Chapter 7

3 1 0
                                    

Halos nanlumo sina Shizu sa nakitang kalagayan ni Lady Shouka sa piitan. Namumutla ito at nawalan nang buhay ang mukha, Ang dating palaging naka-ayos na buhok nito ay nakalugay na. Ilang araw din ito sa piitan dahil sa pag-ako nya nang Parang alam na nito ang kasasapitan nya.

"Lady Shouka?" Tawag nila sa kanya.

"Kawri, Ren, Shizu." Sagot naman nito. Kahit nahihirapan ay nakuha pa nitong ngumiti sa kanila.

Napakalaki talaga nang paghanga nila kay Lady Shouka kahit nahihirapan na sya nakuha pa nitong ngumiti.

"Napadalaw kayo."

"Ipagpatawad nyu Lady Shouka na hindi ka namin agad napuntahan dito." Nakayukong sabi ni Ren.

"Hindi po kayo dapat ang narito Lady Shouka. Dapat kami dahil kami ang may kasalanan."  Naluluhang sabi ni Kawri.

"Kapalaran ko na ang narito. Siguro ito talaga ang itinakda nang may kapal para makasama ko na ang aking pamilya. Kaya't masaya na ako na nakilala ko kayo at naging makulay ang buhay ko." Naluluhang sabi nito habang nakahawak sa mga ulo nina Ren at Kawri.

"Shizu alam kong sinisisi mo rin ang iyong sarili dahil sa nangyayari. Pero sana wag mo nang isipin yun. Ang isipin mo na lang ay ang hinaharap. Ipapa-ubaya ko na sa iyo sina Ren at Kawri. Ikaw na ang bahala sa kanila. Ang isa't isa na lang ang inyong masasandalan. Kaya sana mangako kayo sa harap ko na hindi nyu pababayaan ang isa't isa." Sabi pa nito kay Shizu.

Kinuha ni Lady Shouka ang kanyang palamuti sa buhok at ibinigay ito kay Shizu.

"Shizu ingatan mo ito palagi. Ito ang simbolo nang paglilipat ko nang titulo ko sa iyo bilang kahalili ko." Dagdag pa nito at inilagay ito sa buhok ni Shizu.

Lalong napaiyak sina Ren, Kawri at Shizu sa mga sinabi ni Lady Shouka. Parang namamaalam na ito sa kanila.

Mayamaya pa ay nakarinig sila nang yabag sa loob nang piitan. Nakita nila na may dumating na mga kawal na nakasuot nang pulang kasuotan. Simbolo ito na merong hahatulan nang kamatayan.

"Lady Shouka! dahil sa pag-aaklas mo laban sa emperador, hinahatulan ka namin nang kamatayan." Sabi nang kawal.

Lalong lumakas ang iyakan nina Ren, Kawri at Shizu, habang inaalalayan nang mga kawal si Lady Shouka palabas nang piitan.

"Wag kayong mag-alala. Magiging ma-ayos rin ang lahat." Nakangiting sabi pa nito sa kanila bago ito sumama sa mga kawal.

Sumunod sina Ren, Kawri at Shizu sa lugar kung saan hahatulan si Lady Shouka. Isa iyong parang bilog na intablado na nasa gitna nang malawak na espasyo. Nang makarating sila sa lugar na iyon marami narin palang tao na halos mga tauhan nang palasyo ang naroroon. Nakita nilang nakaluhod si Lady Shouka sa gitna nang entablado habang nakagapos sa likod nito ang mga kamay nito.

 "Shouka dahil sa iyong kasalanan at pag-aaklas laban sa hari! Ikaw ngayon any hinahatulan nang kamatayan. Meron ka bang huling kahilingan?" Sabi nang Punong opisyal.

"Isa lang ang hinihiling ko kamahalan, Nasana si Shizu ang pumalit sa akin bilang concubine mo."  Matapang na sabi ni Lady Shouka.

"Lapastangan! Hindi mo maaaring diktahan ang emperador!" Galit na sabi nang punong opisyal.

"Kung iyan ang gusto mo. Masusunod." Sabi nang emperador.

Nagulat ang lahat sa naging pahayag nang emperador. Hindi kasi ito basta basta nadidiktahan nang iba. Halata talagang may pagtingin ang mahal na hari sa kanyang concubine na dayo.

"Pero Kamahalan----" Naputol ang sanay dapat sabihin nang punong opisyal nang itaas nang emperador ang kanyang kamay tanda na ayaw nya na nang diskusyon.

"Maraming salamat kamahalan." Sabi ni Lady Shouka.

Tumayo naman ang hari at tinanguan ang berdugo na syang hahatol kay Lady Shouka. Umalis ang hari bago pa man nagawa nang berdugo ang iniutos sa kanya.

Napaiyak naman sina Ren, Kawri at Shizu nang ngumiti si Lady Shouka sa kanila. May tumulong isang butil nang luha sa kanyang pisngi. Nang itinaas nang berdugo ang kanyang espeda hindi na makuha pang tumingin ni Shizu. Ang sigaw at iyakan nina Ren at Kawri na lang ang maririnig sa buong lugar.

Nalaman nalang ni Shizu na tapos na ang paghahatol nang isa isang umalis ang mga taong nanonood. Pero hindi parin nila magawang umalis sa lugar na iyon kahit kinuha na ang bangkay ni Lady Shouka.

Napakasama nang tadhana para sa kanila. Ang saklap nang kapalaran ni Lady Shouka pero alam nilang wala itong pinagsisisihan. Alam nilang masaya ito dahil makakapiling na nito ang asawa't anak sa kabilang buhay.

Hindi lubos maisip ni Shizu na napakadali nang kanilang pagsasama ni Lady Shouka pero magkaganun man ay masaya sya dahil parang naging ina nya ito.

Mahigpit na hinawakan ni Shizu ang palamuting ibinigay ni Lady Shouka sa kanya. Ipinangako nya dito na gagawin nya ang lahat para hinid masayang ang sakripisyo nito. Gagawin nya ang lahat nang makakaya nya para mapabagsak ang mga taong nasa likod nang kanilang pighati.

========================


The Dragon EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon