang tatlo sa harapan ni Lady Shouka na mukhang napahiya dahil sa sinabi nito. Namangha si Shizu sa tapang na pinkita ni Lady Shouka. Kahit taga ibang bansa si Lady Shouka ay kaya nitong makipagsabayan sa iba. Napakataas tuloy nang kanyang pagtingin kay Lady Shouka.

"Ito ang dapat nyung tandaan. Kahit hindi tayo katulad nila. Wag tayong paapi dahil parepareho lang tayo dito. Walang mas nakakalamang."  Sabi ni Lady Shouka sa kanilang tatlo.

Tumango naman sina Ren, Kawri at Shizu sa sinabi ni Lady Shouka. Lalong silang humanga kay Lady Shouka dahil mas palaban ito at walang kinakatakotan. Hindi ko masisisi ang emperador kung bakit mas pinili nya si Lady Shouka dahil mas bagay ito maging reyna kesa sa tatlong iyon. Mga walang delikadesa ang tatlo dahil sa mga asal nila.

Agad tumalima sina Ren at Kawri dahil gugugulin nila ang kanilang buong araw sa paghahanda para sa mamayang gabi. Sumunod naman si Shizu sa kanila. Kahit hindi nya alam ag gagawin ay tumulong narin sya kahit papano.

Inuna nilang inihanda ang pampaligo ni Lady Shouka. Binuhusan nila ito nang pampabango na amoy rosas dahil iyon ang paboritong pabango ni Lady Shouka. Habang nakaloblob si Lady Shouka sa inihanda nilang pampaligo nilagyan naman nila nang katas nang rosas ang buhok nito para bumango at kumintab. Kahit nakahubad si lady Shouka hindi sila nangimi dahil pareho naman silang babae. Kaya wala nang hiyaan.

Inihanda naman ni ren ang susuotin ni Lady Shouka. Isa iyong damit na kulay rosas na may desinyong bulaklak na kulay ginto. Mahaba ito na abot hanggang sahig. Pati mga palamuti nito sa buhok ay inihanda narin ni Ren. Nang maayosan na nila si lady Shouka sa kanyang kasuotan si Shizu na ang nagboluntaryong maglagay sa mukha ni Lady Shouka nang kulurete. Simple lang ang inilagay ni Shizu. Para litaw parin ang angking kagandahan ni Lady Shouka. Nang matapos na nilagyan nila nang belong pula ang ulo ni Lady Shouka dahil sa kanilang kasabihan na hindi maaring makita nino man ang mukha nang isang babae na pag-aari nang emperador.

Hindi na nila na-ihatid si Lady Shouka dahil sinundo na ito nang mga taga-palasyo para ihatid sa panuluyan nang emperador.

================================

Lady Shouka on the multimedia

The Dragon EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon